Chapter 11

234 12 0
                                    

"I'm sorry Vernice hindi ko na gagawin pero... tanginang 'to hindi ko alam kung paano magpapansin sa 'yo. "

I swallowed hard. My system went wild and crazy after hearing those words. Ang kaninang tunatambol kong puso ay kumalabog na sa lakas ng tibok ngayon. Kita ko namang nanantya ang mga mata niyang nakatitig pabalik sa akin ngayon. He did not even say a word about...

"Look, kung hindi mo pa napapansin Verns, I'm doing those things to get to you... uh let's say closer to you." he said softly.

He's choosing his words safely. Alam ko 'yun dahil sa naninimbang niyang boses na baka isang maling salita niya lang ay magbabago ang lahat. Hindi naman ako makasagot. I was tongue tied and dumb. Hindi ko inaasahan ito.

"Uhm... anong ibig mong sabihin?" nang sa wakas ay nagkalakas loob na magsalita.

There was a long stretch of silence. Kung hindi lang dahil sa ingay ng mga sapatos ng players sa loob ng court, I'd probably hear crickets right now.

"Pinapahirapan mo 'ko lalo Verns, pano ba ito? Am I doing it fast? Fuck!" he muttered a curse to himself.

Mas lalo lang akong naging uneasy. I've never been to this kind of situation before. Even with Caleb, or other guys. Sigurado dahil ay walang nangahas.

But having Yulo infront of me struggling to find the right words and saying brings so many foreign feelings. Isa pa itong kanina pa parang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko.

"Diretsuhin mo na ako Yulo." I sounded brave. But guess what, tones could lie but never the eyes.

His lips was pressed in a thin line as his adams apple moved when he gulped hard. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya ngayon. My line of vision went down to his chest.

"Gusto kitang ligawan Vernice."

It echoed a thousand times on my head. I was stunned and caught off guard from his direct confession!

Kumunot ang noo ko para maitago ang paghuhuromentado ng puso. I tried to remember so hard the time Caleb confessed to me too. What was my reaction that time? Did my heart beats loud like right now? Pero wala na akong maalala. Maybe I took it lightly before.  So why can't I now?

"Verns? Please say something..."

Nag angat ako ng tingin sa kanya. He look weary now. Gone is the playful lopsided smile of Yulo. Nakitaan ko ng takot ang mga mata niya na agad namang nawala noong tumitig ako pabalik.

"Hindi ko a-alam kung paano kita s-sasagutin."

Napatutop ako ng bibig sa sinabi. What the hell Vernice?! I panicked when his jaw dropped too. Hindi rin siya makapaniwala sa nasabi ko. Ir has a double meaning!

"A-ayos lang hindi kita pinipressure na sagutin agad-"

"No! What I mean is... "

"We'll buy our time Verns, hindi ko sinasabing sagutin mo agad ako. Gaya nga ng sinabi ko diba gusto kong manligaw sa 'yo. Hmmm unless kung ayaw mo ng patagalin pa at gusto mo na akong- Aray!"

Tinampal ko siya sa balikat at mabilis namang nagbago ang emosyon niya simula sa pagiging seryoso ay mahihimigan na ng pagkatuwa ang ngisi niya ngayon. Hindi ko naman maiwasang matawa nalang din sa taas ng level of confidence niya. Talaga lang ha ayos din to manligaw tong isang to.

"Hindi ako easy to get!" I yelled.

"Easy Vernice hahaha kung ayaw mong marinig ng kateammates ko at maging talk of the town ang panliligaw ko sa'yo." ani ni Yulo sabay kindat.

Sa totoo lang,  kanina pa ako nagpipigil sa kaloob looban ko. I wanted to scream my emotions so bad. I even lost track of time kung ilang minuto na kaming nakatunganga ngayon sa isa't isa.

Blinding Lights [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon