Umawang ang bibig ko habang pinapakinggan si Daisy. Bagaman emosyonal niya akong tinitignan sa mga mata ay bakas din doon ang galit sakin.

"D-Daisy..."

"Sinabi na namin sayong tigilan mo na yung lalaking yun di bah?!. Ano na lang ang mararamdaman ni Franco nito?!. Pinapa-asa mo lang siya sa wala?!."

"H-hindi naman sa ganoon-."

"Anong hindi sa ganoon?!. Gamitin mo nga yang utak mo!. Wag kang tanga."

Nagmura pa siya at nagpatuloy sa pangangaral sakin.

"Kaya nga nasa taas ang utak natin ay para malaman natin kung ano ang dapat gawin!. Alam nito kung paano mag-identify ng tama sa mali, ang mabuti sa masama, ang pwede sa bawal, Ada. Hindi yung magpapa-alipin ka sa tanga mong puso!."

Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan ngayon. Pati ang iilang medical staff ay napapabaling na rin samin.

"Hindi ko naman pinapa-asa si Franco, Daisy. Sinubukan ko. Sinubukan ko talaga siyang gustuhin pero kahit anong subok ko hindi ko kayang suklian ang nararamdaman nito para sakin."

Napalunok ako at mabilis na pinalis ang luhang bumagsak sa pisngi ko.

"Mabait at maalaga si Franco. He's perfect sa totoo lang. Kung pwede lang sanang pumili, pero wala eh. Wala talaga kahit anong gawin ko. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sakaniya."

"Bakit, Ada? Si Lucas pa rin ba talaga?."

Natitigilan akong napabaling kay Fhebie. Uminit ang mukha ko at ramdam na ramdam ko na ang pag-babadyang pag-agos ng mga luha saking mga mata.

Umiling ako at nagbaba ng nakokonsensiyang tingin.

"Bakit, Ada?. Bakit di mo ako kayang gustuhin?."

Napatalon ako sa gulat at mas lalong hindi ko inaasahan na mangingibabaw ang pamilyar na boses sa likuran ko.

Mabilis ko itong nilingon at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita si Franco na nakasuot ng jacket, nakasumbrero, at shades.

"Franco..."

Hindi ko makita kung ano ang emosyon meron sa mga mata nito dahil sa natatakpan ito ng kaniyang shades. Subalit sa kabila nun ay hindi ito naging hadlang upang hindi ko maramdam ang sobrang lungkot sa kaniyang boses.

"Sinubukan mo ba talaga?."

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sakin. Yumuko ulit ako at agad na pinahiran ang mga luhang dumaan saking pisngi.

"I am s-sorry, Franco." Nabasag ang boses ko.
"Sinubukan ko talaga pero..."

"Subukan mo pa ulit, Ada. Kaya kong maghintay. Subukan mo pa ulit please."

Napamaang ako at ganoon nalang ang pagkadurog ng puso ko ng marinig ko ang pagmamaka-awa sa boses nito. Natutuliro kong tinignan si Franco. At mas lalo akong natuliro ng hawakan niya ako ng mahigpit sa kamay.

"Kaya ko pang maghintay ng kahit gaano katagal, Ada. Kayang kaya kitang hintayin. Please, nakikiusap akong subukan mo pa uli."

SIENNA (Slash-and-Burn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon