Chapter Eight

94 6 7
                                    

Ala-sais pa lang ay nagising na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ala-sais pa lang ay nagising na ako. But, it's too early to prepare for breakfast. Siguradong tulog pa si Heather.

Kumuha na lang ako ng walis at basahan para makapaglinis muna rito sa bahay. I started in the sala.

Pinunasan ko ang mga bintana, salamin, at ilang furnitures dito sa sala. Tinanggal ko rin ang ang mga unan na nasa sofa at pinagpagan 'yon.

"Ah, sh*t!" Nanlaki ang mata ko nang may nahulog 'pag angat ko no'ng isang unan. Tumingin ako sa sahig at nakita ko ang nakataob na cellphone ni Heather.

Agad kong dinampot 'yon at tinignan kung may gasgas o basag. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang maayos naman 'to.

"Tsk! Bakit kasi iniiwan dito?"

I walked toward my cousin's room and opened the door carefully so that I won't make any noise. Tulog na tulog pa nga si Heather.

Lumapit ako sa table at nilapag doon ang cellphone niya. Kinuha ko na rin ang canvas ng kapatid ko pero natigilan ako nang makakita ng isang maliit na photo album, bahagya pang nakabukas 'yon.

Out of curiosity, I grabbed it and saw a familiar face.

Ilang beses pa akong napakurap para siguraduhin kung tama ba ang nakikita ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang kakaibang pagkabog nito.

Sa loob ng ilang taon, parang ngayon ko na lang naramdaman ulit ang ganitong kabilis na pagtibok ng puso ko.

It's beating fast not because of nervousness nor fear.

Tinignan ko pa ang ilang litrato na nandoon hanggang sa makita ko ang lumang litrato ng dalawang batang babae at lalaki.

Dahan-dahan kong naramdaman ang pagkurba ng labi ko.

My heart is beating fast because I already found the girl that I haven't seen for how many years. Ang babaeng matagal ko nang hinihintay.

Grabe talaga makipaglaro ang tadhana.

"Good morning, Gabriel."

I stiffened when I heard Heather's sweet voice. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

Naramdaman kong tumayo siya. Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong lumapit siya sa bintana at hinawi ang mga kurtina.

"Anong ginagawa mo d'yan, Gab?" tanong niya.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko.
Basta ang alam ko lang ay magkahalong tuwa at hiya ang nararamdaman ko ngayon.

"Akin 'yan," aniya nang makalapit siya sa akin.

I know, Heather.

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa litrato.

"Kassi." Lalong lumawak ang ngiti ko nang masabi ko 'yon.

"Akin na nga 'yan," sambit niya at inagaw sa kamay ko ang album.

Ilang beses akong napalunok at hinarap siya. I faced her with my big smile. Ngayon lang ata ako ngumiti ng ganito sa kaniya magmula nang dumating siya rito, kaya naman nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin.

Parang may sariling buhay ang kamay ko at marahan na napahawak sa braso niya.

"Kassi, I missed you."

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na sabihin ang mga 'yon. I really missed her.

I chuckled when I noticed that her face is turning red.

"A-anong sabi mo?" nauutal na tanong niya.

She can't also remember me. Masyado atang malaki ang nagbago sa amin. Kung hindi ko nakita ang mga litrato, malamang ay hindi ko rin siya makikilala.

Kinuha ko ulit sa kaniya 'yung album at pinakita 'yung picture ng dalawang bata. Malaki ang ngiti, bungi, at gusgusin pa ang mga itsura.

"Ikaw ba 'to?" tanong ko at tinuro ang batang babae na naka pigtail. Dahan-dahan naman siyang tumango.

Tinuro ko naman 'yung batang lalaki na may mga bakas pa ng dugo sa noo.

"Sino 'to?" tanong ko.

"Uh...that's my childhood friend," sagot niya.

"And?" tanong ko, nag-aantay ng iba pang sagot.

Kumunot naman ang noo niya. "And? Kaibigan ko 'yan dati saka hindi mo 'yan kilala, bakit nagtatanong ka pa?" iritadong sabi niya. "At saka anong 'I missed you?' Nababaliw ka na ba, Gabriel?" Mula sa pagkairita ay bigla naman siyang natawa.

"He's also your childhood crush, right? Or should I say 'first love?'" Napangisi ako nang mas lalong namula ang pisngi niya.

"Oh my God! Gabriel, ano bang sinasabi mo? Ang aga-aga pero ang daldal mo. Hindi ka naman gan'yan, ah."

Hinawi ko ang buhok na nakatakip sa noo ko at itinuro ang maliit na peklat na nandoon.

"I just want you to remember that you are the reason why I got this scar," sabi ko.

"Oh my God!" Napatakip siya ng bibig at gulat na gulat na nakatingin sa akin.

"I'm Gabriel Erwan Castillo, but you're calling me Gabo when were still kids. And yes, I am your childhood bestfriend and your first love," I said with full confidence. Hindi ko na alam pero biglang nawala 'yung hiya na nararamdaman ko kanina.

Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Hindi niya 'yon tinanggap at nakatulala pa rin siya sa 'kin kaya naman marahan ko siyang hinila papalapit sa akin at niyakap.

Ang tagal kong hinintay 'to.

Napangiti ako lalo nang yakapin niya ako pabalik pero agad din akong humiwalay nang hampasin niya ang likod ko. Hindi naman 'yon masakit, nagulat lang ako.

"Wait! Wala ka namang proof na ikaw talaga si Gabo. Ang layo kaya ng itsura." She pouted her lips.

"Gusto mo ng proof?" tanong ko. "Tara," aya ko at hinila siya palabas ng kwarto.

Pumasok kami sa kwarto ko. Kinuha ko ang wallet ko at binuksan 'yon.

"Proof," sabi ko at inabot sa kaniya ang wallet ko kung saan nakaipit ang picture naming dalawa noong bata pa kami.

Tinitigan niya 'yon at pabalik-balik na tumingin sa 'kin, para bang sinisigurado niya na ako talaga ang nasa picture.

"Oh my! Ikaw nga," usal niya habang nakatingin pa rin sa picture. "Ang gwapo mo!"

Tumawa-tawa siya at tumingin sa akin.

"Nagpabago ka ba ng mukha?" natatawang tanong niya habang sinisipat ang mukha ko.

Nawala naman ang ngiti ko. "Gwapo talaga ako, madungis lang talaga ako dati," sabi ko sa kaniya. Syempre, bata pa ako no'ng mga panahong magkasama kaming dalawa, wala pa akong pake sa itsura ko.

Binalik niya ulit ang tingin sa picture. Napangiti ulit ako nang makita ang malaking ngiti niya.

"Ang ganda mo," sabi ko.

"Small thing," aniya at natawa.

"Pero ang sakit mo pa rin sa tainga," dagdag ko.

Tumingin siya sa akin at inirapan ako.

"Pa-hug nga ulit. Na-miss rin kita, Gabo."

I pulled her and wrapped my arms around her.

The Right Path Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon