Machi's Elusive Dream

196 4 0
                                    

"Machi ! Ano ba?! Bumangon ka na dyan at tanghali na."

Napabalikwas ako sa sigaw ni Mama. Oo nga pala, ngayon ang unang araw ko sa college.
Excited pero kinakabahan.
Kasi naman, hindi na 'to kagaya sa High School na pwedeng mag cutting class. Oo pasaway ako. Aminado ako 'dun. Lagi akong nasasangkot sa mga rambulan at napapa tawag sa Guidance Office.
Hindi naman sa patapon ang buhay o sa trip trip lang. Sadyang mabilis lang talagang uminit ang ulo ko kaya lagi ako napapaaway. Ako kasi yung tipo na 'Palaban'. Ayoko ng naaagrabyado ako. Gano'n yung ugali ko.
Totoong sakit ako ng ulo sa mga magulang ko. Kaya naman ngayong nasa kolehiyo na 'ko, Siguro oras na para pagbutihin ko ang pag-aaral ko. Lalo pa't naikuha ako nila Mama ng Scholarship. Ibinahagi ito ni Father Lucilfer sa simbahan ng Masadora kung saan naglilingkod si Mama bilang isang Church Choir. 10 Scholarship 'yun at maswerteng napili ako sa nabigyan para makapag-aral sa isang Exclusive School, ang "Yorknew University". Kaya hinding hindi ko 'to sasayangin. . .

Tinanghali ako ng gising dahil sa pesteng panaginip na 'yon. Sa panaginip ko, para akong si Cinderella na may suot na magarbo at makinang na gown. Hindi ko maintindihan kung bakit anduduon ako sa hardin na mala paraiso sa ganda. Halatang sinet-up ito para sa isang romantikong Date, or Wedding Proposal? ?ehh?
Ngunit sa mga sandaling 'yon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Dama ko yung kasiyahan na sa totoong buhay ay hindi ko pa nararanasan. Ramdam ko ang sarap ng simoy ng hangin ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"'Machi"'
Pag lingon ko ay may lalaking nakatayo sa likuran ko. Matangkad ito at nakasuot ng 'gaya ng sa isang Prinsipe. Ngunit 'di ko 'kita yung mukha nya kasi natatakpan ito ng hawak nya na isang bungkos ng mapupulang rosas.
Sa edad ko'ng 17 ay hindi pa ako nagkakaron' ng Boyfriend . Bukod sa ayaw pa nila Papa na magkaron' ako nito, wala din naman ako balak at hilig dito.
Pero sa panaginip ko dama ko, kinikilig ako. Kilig na kilig... Ng iaabot na nya sakin yung bulaklak, saka naman ang pag sigaw ni Mama sa pangalan ko nang pagka-lakas-lakas. Hayss,
'di ko tuloy nakita yung pagmumukha nung lalake. Kung sino man yun. Tss

AdultrioOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz