My Quarantine Girl I

47.1K 152 7
                                    


Chapter I:

It was a great sunny day! And It all started there, sino ba naman ang mag aakala na mag kakaroon ng isang PANDEMIC na sakit sa buong metro manila.

Well, I am Shin. Im working in BPO Call Center company na ang buhay ay trabaho-bahay-trabaho lang. So ayon, its legit ang NO WORK NO PAY POLICY at para mabuhay sa bansa kong mahal kailangan kumayod kahit pa may nakakatakot na sakit ang kumakalat.

At dahil nga sa palala ng palala ang NCOV 19 VIRUS nag decide ang company namin na mag provide ng permanent shelter na malapit sa trabaho para sa mga employee nito. During my last stay sa apartment, aaminin ko na nalulungkot akong iwan ang apartment ko. Pero kailangan eh, para sa bills 😅

May shuttle na sumundo sa amin point to point kaya naman agad akong pumunta sa pick up location na napagka-sunduan.

Walang traffic, walang hassle ang daan, walang gulo, walang nag tatalo sa bawat ilaw ng stop light, walang ingay, at walang pollution.

Habang nag hihintay ako, na-realise ko ang mga bagay na naidulot ng COVID sa lahat. Yon ay ang pinag-buklod buklod nito ang bawat pamilya, muling pinag-sama sama, at muling binalik sa simpleng pamumuhay ang lahat.

Pero sa tulad ko na walang mga magulang na kasama sa bahay, its just an ordinary day 😊

Maya maya pa ay dumating na ang shuttle. Agad akong sumakay, at agad kami hinatid sa perspective hotel na naka-assign samin.

Ako lang naman yung klase ng taong napaka simple. Tahimik at sumusunod lang sa alon ng buhay.

Pero nung nakilala ko si Gab nag-bago ang lahat. Hindi ko din alam paano na bago ni Gab yung ikot ng mundo ko. Sa ngayon isa lang ang alam ko, masaya ko na naka-kasama ko siya, at nakaka-usap kahit na anong oras ko man gustuhin.

Tropa ko siya, at saming magka-kaibigan walang talo talo, kaya paano ko ba sasabihin sakanya na yung bawat yakap niya minsan may malisya na sakin..

Sorry Gab, pero pangako iniiwasan ko. Ayoko isipin mong nag ti-take advantage ako sayo.

Siguro balang araw malalaman mo nalang na may gusto ako sayo..

😔😔😔😔😔

Pag dating ko sa lobby ng hotel siya agad ang hinanap ko...

"Shin! Oyyy Shin!!" malakas at tila di makapag-pigil ng tuwang tawag sakin ni Gab

Agad akong napalingon sakanya at alam kong natuwa ang mga mata ko nang makita ko siya.

Lumapit siya sakin at tulad ng lagi niyang gina-gawa pag nakikita niya ako..

Niyakap niya ako, at sobrang higpit!! Halos hindi ako maka-galaw at hindi makapag-salita.

"Oy Gab, ahhhh... kanina ka pa?" nahi-hiyang nasabi ko

"Oo! Kanina pa kita hina-hanap, tagal mo nag off! Na miss kita! Alam ko hindi mo ako na miss!" masayang usal niya

Kinilig ako syempre pero bawal niya malaman!

Humiwalay siya ng yakap sakin at tinitigan ang mga mata ko.

"Bakit ang tamlay mo?! Infected ka na noh?!"

"Anong infected? Baka ikaw, ikaw wala pang ncov mukha ka nang may sakit!" pang aasar na usal ko sakanya

"Wehhh? Eh bakit matamlay ka?"

"Hindi ko din alam, baka moody lang ako."

"Sino kasama mo sa room? Si Lance ba?" pag iiba niya

"Oo, dalawa lang naman kada kwarto diba? Ikaw sino kasama mo?"

"Sino pa ba edi si Nina!! Siguro sila Pj at Elton mag kasama noh? Tapos si Cai at Pia..."

My Quarantine GirlWhere stories live. Discover now