Chapter 1

56 13 8
                                    


This day was great and there are no sign na uulan ngayon dahil sa matinding sikat ng araw na tumatama sa akin mula sa sinag ng araw sa labas. Napangiti nalang ako ng maalala ko kung anong araw ngayon. Nakatingin ako sa bintana habang nakahiga pa rin sa kama. Another year had passed without him. Siguro dapat na akong masanay na wala na siya at hindi na babalik pa. Habang nakatulala lang ako sa bintana biglang nag ring yung phone ko.

Nyx calling...

"Callie I already arrange your flowers!!" Sabi ni Nyx sa kabilang linya.

"Ohh thanks Nyx your the best!!" Sabi ko kay Nyx sabay ngiti ng napakalapad kahit hindi naman niya ako nakikita.

"I know right??  By the way anong oras ka pupunta dito? Medyo madami na rin kasi yung mga tao baka hindi kita maasikaso" sabi ni Nyx. Si Nyx talaga yung napaka caring sa aming dalawa.

"Ahm 30 minutes nandyan na ako."

"Huwag mo akong ma 30 minutes dyan. Alam kong nakahiga ka pa at hindi pa naliligo". Alam kong nagagalit nato. Natawa nalang ako sa kanya kasi kilalang kilala talaga niya ako.

"okay2x. Just give me an hour okay? I will just fix myself bye!!" Binaba ko na kasi alam kong magagalit na naman yun sakin kapag nalalate ako.

Tumingin muna ako sa oras bago bumangon 8:02 a.m.. Naglakad na ako patungo sa CR at hindi ko alam kung paano ako nakaligo ng 10 minutes lang. Siguro dahil iniisip ko yung mukha ni Nyx na nagagalit habang naliligo ako. Lumabas na agad ako sa CR at tumakbo papunta sa closet. I just take a deep breath ng maalala ko na hindi ko na plano kagabi kung anong damit ang aking isusuot ngayon. Kinuha ko na lang yung mga nasa ibabaw na damit para makapag bihis agad ako. Sinuot ko ang isang plain na white t shirt tsaka black rip jeans. Kinuha ko rin yung shoulder bag ko na black at nilagay na sa loob ang nga importanteng bagay katulad nalang ng cellphone, pulbo, at lip gloss. Nagsuklay agad ako ng napaka bilis at lumabas na ng pinto. 8:17 a.m.. 15 minutes na ang nababawas ko. Pagbaba ko sa hagdan, nakita ko si Nanay Pinang na naghahain na ng almusal.

"Oh anak gising ka na pala. Gigisingin sana kita pagkatapos kung maghain dito. May pupuntahan ka ba ngayon?" Sabi ni Nanay Pinang. Hinagkan ko muna siya sa pisngi bago ako nagsalita.

"Pupunta po ako sa flower shop ni Nyx mamaya. Kukunin ko po yung mga bulaklak na ipinaayos ko sa kanya." Kumuha lang ako ng tinapay at nilagay sa loob yung hotdog, itlog, at tsaka yung bacon.

"Teka kumuha ka ng kanin. Hindi ka mabubusog niyan." sabi ni Nanay Pinang pero umiling lang ako.

"Mamaya lang po ako kakain ng kanin nay kapag bumalik na ako rito. Nagmamadali po kasi ako alam niyo naman si Nyx lumalabas yung sungay niya kapag nagagalit sa tuwing nalalate ako." Sabi ko kay Nanay at pareho kaming natawa. Alam kasi namin na maliit lang yung pasensya niya pero kahit ganon, mahal ko pa rin yun.

"Oh siya sige, ipagbabalot nalang kita ng pagkain. Mukhang matatagalan ka pa kasi bibisitahin mo pa siya." Alam ni Nanay Pinang na ngayon ako dadalaw sa kanya. Habang pinagbabalot ako ni nanay ng pagkain, kinuha ko nalang yung black sneakers ko at kinuha ang susi sa kotse.

"Ito na yung pagkain mo anak. Huwag kang magpagutom ha? Kumain ka sa saktong oras. Namamayat ka na oh." Isang matamis lang na ngiti ang binigay ko kay nanay. It's almost 5 years na rin nag aalaga si nanay sakin. Napaka swerte ko talaga kay nanay dahil kahit hindi niya ako tunay na anak, tunuring pa rin niya ako na parang anak niya. Sa totoo lang pareho kami ni nanay na wala ng pamilya. Wala na ang kanyang mga magulang, namatay naman ang kanyang asawa at hindi rin sila nagka anak. Si nanay nalang yung isa sa mga tao na hindi ako iniwan. Masaya ako dahil kahit wala na yung taong mahalaga sa akin, nandyan naman si nanay Pinang na palaging gumagabay at nag aalaga.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon