"Thanks."

"Pawis mo oh" lumapit ako para harapin siya.

"Mainit kasi" dahilan ko.

"Lalabas at lalabas nga talaga ang baho ng tao. Kawawa si Kyle. Pinagsasabay ng magaling nating presidente"

Napatingin ako sa nagsalita. Mga kaklase ni Kyle. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na sa paglalakad.

Kinuha ni Chubs ang panyo sa bulsa at nagtangkang pupunasan ang pawis ko sa mukha. Iniwas ko ang mukha ko.

"Ako na." Sabay kuha ko sa kaniya ng panyo.

"Ako na. Nahihiya ka ba?" Seryoso niya tanong.

"Hindi ah" agap kong sagot. Napansin ko na naman ang mga taong nakatingin. Tiningnan niya ang tinitingnan ko.

Ibinaba niya ang payong sakto lang para matago ako at hindi na makita ang mga nakatingin.

"Chubs?" Sabay tapik ko sa payong.

Hindi niya pinansin ang ginawa ko at pinunasan ang mukha ako. Dahil sa pagtapik ko ng payong ay kita na kami ngayon ng lahat na nasa paligid. Pinatalikod niya ako at tinagilid ang buhok ko.

"Chubs... Nakakahiya"  hindi niya pinansin iyon at nilagyan ng panyo ang likod ko. Tuwing tataas ang damit ko ay binababa niya naman agad.

"Maliligo ako sa sapa" sabi niya ng matapos niya.

"O-okay. Maliligo rin ako"

"No.. Sa table ka lang" bigla ko siyang sinimangutan. Grabe!

"M-madaming nakahubad dun" nahihiyang sabi niya.

"O-okay.. S-sa table nalang ako" good idea nga na sa table nalang ako.

"Good.. Bye Nat" agad niyang takbo.

"M-mag t-shirt ka!!" Sigaw ko sa kaniya. Napahinto siya sa pagtatakbo at nginitian ako.

Pagkabalik ko sa table ay naabutan ko nalang si Kyle.

"Hindi ka maliligo Kyle?"

"Ikaw ba?" Umiling lang ako sa kaniya.

"Edi dito na rin ako"

"Anong gagawin natin dito? Maligo ka nalang"

"Samahan mo na ako"

"Hind na. Dito na ako"

"Okay. Kung iyan ang gusto mo"

"Sige na" tinanguan niya lang ako at umalis na.

It was already 7:00 in the evening. We are preparing for the awarding and the party later. I wore my thin strap maroon dress  having a wavy skirt above my knee. Instead of sandal, I paired it with a flat shoes. I put some light make up just to put color on my pail skin.

"So pretty. Nakakainis ang ganda." puri sa akin ni Camille.

"You too" I said back.

I remembered my sign. Whoever say I'm ugly. He's the one. I saw Aaron outside their tent. He's alone so I walked to him.

"Hi!" Tiningnan niya kung may tao sa likod niya. Nang makumpirma niyang wala tinuro niya ang sarili niya.

"Me? You're saying hi to me?" I nodded.

"Yeah!. I'm just asking. M-my sasabihin ka ba sa akin?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. And then his eyes grew big in shock.

"A-alam mo na?"

"Ahmm?? Oo?"

"OhmyGod." He was catching his breath. Napansin kong namula ang pisngi niya. Please tell me I'm ugly.  Please. Pinag cross ko na ang daliri ko.

Letters Love, YouWhere stories live. Discover now