"Nasa divisoria yon, hahakot ng damit na ibebenta niya." sagot ni Yanzee at tumayo. "Kakain ba muna tayo o mamimili?"

"Kumain muna tayo. I'm hungry." sagot naman ni Finn.

"Okay, saan tayo kakain?" si Janice na busy sa cellphone.

"Kayo, saan niyo ba gusto?" tanong ni Rana na humarap sa amin.

"Kayo kung saan niyo gusto." sagot ko sa kanila.

"Sayo niyo ba gustong kumain?" si Yanzee.

"Kung saan niyo gusto, dun ako." si Bobby naman na busy kaka-buo ng rubics cube.

"Wait! Hindi tayo nakaka-intindihan. Mamatay na tayo sa gutom hindi pa natin alam kung saan tayo kakain." sabad ni Clyde na mukhang naiinis na sa amin. "One final question, saan talaga tayo kakain?"

"Mcdo" Yanzee.

"Mang Inasal" Finn.

"Jolibee" Janice.

"Chowking." Rana.

"KFC!" Ako.

"Greenwhich" Bobby.

Nagkatinginan kaming anim dahil sabay sabay kaming nagsalita. Napailing na lang sa amin si Clyde.

"Dating gawi!" sabi ni Clyde. "Finn at Yanzee, mauna na kayo."

Nag bato-bato pik ang dalawa at nanalo si Yanzee. Sumunod na lumaban kay Yanzee si Janice, natalo din ito hanggang sa sunod sunod silang lumaban.

Naglalakad kami ngayon papuntang Mcdo, yes si Yanzee ang nanalo. Naka-upo na kami sa lamesa at inaantay na ang inorder namin.

"Mag padulas muna tayo doon, oh." sabi ni Finn habang tinuturo ang mini playground.

"Ano ka, bata?" sabad ni Yanzee sa kanya. "Ang tanda mo na, di ka na bagay diyan. Baka biglang kang atakihin ng rayuma mo diyan."

"Wow. Nakakahiya sayo. Sino kaya yung nagrereklamo kagabi sa groupchat na masakit ang tuhod dahil naglakad mula commercial hanggang sa kanila." sagot naman ni Finn. Umani ng masamang tingin si Finn mula kay Yanzee.

Sasagot pa sana si Yanzee ng dumating na sina Rana at Janice, na siyang bumili ng pagkain. Hindi nawala ang pag uusap sa pagkain namin. Patapos na akong kumain ng ma-realized ko na wala pala akong biniling sundae.

Magpapaalam na sana ako ng oorder ako ng sundae ng may naglagay ng sundae sa harap ko. Bumaling ako kay Clyde na siyang naglagay.

"Kainin mo na, matutunaw pa yan." sabi niya at pinag patuloy ang pagkain. Hindi ko na ito tinanggihan, sayang din. Inabot pa kami ng ilang minuto bago matapos kumain. Nasa labas kami ng watsons dahil namili si Yanzee, Rana at Clyde doon. Naiwan kami sa labas dahil wala namang kaming bibilhin doon.

"Anong oras tayo uuwi?" tanong ko sa kanila.

"Siguro, mga seven pm na." sagot ni Finn.

"Sakto, may fireworks daw mamaya. Doon tayo pumwesto sa damuhan." sabad ni Bobby.

"Oo nga, no! Bumili na lang tayo ng pagkain." sagot naman ni Finn. Bumaling ito sa akin. "G ka ba?"

"G ako. Tagal ko na din hindi nakakapanood ng fireworks." sagot ko.

"Ayun naman pala. Ayain natin sila mamaya pagkalabas nila." sagot ni Finn.

Ilang minuto pa ang inintay namin at tsaka silang lumabas ng store. Nasabi na din naming tatlo ang balak gawin bago umuwi at agad din silang sumang-ayon. Ilang store pa ang dinaanan namin bago kami pumunta sa likod ng mall kung saan may damuhan. Medyo marami din ang tao dahil sabado ngayon.

Kasalukuyan kaming naka-upo sa nilatag naming kumot na dala ni Bobby dahil alam niyang mangyayari ito. Literal na kumot ang dala niya dahil hindi daw kami kasya sa picnic blanket. Nakahiga si Bobby sa binti ni Rana habang nag rurubic cube ulit. Habang si Yanzee ay nakahiga din sa binti ni Janice habang si Janice ay nag bibidyo. Si Finn naman ay kumakain, paminsan minsan ay sinusubuan niya si Yanzee. Si Clyde at ako ay tahimik na naka upo.

"Liana will definitely jealous." sabi ni Janice habang binibidyo ang paligid. "Liana, if you're watching this I bet that you're sulking while watching this. Hahahaha."

"Send mo sa kanya yung video!" sabi ni Finn na agad ginawa ni Janice.

"Panigurado magtatampo yun!" sabad naman ni Rana.

"Nah, I bet she's enjoying her divisoria. She's with Simon." sagot ni Yanzee.

"Oh my! Totoo ba?! Kailan pa sila naging close?" gulat kong tanong sa kanya. Yanzee just shrugged.

Simon and Liana treat each other competitor. Nakakagulat na malamang magkasama sila ngayon.

Naramdaman ko may humawak sa kamay ko. Si Clyde. He's looking to me. I can't take off my eyes on him. He smiled and intertwined our hands.

"Can we stay like this?" bulong nito.

"Stay what?" tanong ko dito.

"Like this. Me, holding your hands. Just like this. Simple but enough to make my heart beat fast." sagot niya sa akin. He looked into my hands. Ang mga kasama namin ay may kanya kanyang mundo kaya hindi nila kami pinapansin.

"Do you miss me?" biglang tanong nito habang naka-tingin sa langit. "Do you even think of me?"

Nanatili akong tahimik sa mga tanong niya. Hindi ko kayang sagutin. I also look into dark sky.

"Do you even know what's date today?"

Of course, I know! How I will forget that.

"Its July six. Its supposed to be our 10th monthsarry."

So, I'm not the one who's counting.

"Malapit na daw ang fireworks!" sabi ni Janice at ni-ready na ang cellphone niya. Humarap naman sa akin si Clyde, he smiled but I know its sad smile.

"Even when we broke up, I'm still gonna say this." bulong niya at lumapit sa akin.

"Happy 10th Monthsarry, my babe." bulong niya at hinalikan ako sa noo kasabay ng pag liwanag ng kalangitan dahil sa fireworks.

"I want to spend more monthsarry with you."

- Madam L.

While doing this chapter me and friend having a conversation about  separating of school. Its just sad but I know we need to change environment for ourselves. They are my inspiration in this series. I just missed them :(

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now