"Sorry, Miss. Ang sabi mo kasi ay bilisan ko kanina, kaya binilisan ko nga. Baka kasi importante ang pupuntahan mo kaya sinunod ko lang ang request mo," may ngiti niyang katwiran.

"Binilisan mo nga, halos maghiwa-hiwalay naman ang katawan ko sa sobrang bilis mong magpatakbo. Ganyan ka ba palagi magmaneho ha, hindi ba natatakot sayo ang mga pasahero mo?!"

"Hindi naman, maingat talaga ako magmaneho. Nag-request ka lang nga, kaya binilisan ko," pagsisinungaling niya. Pero ang totoo ay palagi siyang nairereklamo ng mga pasahero sa pangulo ng kanilang toda. Dahil nga sa pagmamaneho niya na parang byaheng langit palagi.

"Alam mo kung may time lang ako, irereklamo kita sa pangulo nyo sinasabi ko sayo kuya!" babala nito.

"Wag naman Miss, baka isuspende ako ni Pangulo na mag-byahe nyan e. Kailangan ko pa naman ng tuition fee para sa next semester ko."

"Estudyante ka?" medyo namamangha nitong tanong. Sinilip muli nito ang pobreng driver. At nakita nito sa wakas na magka-edad nga lang sila halos. Hindi din nito napansin kanina na may angkin din palang kagwapuhan ang kaskaserong driver. Naiiba sa mga nakikita nitong mga driver na karamihan ay mga tatay o lolo na. Naisip agad ng dalaga na marahil ay madaming nagka-crush na dalagang pasahero dito.

"Oo miss," tipid na sagot ni Niel.

"Really?" di pa rin makapaniwalang tanong ng binibini.

"Bakit mukha ba akong sangganong tricycle driver, Miss? Nag-aaral din po ako sa gabi. Doon sa university na pinapasukan mo," may ngiti niyang pagmamalaki sa kausap.

"Wow, I can't believe it. I really admire working student. Kaya sige na hindi na kita irereklamo sa pangulo nyo. Pero ipangako mo na hindi ka na magmamaneho na kagaya ng kanina ha. Baka mapahamak ka at ang pasahero mo, ikaw din," payo na lamang nito na sinang-ayunan agad ng binata.

Nang marating nila ang bahay ng dalagang pasahero ay namangha si Niel dahil ang laki pala ng bahay nito. Nagtaka tuloy siya kung bakit ito nagta-tricycle. Nakita pa niya mula sa labas ng gate na may limang kotse na nakaparada sa garahe ng mga ito.

"Kuya, magkano?" magalang na tanong ng dalaga pagkababa ng tricycle.

Inaayos pa nito ang maganda at mahaba nitong straight and shiny na buhok. Dahil nga nasalimpad iyon ng hangin sa buong byahe. Natulala naman si Niel dito dahil napakaganda pala nito lalo sa malapitan.

"Kuya okay ka lang!" ulit nitong tanong. Pero hindi pa rin naingli si Niel. "Kuya, sabi ko magkano!" muli na namang ulit nito.

"Ha, naku wag na miss. Hinatid lang talaga kita. Sige na, pasok ka na sa bahay nyo," nahihiya at nakahawak sa batok niyang sagot.

Kahit ipinipilit ng dalaga ang bayad nito ay hindi talaga iyon kinuha ni Niel. At para hindi na siya pilitin nito ay pinaandar na agad niya ang kanyang tricycle.

Kinabukasan pagpasok ni Niel sa university ay nakita niya ang binibining sakay niya kahapon. Nakaupo ito sa isang bench malapit sa kanyang classroom.

"Miss, di ba ikaw yung sakay ko kahapon?" may ngiti niyang tanong dito.

"Oo, natatandaan din kita. Teka sandali, ito na ulit yung bayad ko sayo kahapon. Bakit kasi hindi mo kinuha ang bayad ko." Akmang dudukot na sana ito sa bag pero pinigalan ito ni Niel.

"Miss wag na. Walang kaso yun sa akin," agarang pigil ni Niel sa magandang binibini.

"Sure ka ba? Di ba sabi mo kailangan mo ng pang-tuition this next sem."

"Oo, but no worries, maliit na bagay lang ang 50 pesos na ibabayad mo. Kumpara sa pangalan mo kung sasabihin mo sa akin," lakas-loob niyang sabi na may nagniningning na mga mata at matamis na ngiti sa dalaga.

Billionaire's Ex-girlfriend - Niel Alcazar (Billionaire Descendants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon