✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

NANG matapos ang pagsasagot namin ni Nash, inaya niya akong gumala. Wala naman na kaming assignment kaya ayos lang. Tsaka day off din niya sa trabaho. Mabuti na lang din at hindi ko kasabay umuwi si Bal ngayon dahil mayroon silang ginagawang project.

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"To my special place. Give me your key."

Kinuha ko ang susi ng motor sa bag ko at ibinigay sa kaniya. Madalas ako ngayon ang may hawak ng motor namin ni Bal dahil hindi pa siya makapag-drive ng maayos. Sa susunod na linggo pa kasi aalisin ang semento sa kamay niya.

Hinayaan ko lang na mag-drive si Nash at hindi ko siya kinausap buong biyahe. Pagkalipas ng labing limang minuto ay pumasok kami sa isang eskinita. Hindi ko alam kung nililigaw ako ni Nash o ano.

Pagkalabas naming dito ay tumambad sa amin ang isang isang napakagandang katubigan. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa nakikita ko.

"Where are we?" tanong ko habang nililibot ko ang aking mga mata sa lugar.

"Sa probinsya pa rin natin." He chuckled.

Napangiti ako nang makita ko ang ngising ito ni Nash. Madalas na siyang nagpapakita sa akin ng emosyon ngayon. Hindi na kagaya ng dati na para bang napaka-misteryosong tao niya para sa akin.

Inilibot ko ang aking mata sa lugar, hindi ko maiwasan ang mamangha. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?"

"Dito kami madalas pumunta ni Papa noong bata pa kami ni Ate Natrix," tugon niya.

Bumaba kami ng motor at ipinarada ito ni Nash sa isang gilid. Habang pinagmamasdan ko ang paligid, mayroon sa'ming lumapit na isang lalaki na nasa mid-40's ang tantsa ko.

"Mang Tirso!" tawag dito ni Nash at nagmano.

"Callen! Buti napadalaw ka. At sino itong magandang binibining kasama mo?"

Nang magtama ang aming mata ni Mang Tirso ay ningitian niya ako. Kinuha ko rin ang kaniyang kamay at nagmano.

"Si Mango Graham Shake po este Xeidrine, nililigawan ko."

My cheeks turn into red. Nililigawan talaga? Hindi ba pwedeng kaklase o kaibigan? Nash naman eh. Masyado siyang honest ngayon sa mga tao kapag tungkol sa aming dalawa.

"Himala! Mayroon ka na pa lang natitipuhan ngayon. Binata ka na talaga." Napakamot ng ulo si Nash at para bang nahihiya.

"Mang Tirso, pwede po ba kami maglibot dito?" tanong niya nang maiba ang topic.

"Syempre naman!"

Masaya kaming pinatuloy ni Mang Tirso sa lugar nila. Kakaunti lamang ang mga bahay dito at karamihay ay kubo. Kahit na ganoon, mapapansin kong masayang tumira sa lugar na ito. Simple, ngunit mapayapa.

Bago kami maglibot, pumunta muna kaming tatlo sa isang kubo kung saan nandito pa ang ibang taong naninirahan dito. Ipinakilala ako ni Nash sa kanila. Nalaman kong kamag-anak pala niya ang mga ito sa father side.

"Callen! Long time, no see!" bati ng isang babae.

Lumapit siya sa amin at tiningnan ko siyang mabuti. Mukhang ka-edaran namin lang namin siya. Nagulat na lamang ako nang sinunggaban niya ng yakap si Nash.

Yakap talaga? Pwede namang shake hands nalang ah.

"Haizley! Hindi halatang miss mo ako ah." Ginulo ni Nash ang buhok nito at inakbayan.

"Slight lang."

Nagkumustahan pa silang dalawa na parang wala lang ako sa tabi nila. Hello, may tao po rito.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Where stories live. Discover now