Chapter Four

96 8 15
                                    

Tatlong araw ng nandito si Heather

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tatlong araw ng nandito si Heather. No'ng araw na sumailalim sa ECQ ang La Union, sinubukan naming lumabas pero hindi pa man kami nakakarating doon sa bahay ng lola niya ay hinarang na agad kami.

She has no choice but to stay here. Mag-aantay kami hanggang sa ma-lift ang ECQ dito. But, I think this ECQ will be extended. Pataas pa rin nang pataas ang kaso ng Covid-19 patients dito sa Pilipinas.

"Boredom is killing me," saad ni Heather. Nakaupo siya sa kabilang dulo ng sofa habang kinakain ang malaking Chippy na binili ko noong isang araw.

"Hey, Gab! Magsalita ka naman d'yan!" I turned my gaze on her. "Alam mo, tatlong araw na tayong magkasama but we only know each other's name. Uso mag-share ng ibang information, 'no!"

She's right. Wala kaming alam sa isa't-isa bukod sa pangalan. Pero ano bang iku-kwento ko sa kaniya? Wala namang masyadong ganap sa buhay ko. Music lang yata ang bumubuo rito.

She snapped her fingers and gave me a big smile. "Alam ko na! Why don't we ask each other? Just basic information. Kahit 20 questions lang, salitan tayo," sabi niya.

Pinagdikit niya pa ang dalawang palad niya. "Please, Gab."

Napakamot na lang ako ng batok. Papayag na lang ako kaysa naman marindi ako sa boses niya kakakulit sa akin.

"Fine," sagot ko at humarap sa kaniya.

"Okay! Mauuna na ako. First question, what is your real name?" tanong niya at bahagya pang umusog palapit sa akin.

"Gabriel Erwan Castillo."

"Oh, nice name. Ikaw naman," aniya.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para mag-isip ng itatanong sa kaniya. "What's your real name?"

"I'm Heather Kassidy Aranda," she answered. Naglahad pa siya ng kamay sa akin pero umiling ako.

"No to handshakes, baka kung saan-saan ka humawak," sabi ko sa kaniya. Umirap naman siya.

"Arte! My hands are clean. Lagi akong naghuhugas. Anyway, next question na tayo. Ilang taon ka na?" tanong niya.

"25. Ikaw?"

"You're just copying my questions," angal niya. "23 na ako."

Dumukot muna ulit siya sa Chippy bago nagtanong ulit. "What is your job or anong pinagkakaabalahan mo sa buhay?"

Saglit akong natigilan. I remembered my work before pero ni minsan ay hindi ko 'yon tinuring na trabaho lang, I consider it as my passion. "I was a band vocalist."

Tumango-tango naman si Heather. "Sabi na nga ba you're into music, eh. Ikaw ba nagsulat no'ng mga lyrics na nabasa ko do'n sa kwarto mo?"

"Is that your fourth question?" tanong ko. Mabilis naman siyang umiling.

"Your turn," aniya.

"Anong trabaho mo?" tanong ko.

"Kaka-graduate ko lang, BS Architecture. I'm still looking for a job," sagot niya. "Okay, this is my fourth question...Anong ginagawa mo rito sa La Union?"

"For vacation at para magkatao rito sa bahay ni tita." That's a lie.

"What's your favorite color?" tanong ko. Bigla naman siyang tumawa dahilan ng pagkakunot ng noo ko.

"I'm sorry. Natawa lang ako sa tanong mo, literal na 'basic.' Red is my favorite color," sagot niya at hinawakan pa ang buhok niya.

Saglit siyang natigilan at tila ba nag-iisip ng susunod na tanong. Ilang saglit lang ay naningkit ang mata niya.

Tumayo siya at lumapit sa akin. I blinked twice when she leaned forward. Napaigtad ako nang hawiin niya ang buhok na nakaharang sa noo ko.

"W-what are you doing?" tanong ko. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Umayos ulit siya ng pagkakatayo.

"Anong nangyari d'yan?" tanong niya habang nakaturo sa noo ko. Kumunot ang noo ko at dahan-dahan na napahawak sa gilid ng noo ko.

Before I could answer her question, she sat back on the sofa. "I was running with my friend that time, she pushed me and I accidentally hit myself on the ground." Muli kong hinawakan ang peklat na nasa noo ko at naalala ko na naman siya. I bit my lips to suppressed my smile.

"Oh my God!" Tinignan ko si Heather at nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. "You're smiling! Crush mo 'yon 'no?" pang-aasar niya. Napailing na lang ako.

"Ayan! Dahil sa kaharutan slash kalampahan mo, peklat tuloy inabot mo!" dagdag niya pa.

What the?!

"In fairness, bumagay naman sa 'yo. You're still handsome. Okay, your turn?"

This woman is really annoying and talkative. "Anong oras matatapos ang tanungan na 'to? Inaantok na ako."

Sumimangot naman siya. "Ano ba 'yan! Hindi pa nga umaabot ng 20 questions," angal niya. It's already 1:30 AM, wala ba siyang balak magpatulog?

"Matutulog na ako," sabi ko at tumayo.

"Okay, okay! Let's just continue this in another day," aniya at tumayo na rin. Lumapit na ako sa pintuan ng kwarto ko at gano'n din siya, doon na siya sa kwarto ng pinsan ko natutulog ngayon.

"It was a nice conversation though," sabi niya. "Sana sa susunod mas humaba pa ang mga sagot mo. Good night, Gabriel," dagdag pa niya at pumasok na ng kwarto.

Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. I was about to close my eyes but my phone beeped.

Kinuha ko 'yon mula sa side table. It's a text from an unregistered number. Seriously? May nagte-text pa rin ng ganitong oras?

Napaupo ako bigla nang mabasa 'yon.

From: 09*********

Good night ulit, Gab! I enjoyed this night, btw. Kahit papaano ay may nalaman ako sayo.

What the hell?! Is this Heather? Where did she get my number?

My phone beeped again, it was another message from Heather and it answered my question.

From: 09*********

I got your number from the calling card that I saw on your table hehe

Nabitawan ko na lang ang cellphone ko at napahilamos ng mukha.

The Right Path Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon