The Three Handsome Men

26 2 0
                                    


Lutang pa ako ng sumakay ng bus.
Buti na nga lang at hindi ako lumagpas ng University. Nakatulog kasi ako habang nasa byahe. Gisingin ba naman ako ng pagka-aga-aga. 😒😪
May pinapabigay kasi si mama kay Father Lucilfer, daanan ko muna daw sa simbahan. 
Pagkarating ko ay wala si Father doon, at walang katao tao. Hindi na ako nag antay at umalis na ako.
Ang inaalala ko ay kung paano 'tong pinapabigay ni Mama. Mapapanis 'to. 
Hindi ko naman 'to makakain ng ako lang kasi pinabaunan din ako ni Mama.

Ano ba 'to, ishare ko ba dito sa dalawa? (Shizuko&Pakunoda)

Or bigay ko na lang kay Chrollo??

Bahala na nga, mamaya. . .

...
...
...
...

Lunchbreak na.
Hindi ko mahagilap yung dalawa. Nauna na kasi silang lumabas. Antayin na lang daw nila ako sa canteen. E wala naman silang dalawa dito. 🙄 
Tss

Teka parang si Chrollo yun a. 😮

Mag isa lang syang kumakain.

Tamang tama, ibibigay ko na lang 'to sa kanya.

Lumapit ako papunta kay Chrollo. 
Hindi pa man din ako nakakapagsalita ng may dalawang matangkad na nilalang ang sumulpot sa likod ko. Dumaan sila sa magkabilang gilid ko. Umupo yung isa kaharap ni Chrollo at yung isa naman ay tumabi kay Chrollo.

Saglit akong natigilan.

Ang lalaking ito..

Ang lalaking katabi ni Chrollo..

Ang lalaking bumangga sakin kahapon..

Ang manyak na may pulang buhok... 😤

"Hi Machi! Nandyan ka pala." -Chrollo

Hindi na ako nakaiwas. Dahil bago pa man din makalapit yung dalawa ay nakita na ako ni Chrollo...
bwiset ! 😧

"Sabay ka na samin mag lunch. Wala yata yung dalawa mong kasama." - Chrollo

"Ah, oo e. Nauna na sila sakin. Pero hindi na. May pinapabigay lang si Mama para kay Father Lucilfer. Wala sya kanina sa simbahan kaya hindi ko na naibigay. Sayo na lang 'to."

Nilapag ko na sa mesa ang dala kong tupperware.

"Ganon ba. Sige, salamat ah. Mabuti pa saluhan mo na lang kami dito sa table." -Chrollo

Bwiset! 
Hindi ako makapag-isip ng sasabihin ko.
Ang walang hiyang hunghang na yun. 
Nakatitig lang sya sakin. Kanina pa 'to e. 
Mula pagkakita nya sakin ay hindi na umalis pa ang mga mata nito mula sa pagkakatitig sakin.

"Hindi na talag-"

Hindi ko na naituloy pa ang pagtutol ko. 
Wala na akong nagawa ng hilain na ako ni Chrollo papuntang mesa, at paupuin sa katabi nung isang lalaki..
Hayss 
Hindi ko ito gusto 😤😱

Ngumiti na naman ito ng pilyo. 
Hindi ko gusto ang aura nya. Masyadong mapanganib. 
Hindi ko lubos maisip kung papaanong nagkaroon ng ganitong kaibigan si Chrollo.
Maliban na nga lang kung kamag-anak nya ito.

"Sya nga pala, Sya si Machi. Ka church mate ko. Machi ito naman si Hisoka, at yang katabi mo naman, si Illumi."

Pagpapakilala ni Chrollo dun sa dalawa nyang kasama.

Hindi ko na tinignan pa sa mukha yung may pulang buhok. 
Nilingon ko yung katabi kong Illumi daw ang pangalan. Wala lang syang imikan. Parang wala syang naririnig at walang pakialam sa paligid nya. Panay kalikot lang sya ng cellphone.

Pamilyar ang mukha nya sakin.

Nakita ko na din 'to e.

Tama!

Sya yung naka-sakay ko sa bus!

Yung mukhang babae dahil sa haba ng buhok nya.

Ang malas naman. 😣

Bakit ba nagkataon pang kakilala pa itong mga 'to ni Chrollo..😭

Tahimik lang ako habang kumakain. 
Naaasiwa ako sa mga kaharap ko. 
Wala din naman silang imikan, kung hindi pa nagsalita ang katabi ko

"Pano ba yan Chrollo, magkita na lang tayo mamaya sa Creekside Resto Bar. Antayin ka namin."-Illumi

Hay salamat tapos na silang kumain.

"Sige. Pupunta ako. Medyo mali-late nga lang ako. Pero pupunta ako."-Chrollo

"Ok. Tara na Hisoka."-Illumi

"Hindi pa ako tapos kumain."-Hisoka

Kung pwede sana umalis ka na din. Ang bagal nitong kumain. Tsss

Hindi na 'to inantay ng kasama nya at dumeretso na ng lakad. Wala na din itong nagawa kaya tumayo na din at sumunod na sa kasama. hindi na nito tinapos pa ang pagkain nya.

Hindi pa ito nakakalayo ng lumingon sya samin. Ngumiti lang ito. Umalis din agad ako ng tingin.

"Manyak talaga."

"Anong sabi mo?-Chrollo

"Ah, wala. Wala naman akong sinabi. Hehe!"

Nadulas ako dun. Buti na lang at pabulong lang yung pagkakasabi ko.

"Totoo yung sabi ni Tito, masarap nga talaga mag luto ang Mama mo. Paki sabi na lang sa mama mo, salamat."

"Sige. Makakarating." 😊

"Salamat din sayo Machi. Sige mauna na ako sayo a. May importante pa kasi akong aasikasuhin e. Bye."

"Sige, Bye."

Naiwan akong mag-isa sa table.

Hay buti na lang at natapos din.

"Huy, Machi! Aba, tatlo tatlo kasama mong lalake a. At ang ga-gwapo pa." Si Shizuko

"Kanina pa pala kayo nandyan? Hmp'" 😑

Nakakainis 'tong dalawa. Hindi man lang agad ako nilapitan. Tss

"Sino naman yung dalawa?? Single ba? Pakilala mo naman kay Paku." 😄

"Aba ang galing mo din Shizuko ano. Ikaw lang naman siguro ang may type dun sa dalawa." 
-Pakunoda

"Diba single ka naman Paku? At totoo naman diba, ang ga-gwapo nila. Mag mula kahapon wala pa akong nakikitang may itsura dito, maliban sa tatlong yun."

Hindi ko na pinansin pa ang pinagsasabi ni Shizuko. Niligpit ko na yung baunan ko.

"O aalis ka na?"

Tanong sakin ni pakunoda.

"Tapos na ko kumain. Maglalakad lakad muna ako."

Iniwan ko na yung dalawa na mag-uumpisa pa lang kumain..

...
...

Paakyat ako ng rooftop.
Ayokong gumamit ng Elevator dahil may "Cleithropobhia" ako. (the fear of being trapped)
Kaya gumamit na lang ako ng hagdan paakyat.

Pagdating ko ay saktong sakto na walang katao-tao duon. Nilingon ko muna ang paligid. Sinigurado ko na ako lang ang andidito sa taas ngayon. 
Ng masiguro ko, kinuha ko ang mop sa may gilid at iniipit ko ito't pinang harang sa pinto ng sagayon ay walang ibang makapasok.

Dumeretso na ko sa may veranda.
Tanaw ko mula dito ang kabuuan ng iskwelahan. Tatlong gusali ito at nasa pang gitnang building ako ngayon.

Ang ganda ng view..
Tanaw na pala mula dito ang Kukuroo Mountain. Kung saan ang buong bundok na iyon ay pag-aari ng pamilyang Zoldyck.
Sa taas at lawak ng bundok na iyon ay patunay lang na napaka yaman nila...

Dumungaw ako sa ibaba at bahagyang nawala sa tamang balanse. Nakakahilo ang taas dahil sa labing dalawang palapag ang building na ito.
Dala din ng malakas na hangin kaya napaatras ako sa kinatatayuan ko.
Ng may mabundol ako sa likod ko..

Huhh?

May tao sa likod ko?

Sino?

At panong nakapasok sya dito??

AdultrioUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum