Minutes have past pero pitong ikot palang ang nagagawa ko. Tagaktak na ako sa pawis at namamalat na ang lalamunan ko. It would be unfair if I stop ang excuse myself kaya hindi pa ako tumitigil.

"Oh ano? Pabilisan tayo?" Inirapan ko siya dahil sa gusto niyang mangyari.

"Wala ka pala eh. Kung sino ang talo, siya manlilibre" Sabi niya pa at tumakbo na palayo.

"Ang daya. Hindi ako umoo" nakita ko siyang tinawanan lang ako.  Tumakbo nalang ako ng mabilis para mahabol siya. Nang maabutan ko siya ay hinigit ko ang damit niya dahilan ng pagkahuli niya. Tinawanan ko siya dahil don.

"Aba eto pala gusto mo ah"

"Ahh" sigaw ko at mas binilisan ang takbo.

Tuwing nagkakasabay kami ay minsan tinutulak ko siya para ako iyong mauna. Minsan ay ganoon din ang ginagawa niya sakin. Sa huli ay nagtatawanan lang kami sa pinaggagawa namin.

"Magpahinga ka nalang" sabi ni Chubs nang minsan ay nagkasabayan kami. Tinapon niya sakin ang dala niya towel at tinanggap ko naman.

Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko na pagod na pagod na ang mga kaklase ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Kyle. Nagtama ang aming mga mata at binilisan niya ang kaniyang takbo para magkasabay kami.

"Nat" tawag niya. Hindi ko siya pinansin at tumuloy lang sa takbo. Hindi pa ako handang makausap siya. Baka kung ano-ano pang masamang salita ang masabi ko sa kaniya.

"Nat kausapin mo naman ako." Binilisan ko ang takbo ko para maiwan siya.

"Nat iyung kagabi." Sabi niya nang nakahabol.

"Nat iyung kagabi. Hindi ko iyon pinagsisihan" napahina ang takbo ko na naging dahilan nang pagkasabay namin.

"Tumigil ka na" iyan nalang ang naisagot ko sa kaniya. Ayokong marinig ang mga gusto niyang sabihin. Baka kasi maniwala na naman ako at makalimutan ko ang kasalanan niya.

"Sana hindi nalang kita dinala sa ulan. Sorry Nat. Pero yung halik Nat"

"Tsk" binilisan ko ulit ang takbo sa pag-iisip na kapag natapos ko na ito. Hindi na kami magsasabay ni Kyle at hindi ko na marinig ang paliwanag niya.

"Nat iyong halik. Hindi ko pinagsisihan iyon. Hindi ako hihingi ng tawad dahil ginusto ko iyon. Nala gustong gusto ki--"

"Enough Kyle. Please. Huwag muna ngayon please. " Pinipigilan ko ang sarili ko na may masamang masabi sa kaniya  kaya umalis nalang ako sa oval. Dalawang ikot na lang naman.

Mabilis akong naglakad at agad na pinulot ang mga gamit ko sa bleachers.

"Nat" agad akong hinarang ni Kyle paalis sa oval. Ramdam ko ang mga tingin ng mga estudyante sa akin.

"Kyle please." Dadaan na sana ako sa kaniya pero pinigilan niya ako.

"Ano ba ang problema Nat. Bakit hindi mo ako pinapansin" may pagmamakaawa sa boses niya.

"Kyle pagod ako. Please lang" pagmamakaawa ko sa kaniya dahil hindi na ako makahinga.

"Pagod rin ako Nat pero kailangan ko nang sagot. Bakit hindi mo ako pinapansin." nakitang ko ang frustration niya at napasabunot siya sa buhok niya.

"Wala. Wala kang problema" akmang aalis na ako pero dahil sa harang niya ay nahulog ang mga gamit ko.

"Wala pero bakit ang lamig lamig mo sakin? Nat naman?" Sabi niya habang pinupulot ang mga gamit ko. Napansin kong may benda ang kanan niyang kamay. 

Gusto kong sumbatan siya na mali ang ginawa niya kagabi. Kung para sa kaniya okay lang iyon, sa akin hindi. He should know his limitation. Hindi niya dapat sinamantala ang pagmamagandang loob ko sa kaniya. Hindi porket hindi ako nagrereklamo ay gusto ko na. I am giving his chance but it seems like he is taking it for granted. Ganon na ba ako kadaling makuha?

Nanggigilid na ang luha ko kaya iniwan ko nalang siya at tumakbo na palayo.

Agad akong dumeretso sa cr at laking pasalamat ko nang wala itong tao. Naghilamos ako ng mukha at tiningnan ang sarili sa salamin. Unti unti na ring ngiging normal ang hininga ko.

"Nat? Andiyan ka ba?"

Shit. Sinundan niya pa talaga ako.

"Nat mag-usap naman tayo" sabi niya habang kumakatok sa pintuan.

"Girl kausapin mo na tong jowa mo oh. Nakakaabala na kasi kayo" rinig kong sabi ng babae sa labas. Agad kong pinunasan ang mukha ko at lumabas.

"Hindi ko po siya jowa" sabi ko sa nag-iisang babae sa labas at nilagpasan ko silang dalawa ni Kyle. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Kyle.

"Nat" sabi niya at biglang hinawakan ang braso ko.

"Ano ba" sabay hila ng kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ano ba ang problema Nat? Kung galit ka sige saktan mo ako. Sampalin mo ako" sabi niya at hinila ang palad ko para sampalin siya na hindi ko naman nagawa.

"Oo na galit ako" biglang nabasag ang boses ko dahil sa sigaw ko sa kanya. Nakita kong nabigla siya kaya binitawan niya ang kamay ko.

"I was so disappointed to you yesterday. Diba nag usap tayo na dadahan dahanin natin? Nasan na iyon? Porket hindi ako nagrereklamo ay iyon na ang gusto ko. Hindi ibig sabihin na nagmamagandang loob ako ay sasamantalahin mo na. I gave you a chance kasi may tiwala ako sayo Kyle. Pero bakit parang tinitake advantage mo na? If you think that I am that easy, then I think you don't deserve me"

"No, No. That is not what I mean--"

"Then what does that mean? Hindi ako babaeng pa-abot Kyle. Hindi ako tulad ng ibang babae diyan na konting kibot bibigay na agad. Alam mo iyan. Kaya hindi ko binibigay.. Sorry" agad akong napatigil sa gusto kong sabihin.

"Ano ang hindi mo maibigay Nat? Kaya hindi mo maibigay bigay sakin ang puso mo dahil ano? Dahil may iba kang gusto? Ganon?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. I didn't know what to say. May iba nga ba?

"Wala." Nanghihinang sabi ko sa kaniya.

"Ah. Alam ko na. Eto ba?" Agad akong napatingin sa kamay niya na mag kinukuha sa bulsa niya. A pink envelope.

"Eto ba ha?" Agad niya pinunit ang papel

"No Kyle. Huwag mo namang gawin iyan" agad kong pinulot ang punit punit na kapiraso ng letter. Shit.

"Huh! So ito nga. Gusto mo iyung tao sa likod ng mga sulat na ito?"

"Hindi ko alam" iyan na lamang ang naisagot ko sa kaniya.

"Panong hindi mo alam Nat?"

Hindi ko siya sinagot dahil ako mismo ay gulong gulo sa mararamdaman ko.

"Paano kung sabihin ko sayo na ako ang nagsusulat niyan" napahinto ako sa sinabi niya. Posible. Posibleng siya nga. Pero paano?

"Prove it" matapang na sabi ko sa kaniya.

"When I prove it. What will I get?" Panghahamon niya sa akin.

"You'll get your chance back"

"No" agad niyang tutol.

"When I prove it. You'll be mine. Mine only. Not Charles', not anyone's.. but mine."

Love,
_pastelhues_

Letters Love, YouWhere stories live. Discover now