"1..2..3 hila!" Sigaw nang purple team. Sa ikalawang pagkakataon ay nahila na naman kami.

"Guyss lakasan niyo ang hila" sigaw ni Chloe. Nilakasan naman namin pero kulang pa din ang lakas namin.

"AAAHHHH!! sigaw ng mga kagrupo namin.

Sa huli dahil sa kulang sa lakas ay natalo kami. Nakakainis ang mga sigawan ng kabilang team dahil sa pagkakapanalo nila.

Laylay ang mga balikat ng mga kasama namin dahil sa pagkatalo.

"Guys sorry.. Tapos na ba?" Hingal si Kyle dahil sa takbo.

"Saan ka ba nagpupupunta! Alam mo namang may laro. Iba iba ang inaatupag mo!" Salubong ni Chubs sa kaniya.

"May inasikaso lang"

"Kausapin mo iyang jowa mo Nat ha. Ayoko nang natatalo" galit na si Chloe

"Hindi sila magjowa Chloe okay?" Putol sa kaniya ni Chubs.. Inirapan niya lang kami at tumalikod na ito pabalik sa ibang team namin na umupo na sa gilid.

"Saan ka ba kasi galing?" Lapit ko kay Kyle.

"Naligo kasi kami sa sapa ng mga kaibigan ko. Nawala sa isip ko na tayo pala ang unang maglalaro. Sorry."

"Sinungaling" mahinang sabi ni Chubs pero rinig ko pa rin.

"Huwag ka nalang umalis. May game pa mamaya" tinanguan niya lang ako.

Hinigit na ako ni Chubs at hinila na papalapit sa team. Sumunod naman si Kyle.

"Guys total mamaya pa naman ang 2nd game. Bumili na muna kayo ng pagkain niyo at bumalik na lang agad dito" nagsitanguan naman ang mga kasama namin at pumunta na sa itinayong canteen ng school. Mayroon ding mga nagpaiwan at kasama na ako doon. Tinatamad akong umalis. Sobrang init kasi.

Maya maya ay nagsibalikan na din sila kasabay sina Chubs at Kyle na may dala na ding pagkain. Dahil wala naman akong ginagawa ay kinalikot ko nalang ang phone ko.

"Nat tubig/ juice?" Sabay na alok ni Chubs at Kyle.

Napatingala ako at nasa harap ng mukha ko ang tubig at juice. Napatingin naman ang mga kasama namin sakin. Hinihintay ang sagot ko.

"Huh?"

"Sino na ang pipiliin mo Nat?" Tanong ng sophomore naming kasama na si Erika.

"S-sino?" Utal na balik ko sa kaniya.

"I mean "ano" pala.. Ano ang tatanggapin mo?" Pabirong sabi niya.

Napatingin ako sa harap ko.

"Mahal ko o mahal ako~" madramang kanta ng iba naming kasama.

"Haluh!" Sabay tawa ko. Kahit ako ay hindi alam kung ano ang kukunin ko. Sino nga ba? I mean.. Ano ang pipiliin ko?

"Ahmm.. Iyung--"

"Guys!! Sa field na tayo. Mag ready na daw tayo" putol ni Chloe na kadarating lang.

Thank God!

"Bakit pula iyang tali mo Kyle? Blue team tayo! Tiwalig ka na ba?" Tanong ni Issa na kasama ni Chloe dumating.

Bigla din akong napatingin sa balikat ni Kyle. Red band! Shit! My second clue! Napansin ko rin ang pulang panyong nakatali sa balikat ni Chubs. Bandana... Kanina pa iyan. Ngayon ko lang napansin nakatago kasi sa sleeve ng shirt niya.

"Eto na.. Kukunin ko na" napatingin siya sakin bago niya ito tanggalin. Ibinigay niya narin kanina ang band ko.

Narealize ko ang sign ko. I have 12 suspects. Chubs and Kyle already have the sign. Napansin ko rin kanina ang nasa red team. It's only Aaron and Dave have the bands. The rest on the 12 suspects didn't gave motive to me. So I only have 4 of them. Last two signs will be enough.

Letters Love, YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon