Meet my little bro Gon

62 2 0
                                    


Naligo na ko at nag bihis.
Pagkatapos kong mag-ayus, dali-dali na akong bumaba at dumako sa kusina.

"'Oh, Machi, mag almusal ka na rito at mali-late ka na!"'

Si Mama naman, laging tensyonada pag nagsasalita. Pati tuloy ako natitense na. Lalo tuloy akong kinakabahan.

"'Machi, tandaan mo, nasa kolehiyo ka na. Ayusin mo na ang pag-aaral mo. Nakakahiya kay Father Lucilfer. Alam mo bang ipinilit ko lang talaga kay Father na bigyan ka ng Scholarship?"' 

Hay 'eto na naman kami sa sermon.

"'Buti na nga lang at mabait talaga yang si Father Lucilfer at kahit wala ako'ng naipakitang mataas na grado m--"' 

"'Ma, tama na. Oo na. Pagbubutihin ko na pag-aaral ko."'

Kelangan pa bang ulit ulitin. Oo, totoo, mabababa yung grado ko sa card. Pasang-awa nga lang. Pero hindi ibig sabihin 'non na bobo na ako. Tss

"'Pero ate, ilang ulit ka na ding nangako na pagbubutihin mo na pag-aaral mo. Naka ilang iskwelahan ka na ngang nilipatan e."'

Isa pa 'tong kapatid ko'ng si Gon ehh. Manang mana kay Mama... Siya nga pala, sya ang kapatid ko'ng si Gon. 10 years old.
Simple lang ang pamumuhay namin.
Hindi kami mayaman at hindi din naman mahirap. Sakto lang. Nagtatrabaho si Papa bilang isang Company Driver sa isa sa pinaka-malaking kumpanya dito sa syudad namin. Si Mama naman, bukod sa pag cho-choir ay rumaraket din sya sa pagtitinda ng Ulam..

"'Machi hindi ka pa ba tapos kumain? Sumabay ka na sana sakin ng hindi ka na mahirapan mag antay ng masasakyan"'-Papa

"'Hindi pa po ako tapos kumain."'

"'Baka naman mamaya nyan e maglakad ka na naman. Medyo malayo pa naman dito ang Yorknew University."'

"'Ok lang Papa. Mauna na po kayo. Magko-commute na lang ako."'

"'O sige, ikaw ang bahala. Gon bilisan mo na at nagmamadali na din ako."'

"Opo Papa!" 

Sabay halik sa pisngi ni Mama, at sa pisngi ko.
Malambing talaga 'tong kapatid kong 'to. Kahit lagi kaming nag-aaway dahil sa mga pang aasar nya sakin. Ako naman itong pikon, kaya para kaming aso't pusa.. 

'"Sige mag-iingat kayo"'-Mama

Sa totoo lang, sinadya ko talagang bagalan ang pagkain ko. Mas gusto ko kasing mapag-isa lang. Ewan ko pero mas mapayapa ako at nakakapag-isip ng mabuti.

AdultrioWhere stories live. Discover now