Napatahimik kaming lahat nang biglang pumasok si Ms. Saadvera. Pumunta na kami sa kani-kaniyang upuan at nag-umpisa na ang klase.

Nag-discuss muna si Miss saglit at pagkaraan noon ay nag-announce nna siya ang mga with honors. Puno ng tensyon kaming lahat. Halos nagpipigil kaming magkakaklase ng hininga dahil hindi namin alam kung sino ang mga pasado last sem.

Noong first grading, lima sa aming mga kaklase ay nalipat ng ibang section dahil hindi lang umabot ang average grade nila sa 85. Hindi ko alam kung bakit ganito ang sistema rito sa West Wood.

"Congratulations STEM 11 - Alpha!" Ito ang huling narinig naming salita kay Ms. Saadvera bago siya lumabas ng silid.

Pagkaraan ng panlulumo namin sa Research, napalitan naman ito ng tuwa dahil halos lahat sa amin ay pumasok sa with honors. Lumapit ako sa aking mga kaibigan upang batiin sila.

"Congrats guys!" I said to them.

"Akala ko hindi na naman ako papasok sa with honors dahil sa PE. Buti na lang at nagkaroon ng awa 'yung teacher natin! " sambit ni Aera.

"Na-post na pala sa portal ang overall rankings ng academic track!" sigaw ng isa naming kaklase.

Agad kong kinuha ang phone ko at chineck ang portal. Per semester ganito raw ang siste sa West Wood, pinagsama-sama nila ang lahat ng honors per track and dito mo malalaman ang overall ranking mo. Bukod pa ang ranking sa room at strand.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi nang makita ko ang aking pangalan sa top 20! Hindi ako makapaniwala na pumasok ako! I scrolled up and saw Nash name. He was overall top 2. The first was the ABM girl that bumped me few months ago, Abeetha.

"Mamaw ni Nash! Top 2," sabi ni Aqui habang nakatingin sa cellphone ko.

"Impossible! Naungusan siya ngayon ni Abeetha?! I smell something's fishy," usal naman ni Aera.

Napataas ang aking kilay dahil sa sinabi niya. "What do you mean naungusan?"

"Nash never got the second place.  He always aced to the top since we're grade 7. Kaya nakakapagtaka ngayon na si Abeetha na ang top 1. Hindi hamak na mas matalino si Nash kaysa sa Abeetha Pabida na 'yun."

Wow. I never thought that Nash was that intelligent. He always got on top? Kaya pala ang taas ng expectations sa kaniya ng Mama niya.

"Nasaan nga pala si Nash?" Aqui asked.

"Nakita ko kanina lumabas ng classroom. Nagmamadali yata," Aera answered.

Simula kaninang umaga ay para ngang wala sa mood si Nash. Tapos ngayon bigla siyang naglahong parabola? Este parang bula?

"Hindi ba nagpaalam sa iyo Xeidrine?" I shrugged. 

Sana ay ayos lamang siya.

Mayroon akong kutob kung bakit bigla na lang nawala si Nash. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano, pero hindi ko maiwasan. Kilala ko siya, ganitong ganito rin siya noong Midterm.

Nakakuha siya ng flat 95 noon, siya pa ang top 1 sa klase namin, ngunit nagalit na ang Mama niya. Ngayon pa kayang inilabas na ang ranking at top 2 lang siya overall.

Nag-aalala talaga ako sa kaniya, gusto ko siyang hanapin, ngunit hindi ko alam kung saan. Marahil ay wala rin siya sa bahay nila dahil alam ko kapag umuwi siya, sermon na naman ang aabutin niya sa kaniyang ina.

I guess, I'll just give Nash some space for him to process all of this. Baka mamaya ay makadagdag lamang ako sa kaniyang alalahanin.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Where stories live. Discover now