Prologo

4 0 0
                                    

"Bilis na besh, daliii! Isukat mo na 'to!" Excited na sabi ni Gale sabay lahad saakin ng isang pink na dress na may design na mga bulaklak.

Oh well, mukhang maganda nga.

Nandito kasi kami ngayon sa isang sikat na mall at kasalukuyang namimili ng damit na isusuot namin para sa isang event sa school namin. Freshmen college na kasi kami ngayon at dahil simula palang ng pasukan ay may pa-party ang school namin. Well, hindi naman ako KJ kaya syempre makiki-join na ako, saka kasama ko naman si Gale kaya no problem at all.

"O ano pa girl? Isukat mo na to! Maggagabi na ano ka ba."

Napatungo naman ako saka pinahawak sakanya ang mga gamit ko. "Sige na nga. Basta last na to ah?"
Napipilitan kong saad. Nginitian niya naman ako at nag thumbs up pa.

Haaayyy. Maisukat na nga ang hawak kong dress.

Dirediretso akong naglakad papunta sa isa sa mga fitting room. Ang weird nga eh kasi para akong nasa isang horror movie. Eh papano, bumi-blink kasi yung mga ilaw. Creepy.

I composed myself saka dahan dahang naghanap ng fitting room na kung saan walang tao. Buti nalang napadpad ako sa pinakadulo.

Pagkabukas ko ng pinto ay nabigla ako dahil may biglang nahulog mula sa itaas. Akala ko kung ano na!

Papel lang pala.

Pinulot ko ito at agad na binasa ang nakasulat.

"STRICTLY PROHIBITED.
DO NOT ENTER!"

Ehhhh??

Luminga-linga ako para maghanap ng bakanteng room pero occupied na lahat.

Haaayy bahala na nga!

Bumalik ako dun sa pinakadulong room at walang pakundangang pinasok iyon.

Author's Note:

Ang istoryang ito ay kathang isip lamang na gawa ng malikhaing imahinasyon ng may akda. Ang anumang pagkakahawig o pagkakapareho ng mga tauhan,pook, o pangyayari sa totoong buhay man o sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Plagiarism is a CRIME!

©2020

Date Started: June 13,2020
Date Finished: _____

Time Bound⏪🕚Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang