Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango. “Maraming salamat, Raven.” sabi ko sa kanya at tumango lamang siya.



Bandang alas dos na nang tahakin namin ang lugar pa Manila, papuntang airport. May parte sa akin na gusto ito pero may parte ring ayaw ko.




Una sa lahat, aalis ako ng bansa ng walang sinasabihan kahit man lang si Kiara. Alam kong magagalit ang isang iyon sa akin.




Si Penelope rin, ni hindi nga niya alam na umuwi ako ng Zambales. Sa van kami nakasakay at may driver pang sarili na dala si Raven kaya magkatabi kami sa likuran.




Nakaramdam ako ng hilo kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Sinandal ni Raven ang ulo ko sa kanyang balikat at naramdaman ko ang mararahan niyang haplos sa aking buhok hanggang sa dalawin ako ng antok.




Malalim ang tulog ko pero nang dahil sa biglaang pagliko ng van ay kinabahan ako. “Shit! Kiko! Dahan dahan!” asik ni Raven habang nakahawak sa akin.




Mabilis ang kabog ng aking puso at nakahawak rin ako sa aking tiyan. Natatakot na baka may mangyaring masama sa aking anak.




“P-pasensiya na po sir. Iyong ambulansiya ho kasi sobrang bilis.” paliwanag noong driver. “Mag ingat ka na lang, malapit naman na tayo.” sabi ni Raven at binalingan ako.



“You alright?” tanong niya, tumango lang ako at tiningnan sila mama sa harap na nakatingin na pala sa akin.




Sumandal ako ng maayos at pinikit ang aking mga mata. Muntik na, pasensiya na pero mapapatay ko talaga ang driver na iyon kapag may nangyaring masama sa anak ko.




Dinilat kong muli ang aking mga mata. Sikat na pala ang araw at papasok na kami sa NAIA. Kinusot ko ang aking mga mata at umayos na ng upo.





Unang beses pa lang akong makakasakay ng eroplano kaya kinakabahan rin talaga ako. “Malamig ang kamay mo. Huwag kang mag alala, safe tayo r'yan.” Raven flashed me his assuring smile kaya medyo nakampante ako.



Pero hindi mawala itong malaking kadena sa aking puso, kadenang pinipigilan ako sa kung ano ang gagawin namin ngayon.





Ang paliwanag sa akin nila papa habang pumapasok kami sa loob ng airport ay nagawan na raw nila auntie Mona ang aking passport.





Silang dalawa naman raw ay meron na kaya ako lang ang ginawan nila. Hindi ko alam na pwede pala iyon, ang nagagawa nga naman ng pera.




Buong magdamag ay naka alalay lang sa akin si Raven. Ako naman ay parang manikang sumusunod lang sa kanila, isang oras pa kasi kaming naghintay bago makasakay.




Magkatabi na naman kami ni Raven. Ang sabi ko sa kanya ay mas gusto ko roon sa gawing bintana, gusto kong makakita ng magandang view.



Nang sinabihan kami na ikabit na ang seatbelts ay agad akong kinabahan. Sabayan pa nang pag andar nito na dahilan ng pagsakit ng tainga ko.




Pakiramdam ko ay mabibingi ako, panay lang naman ang pagngisi sa akin ni Raven kaya sinasamaan ko siya ng tingin.



Hanggang sa naging komportable naman na ang pakiramdam ko at unti unti na akong dinalaw ng antok.




Isa't kalahating araw ang naging byahe namin. Hindi naging madali iyon para sa akin dahil nga nagbubuntis ako.




Halos pabalik balik ako sa banyo ng eroplano. Nang makababa kami ng eroplano ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin.



Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now