CHAPTER 13

5 3 1
                                    

Tulad ng napag usapan namin ni Zeggler. Maaga akong gumising dahil ayoko pumunta siya dito, baka ano pa isipin nila papa.

Simple lang ang suot ko. Color brown dress na fit na fit saakin at highheels. Naglagay rin ako ng make up, Itinali ko ang buhok ko at nagtira ng hibla ng buhok side to side, para kunyari messy bun.







Nandito ako ngayon sa counter at nakaupo lang sa swiveling chair. Sa sobrang aga ko wala pa siya.

Napaangat ako ng ulo ng makita ko si Zeggler papasok at ngayon papalapit na siya sa gawi ko. Sa pagkakataon nito parang siya lang ang nakikita ko, parang walang kahit sino man ang nandito.

"Hey!" Yugyog ni 'to sa braso ko.

Bumalik na ko wisyo. "Pasensya na, tara?" kung hindi pa siya nagsalita baka tulala lang ako sa kawalan.

Iniwan ko na ang susi kay Amara para si'ya na lang ang magdala nito sa bahay.

Ipinagbukas niya ako ng sasakyan. Napaka gentleman niya ever since.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked him without looking at him, baka matulala na naman ako.

He sighed. "Secret."

Gusto ko pa sana siyang tanungin kaso 'secret' nga 'daw 'e. Sinalpak ko na ang earphones sa magkabilang tenga ko. Nag simula na ang kantang  Destiny by Jim Brickman sa pagkakataon nito napalingon ako kay Zeggler na busy sa pag da-drive.

Inalis ko na ang earphone dahil tumigil na ang sasakyan, "Bat tayo nandito?" nagtatakang tanong ko dahil narito kami sa tapat ng malaking building.

Aakmang bubukas ko na sana ang pinto ng sasakyan ng bumukas ito. Inabot ni Zeggler ang kamay niya, tinignan ko pa 'to bago ko hinawakan ang kamay niya. Dahil 'dun nakaramdam na naman ako ng keryenteng dumadalay sa katawan ko. Pakiramdam ko, pwede ng maging source of electricity ang katawan ko ng dahil 'don. Agad ko tuloy kinuha ang kamay kong hawak niya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko, pero ngumiti lang ito.

"You look beautiful with your dress," Pagpupuri niya.

Pakiramdam ko uminit ang magkabilang pisngi ko, dahil sa sinabi niya.

"Let's go!" Nauna na siyang maglakad, sumunod na lang ako.

"Goodmorning, Sir." Bati ng babae na halatang sa titig niya palang ay may gusto siya kay Zeggler. Dukutin ko kaya ang eyeball niya.

Bat ka ba naiinis? Ano ba pake mo?

Dumiretso lang sa paglalakad si Zeggler kaya nagmadali na lang ako sa paglalakad. Nasa elevator na kami ngayon, pakiramdam ko hindi ako makahinga kapag nahuhuli ko si Zeggler na nangunguha ng tingin. Ng bumukas na 'to nauna na akong lumabas.

Ang bilis niya maglakad, san ba kasi kami pupunta?

Pumasok siya sa isang silid. Nang pagbukas ko na paawang labi ko ng makita ang mga sasakyan. Halatang bago na bago.

"Huwow!" Ani ko. Grabe nakakamangha!

"Come here," Tawag niya, kaya lumapit ako. " 'di ba? gusto mo ang sasakyan na Mercedes Benz?" kulay pula 'to.

Bat niya naitanong? Tumango na lang ako.

"I give it to you,"

"Sa-Sakin?" Hindi makapniwalang tanong ko, tumango lang siya "Binibenta mo sa'kin?"

He looked at me with he's angelic smile "No, I give it to you."

'Di ko alam dahil sa tuwa ay napayakap ako sakanya. Saka ko lang nagpagtanto ang ginagawa ko ng hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa'kin. Kumalas ako ng pagkakayakap at nagtama ang tingin namin.

'Di ko alam, pero sa pagkakataong 'to bumibilis ang tibok ng puso ko.

Sa totoo lang 'di ako makapaniwala na bibigyan ako ni Zeggler ng sasakyan, ilang beses ko pa tong tinanong kung bat niya ko binigyan ang sinabi niya lang dahil alam niya na gusto ko ng sasakyan na 'yon. Sinabihan ko na siya na may sasakyan naman ako pero di na siya nagsalita.

Dadalhin niya na lang daw sa condo, dahil don naman ako matutulog this weeks.

Sakanila pala ang building na 'to, dito kasi ginaganap ang pag sell ng cars. Pumasok kami sa restaurant malapit lang dito.

Nakaupo na ko ngayon at nagsimula ng mag order si Zeggler.

Hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti, ang saya-saya ko.

"Eat first, bago kita ihatid," Sabay lapag nito ng pagkain.

"Thankyou." I mumbled. "Thankyou for the car and this food," I continued, and smiled.

"Hindi to libre, a."

Napahiya ako don a. Sinimangutan ko lang siya, aakmang tatayo na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko.

He laughed. "I'm just kidding, love."

I'm literally, froze.

The boy I met in Paris (On going)Where stories live. Discover now