SIGN 04: Tutor -Day1-

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hi baby, Cindy. I hope na magiging friend na tayo, okay?" binaling ko ang tingin kay kuya Clarence, just to seek help from him but no response kasi bumalik ulit yung tingin sa binabasa niyang libro. Tumayo lang ako ulit at hindi pinansin ang naging pag-bati niya sakin.

"Anton, Nixie! Sumunod nalang kayo sa garden!" dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at pumunta na ng garden dahil ayoko talaga sa Mommy niya.

(After a few moment)

"Okay, guys! Ito na muna ang sasagutan niyo." pinakita ko ang libro kong nasa tamang pahina at sinunod naman nilang dalawa ang sinabi ko. Andito na kami sa garden tatlo, english ang unang pinakita kong libro sa kanila, dahil dun ako nage-excell eh.

"Ang hirap naman nito, Cindy! Hindi ko masasagutan to kung wala akong inspiration eh!" naka-ngiwing sambit ni Nixie sakin. Tiningnan ko lang siya ng masama at sinabing.

"Kung ayaw mo eh di wag! Bumalik ka na lang dun sa loob at si Anton nalang ang tuturuan ko dito." tugon ko naman, halos mai-luwa niya naman ang kanyang mata ng makita si kuya Clarence na lumabas din sa mansyon na parang may sariling mundo na naglalakad palapit sa botanical garden namin. Dun kasi maraming mga halaman dun sina Mom at Dad, although meron din naman dito pero green warehouse kasi yun. Sari-saring halaman ang makikita doon at may mga alaga rin kaming butterflies na naninirahan sa loob ng botanical garden namin.

"Favor naman Cindy oh! Pwedeng doon ko nalang ito sasagutan? Andun kasi yung inspiration ko!" sabi niya, lalo na dun sa huling sinabi na binulong niya lang sakin mismo. Tumango naman ako, ang saya niya lang nung naglakad na siya sa entrance ng botanical garden at agad pumasok doon.

Iniling-iling ko nalang yung ulo ko, napansin ko naman na medyo nahihirapan din si Anton pero mas pinili niyang mag-stay dito kasama ako, (Chours! Pag-pasensyahan niyo nalang ang batang to. Ang taas kasi ng pangarap niyan eh! 😂✌) he didn't bother to look up on me because he is very serious on his sheets. Tatlompung minuto palang, ay lumabas din agad si Nixie na nagpa-padyak pa ang mga paang lumapit ulit sa amin ni Anton at umupo sa upuang inukupa niya kanina. Kunot noo ko siyang tiningnan habang nakita ko na dala yung libro at notebook niya.

Nakasimangot siyang tumingin sakin at parang iiyak na pero pinigilan ko lang siya, namamasa-masa kasi yung sulok ng dalawang mata niya. Ano kaya ang ginawa ni kuya Clarence dito kay Nixie?

Napa-lundag ako ng kalabitin ako ni Anton na nasa pwesto niya parin naka-upo hanggang ngayon at tinukod niya lang yung dalawang braso niya sa mesa na gawa sa salamin at uma-bante siya palapit sakin.

Hay! Ang gwapo------!

"Cindy, tutor pa ba ang tawag mo dito eh halos ikaw lang naman ang nage-enjoy dahil kay Anton eh!" anong klase yun? Simangot na simangot si Nixie, dahil obviously na-halata na naman niya na pinagpa-pantasyahan ko na naman si Anton. Lumapit ako sa kanya at binatukan ko siya, pasensya na ganyan lang talaga kami mag-mahalang dalawa ni Nixie as bestfriend, hahahaha.

"Yes, Anton? How may i help you?" tanong ko lang, pero alam ko naman talaga na about sa pinasasa-gutan ko lang yung sadya niya kaya niya ako kinalabit. Maliit na tinig lang yun na ikina-kunot ng noo niya. I just blink my eyes a few times pero wala man lang epekto kasi cold niya lang akong tiningnan st seryoso ang mukha.

"Okay na ba to?" ang tipid niya talagang magsalita. Pinakita niya naman sakin yung notebook niya at tiningnan ko lang yun but on my peripheral vision ay tumingin din naman ako sa kanya. Natutop ko lang yung notebook niya paharap sakin ng makita kong lumabas si kuya Clarence galing sa loob ng botanical garden na parang inis na inis.

Nilingon ko si Nixie. Tinanong ko siya.

"Anong ginawa mo sa kuya ko? Bakit inis yun?" tanong ko ng hindi ko inaalis yung tingin sa kanya at paminsan-minsan ay naka-tingin sa notebook ni Anton.

Sign Of Love: (FC Series #2)[COMPLETED]✔️ UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon