"TEAM BLUE!!" sigaw ni chloe

"AWOOO!! AWOOO!! AWOOO!" sigaw naming lahat tska itinaas ang kamay. Yeeyy!

Matapos magpaalam ay dumiretso na ako sa tent para mag half bath sana bago matulog.

"Half bath lang ako" paalam ko kay Chubs. 

Kinuha ko na ang mga kailangan ko at dumiretso sa public cr nilang malayo sa tents namin. Walang gripo kaya kailangan mag-igib ng tubig sa poso. Naabutan ko sina Camille na nag-iigib na din. Kumuha na ako ng balde at ready na ding mag-igib.

"Nat, gamitin mo na tong akin oh" nagulat naman ako kay Kyle.

"Hindi.. Gamitin mo na. Okay lang."

"Sige na. Ipapasok ko na to sa loob" wala na akong nagawa dahil pinasok niya na nga ang balde sa banyo.

"Nat, alam mo.. mas mabilis kung sabay na tayong tatlo." Si Camille na nagmamadali nang pumasok.

"Pwede din" walang pag aalinlangan ko'ng sagot.

Papasok na kami sa banyo nang tinawag ako ni Chubs.

"Nat, mainit na tubig" nabigla ako ng may dala siyang takure.

"Ah akin na.. Salamat Charles ah. Malamig talaga kasi iyung tubig." Agad itong kinuha ni Irene sa kaniya.

"Kay Nat iyan." Pahabol niya.

"Oo nga. Sabay na kasi kami."

"S-sabay kayong tatlo?"

"Oo. Bakit? May problema?" Balik ni Camille.

"W-wala naman. Sige. Maligo na kayo" hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay at umiling lang siya tsaka tumalikod.

"Nat!" Napabaling naman kaming tatlo kay Kyle.

"Iyung band mo. Baka mabasa. Akin na." Napatingin ako kay Chubs. Naabutan ko sang napalingon din sa amin at tumalikod na ulit. Tinanggal ko ito at ibinigay na kay Kyle.

"Thank you" sabi ko.

"Hayy nako! Ang daming boys" bulyaw ni Camille at hinila na kami ni Irene sa loob.

Natapos ang gabi nang hindi kaming makatulog na tatlo. Naninibago dahilan ng maaga naming paggising. Una kaming tatlo sa poso kaya wala pang masyadong tao. Binilisan namin ang pagligo para makasunod na din ang iba.

Its game day kaya lahat ng tents ay inalis muna dahil gagamitin ang field para sa mga laro. I am wearing a pastel crop top paired with my high waist jeans and a running shoes for my feet.

We are now on our designated teams and we are ready for the first game. Its tug of war. All of us are here aside from Kyle. The game is about to start pero wala pa siya.

"Blue team versus purple team!' Ready na ba?" Sabi nang MC.

"This is a team game. Every member counts. It requires strength and unity. Alone we are strong but together we are unbeatable!!" Natawa naman kaming lahat sa pa motto ni sir.

Lahat kami ay nakakapit na sa stops ng lubid pero wala pa rin si Kyle.

"Iyung band mo asan na?" Tanong ni Chubs na nasa harapan ko.

"Nasa kay Kyle eh. Asan na ba iyun?" Iritadong hinubad ni Chubs ang band niya at isinuot sa ulo ko. Gaya ng ginawa ko kahapon.

"Nat nasan na si Kyle? Kapag talaga tayo natalo, sisisihin ko talaga iyang jowa mo. Nat ha!" Galit na ang competitive naming team leader.

"Let's start the game in my count. Three.. Two.. One puull!!"

Sa unang hatak pa lang ng kabilang team ay nadala kaagad kami. Muntik na kaming lumampas sa linya sa gitna. Nilakasan namin ang hila pero parang hindi naman gumagalaw ang purple team.

Letters Love, YouWhere stories live. Discover now