Uno

3 0 0
                                    

"Parang tangang kausap ang tala at buwan,
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan,
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan,
Pag ahon ko sa lupa'y iiwanan lang naman..."

Feel na feel ko na sana ang pagkanta habang tinutugtog ang aking gitara nang biglang pumasok sa kwarto ang aking pinsan slash beshy na si Gale Marie Castro Valerio.

Ilinapag ko sa isang sulok ang gitara ko saka ko siya hinarap.

"Oh ano? Ba't napadalaw ka rito? May ichichika ka na naman siguro noh?"

Haayys. Kilala ko na kasi tong beshy ko na 'to eh since bata pa kami. Magkapatid kasi ang mga eomma(mother) namin kaya ayun, parang magkapatid na din kami. Solong anak na babae lang kasi ako tapos apat naman yung mga kapatid kong lalake, samantalang si Gale naman ay may isang kapatid na babae.

Prente siyang humiga sa kama ko na akala mo eh kanya talaga yun. Feeling at home lang ehhh.

"Grabe ka naman sakin TinTin! Porket nandito eh makikichika agad? Hindi ba pwedeng makikitsismis lang?"

Binato ko naman siya ng throw pillow ko. SHOOT! Sakto sa mukha niya! Wahahahaha.

"Parang tanga ka talaga beshy! Same lang yun ehhh! Duhh?" Sabi ko sabay bawi ng ibinato kong throw pillow.
Throw pillow kase yun ng favorite kpop group ko na BTS kaya as much as possible, ayokong ma-damage ang bebe pillow ko.

"Ehhh ba't nambabato ka? Nagjojoke lang ako ehhh. Ang seryoso mo talaga kahit kelan." Sabi niya sabay irap.
Kung di ko lang talaga to beshy baka kanina ko pa dinukot ang eyeballs niya. Pasalamat talaga siya dyan.

Niyakap ko ang throwpillow na hawak ko saka siya tinanong.

"Eh ba't ka nga kasi napunta dito ha? Anong ichichika mo?"

Umayos siya ng upo saka lumapit sakin. "Tungkol kasi sa gaganaping welcoming party sa school natin! Excited na akooo!"

----

"Bilis na besh, daliii! Isukat mo na 'to!" Excited na sabi ni Gale sabay lahad saakin ng isang pink na dress na may design na mga bulaklak.

Oh well, mukhang maganda nga.

Nandito kasi kami ngayon sa isang sikat na mall at kasalukuyang namimili ng damit na isusuot namin para sa isang event sa school namin. Freshmen college na kasi kami ngayon at dahil simula palang ng pasukan ay may pa-party ang school namin. Well, hindi naman ako KJ kaya syempre makiki-join na ako, saka kasama ko naman si Gale kaya no problem at all.

"O ano pa girl? Isukat mo na to! Maggagabi na ano ka ba."

Napatungo naman ako saka pinahawak sakanya ang mga gamit ko. "Sige na nga. Basta last na to ah?"
Napipilitan kong saad. Nginitian niya naman ako at nag thumbs up pa.

Haaayyy. Maisukat na nga ang hawak kong dress.

Dirediretso akong naglakad papunta sa isa sa mga fitting room. Ang weird nga eh kasi para akong nasa isang horror movie. Eh papano, bumi-blink kasi yung mga ilaw. Creepy.

I composed myself saka dahan dahang naghanap ng fitting room na kung saan walang tao. Buti nalang napadpad ako sa pinakadulo.

Pagkabukas ko ng pinto ay nabigla ako dahil may biglang nahulog mula sa itaas. Akala ko kung ano na!

Papel lang pala.

Pinulot ko ito at agad na binasa ang nakasulat.

"STRICTLY PROHIBITED.
DO NOT ENTER!"

Ehhhh??

Luminga-linga ako para maghanap ng bakanteng room pero occupied na lahat.

Haaayy bahala na nga!

Bumalik ako dun sa pinakadulong room at walang pakundangang pinasok iyon.

"Hmmm. Wala naman sigurong damage dito eh. Saka magpapalit lang naman ako. Di naman ako MagC-CR." nasabi ko nalang sa isip.

Nagsimula na akong magpalit ng damit at saka sinuri ang sariling ayos sa salamin. May body size na salamin kasi sa loob ng room kaya kitang kita ko ang beauty ko. Enebeee.

"Ang galing talagang magpili ni Gale. Fashionista ang hanep!"

Natutuwa kong saad. Para na akong timang sa loob kakakausap sa sarili ko.

Magpapalit na sana ako ng dati kong damit nang may mapansin akong kumikinang sa bandang gilid ng fitting room. Dahan dahan ko iyong linapitan at nashock ako sa nakita.

Isang keychain na gitara!

"Woahhh, ang cute naman ne'to! Siguro guitar lover din ang may-ari nito. Pero sino?"

Naguguluhan man ay agad kong kinuha ang keychain at saka iyon binulsa. Kasabay niyon ay ang pagkamatay ng mga ilaw at ang unti-unting pagdilim ng paligid.



******
A/N:

Hello guysueee! I hope na sana magustuhan niyo ang first ever story kemerut eklavu ko ehehehe😅 Sana din ay subaybayan niyo ang storyang ito kahit na ngayon palang eh sasabihin ko na na may pagka-tamad si author😆 pasensya na agad ehehehe🤭

Anyways, ngayon palang I want to give you all a 💜 heartueee bilang pasasalamat sa appreciation and time for reading this story. Till next update, Annyeonghigaseyo❣️

-anna💖

Time Bound⏪🕚Where stories live. Discover now