#Rooftop #Hisoka #CreeksideRestoBar #IllumitheExpressionless

33 4 0
                                    

"Ikaw? Paano ka nakapasok dito??"

Ang nasa likod ko ngayon ay ang lalaking may pulang buhok.

"Mukhang may makakasama na akong tumambay dito."

Nakangising sabi nya. Aba kung alam ko lang na dito pala sya tumatambay ay hindi na sana ako pumunta pa dito. Tss

"Kanina pa ako nandito. Nauna nga ako sayo. Kaya sana naman wag mo na ako tarayan masyado. Kaibigan ka ni Chrollo  hindi ba? Kaibigang matalik din ako ni Chrolllo. Kung pwede sana, maging magkaibigan din tayo, Machi."

Alam na pala nya ang pangalan ko. At gusto nyang makipag kaibagan sakin?  Pwes ako ayaw ko.

"Naistorbo ba kita dito? Pasensya ka na ha. Sige, aalis na ako."

"Masyado ka naman  nagmamadali, kararating mo lang. Mamaya na... Gusto mo?"

Alok nya sakin ng chichiryang kinakain nya.

"Hindi na, salamat na lang. Aalis na ako kasi malapit na mag umpisa ang next subject ko."

"Sige."

Nasa may pinto na ako ng banggitin nya ulit ang pangalan ko.

"Machi,"

Nilingon ko ulit sya.

"Magkaibigan na tayo ah?"

Nakangising sabi nito.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maging mabait sa kanya. Siguro dahil hindi maganda ang una naming pagkikita. At dahil na din sa hindi ko gusto ang  dating ng Aura nya.
Ang tingin ko sa kanya ay isang tusong lalake.
Hindi mapagkakatiwalaan at hindi gagawa ng katinuan. Ngunit ayaw ko naman maging mapanghusga base lang sa kutob ko at sa panlabas  nyang kaanyuan. Kahit papaano ay nakokonsensya din ako sa mga asta ko paminsan-minsan. Kaya tumango na lang ako sa alok nyang pakikipagkaibigan  saakin.
Nakita ko ang pag  aliwalas ng mukha nya. Napalitan ang tusong ngiti nya ng isang malawak at may sensiridad na ngiti. Hindi na ako  umimik pa. Tumalikod na ako at bumaba pabalik ng classroom.

...

...

...

...

...

Nag-aaya si Shizuko na kumain muna daw kami sa labas bago umuwi dahil gutom na daw sya. Pambihira, kung sana lang lahat mapera,  bakit hindi diba?  Sigurado din naman na sa hindi ko afford na restaurant 'to kakain.

"Sige na guys, sagot ko naman e. Kaya samahan nyo na ako."

Iyon naman pala, sagot naman pala ni Shizuko.
Nag aalangan din kasing sumama si Paku dahil baka kapusin daw sya sa budget. Nagtitipid din kasi ito..

Sumakay kami sa kotse ni Shizuko na minamaneho ng kanyang driver.

"Kung sana lang marunong ako mag drive at kung pwede na sana, mag aaya ako  mag roadtrip. Tayong tatlo lang. Pupuntahan natin yung mga lugar  na gusto nyong mapuntahan."
-Shizuko

"Sayang naman at sixteen ka pa lang Shizuko. Dalawang taon pa pala. Hindi ko na yun maaabutan."- Pakunoda

"Mag se-seventeen naman na ako ngayong taon e. At wag kang mag-alala  Paku. Kahit naman graduate ka na at may trabaho na, kokontakin  pa din naman kita at isasama sa mga gala namin. Diba Machi?" -Shizuko

"Oo, sabi mo e." -ako

Mabait si Shizuko. Gusto ko kung paano sya makisama. Kahit na ilang araw pa lang kaming magkakakilala ay naging komportable na kaagad kami sa kanya. Kahit na marangya ang buhay nya, mas pinili nyang maging kaibigan kami ni Pakunoda na hindi naman lingid sa kaalaman nya na mahirap lang. Kaysa sa mga kaklase namin na kagaya yang mayaman ...
Sana nga hindi sya magbago...

AdultrioWhere stories live. Discover now