Chapter 07: The Living Virus

455 90 74
                                    

Lumayo si Iah kay Felis at malungkot na tumabi kay Fe.

“May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Fe nang mapansing bagsak pareho ang magkabilang balikat ni Iah.

Ngumiti nang matipid si Iah. “Ate Fe, okay lang ako. Gutom lang po ito, hindi pa ako nabubusog.”

Napatawa si Fe at saka inabutan ng pagkain si Iah at napatingin kay Yuan. “Okay ka lang ba, Yuan? Namumutla ka.”

Pilit na ngumiti si Yuan. “Ayos lang po ako.”

Hindi nakumbinsi si Iah kaya lumapit siya kay Yuan at hinipo ang noo nito. “Wala ka namang lagnat. May masakit ba sa iyo?”

“Pandak—aray!” Napahimas si Yuan sa ulo nang batukan siya ni Iah.

Napaismid si Iah. “Ayos na ayos ka naman pala. May gana ka pang asarin ako.” Seryosong tinitigan ni Iah si Yuan. “Kapag may masakit o problema ay sabihin mo sa akin.”

Yuan smiled softly as he pinched Iah’s right cheek softly. “Thank you, Iah.”

Napatayo si Felis at agad na nagpagpag nang makarinig siya ng tunog ng sasakyan sa hindi kalayuan. Gano’n din ang iba.

“May paparating!” masayang sigaw ni Schedel kaya napangiti na rin ang iba at naghahanda na.

Napahawak si Felis sa dibdib niya nang kumabog ito bigla nang hindi normal. Hindi niya kayang pakalmahin kaya napasandal siya sa kahoy. Namutla siya bigla at hindi niya kayang ipaliwanag kung ano ang nararamdaman niyang kakaiba.

“Wow! Papunta na rito,” sigaw ni Trix habang nakatanaw sa isang puting van na palapit at may tatak sa harap na, Neutral Reasearch Team.

“Felis, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Wart.

“Hindi, parang may mangyayaring hindi ko maipaliwanag,” pagtatapat ni Felis habang hindi tuwid ang pagkakatayo at napahawak sa kahoy.

“Mangyayari—”

“Sumunod na kayo kung ayaw n’yong masaktan!” isang malalim na boses ang narinig nila.

Agad na napalingon sina Felis at Wart. Nakita nila ang taga-NR Team na may dalang mga baril na nakatutok sa kasamahan nila.

Napamura si Felis at agad nilang nilapitan kung ano ang nangyayari.

“Sumama na kayo,” mahinahong sabi ng isa.

“Saan kami sasama?” nagtatakang tanong ni Felis kaya agad na napatakbo at nagtago sa likod niya si Iah.

“Lahat kayo ay dapat nasa Safe Zone na. Dapat walang matira sa Neutral Zone.”

Nagliwanag ang mukha ni Trix. “Sa Safe Zone? Sasama—”

Napakunot ang noo ni Felis. “Hinding-hindi kami pupunta sa Safe Zone kaya kung ako sa inyo ay umalis—” Napaubo si Felis at saka napaluhod nang nakatanggap siya ng suntok sa sikmura.

Tinulungan ni Wart si Felis. “Don’t mind us. Hindi kami sasama—” Napangiwi si Wart nang makatanggap din siya ng suntok kaya napasigaw na ang iba.

“Umalis na kayo!” inis na sigaw ni Trix at saka pinagtutulak ang dalawang barakong lalaki ngunit hindi sila natinag at ngumisi lang sa kanila kaya napaatras siya. Gusto niyang sumama sa mga ito pero nagbago ang isip niya nang saktan nila sina Felis at Wart. Ang nasa isip niya lang ay kung paano makatutulong sa grupo.

Unang hinatak ng isa ay si Fe. Napangiwi ang babae sa mahigpit na hawak nito.

“Bitiwan mo siya!” utos ni Felis pero hindi pa rin ito huminto sa paghatak kay Fe papunta sa van.

Neutral Zone: AIOE 25✓ [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Where stories live. Discover now