EKB 2.14 - Enough na! -

Start from the beginning
                                    

"Kasi kung hindi ako nagpumilit iparealize sa'yo na pogi ka, macho at papable, hindi mangyayari 'to."

Tinawanan ko lang sya. Masyadong occupied ang utak ko kakaisip kay Magic at sa gagawin ko. Maybe partly kasalanan rin nya pero sya ang dahilan kung bakit ko nakilala si Magic. Ngayon, ano na? Anong mangyayari sa amin? Bakit ba kasi sinundan nung ibang fans 'yung buteteng 'yon? O baka naman may nakakita lang? Paano kung may kapitbahay pala si Magic na kilala ako tapos hindi lang lumalantad? PANO 'PAG LUMANTAD SYA!? AAHH. Paano kung awayin nila si Magic? Maghahanda na ba ako ng machine gun? At isa pa. Galit si Magic sa akin at nasisiguro ko 'yun.

"Hoy 'wag kang masyadong mag-isip, baka pumangit ka." Tinapik ni Tiffany ang balikat ko at tinignan ko lang sya. Nginitian pa ako. Palibhasa kasi hindi sya 'yung nasa sitwasyon. "Tumawag 'yung guard, may sasabihin ata sa'yo." 

I gave her a 'thank you' look tapos tumayo na ako at pinuntahan ang telepono. "Hello?"

"Hello, ser! May mga gusto kasing pumunta dyan sa---"

"'Wag mong papuntahin."

"Eh ser!"

"Ano bang sabi ko?" Hindi ko mapigilang gamitin ang boses na ginagamit lang ng kontrabida. Ayoko na lang talagang magkagulo dito kaya wala na akong ibang choice. Mabuti sana kung pwede akong magbarikada sa bukana ng kalye namin e.

"Teka lang ho kinakausap na nga e--- Ser, may malubha ka bang sakit?"

"Huh?!" ANONG KLASENG TANONG 'YAN?

"Ma---Teka ho!---Ser pumasok na sila! Sabi nila mamamatay ka na raw kasi kaya---"

Napagtagpo ko ang mukha ko at ang palad ko. Hindi nga naman ako ang nag-iisang nakatira dito. "Ano.. Manong guard, sige hayaan mo nalang 'yung sinabi ko kanina. Salamat nalang."

"Ganon ba ser? Sige ho." Binaba ko na ang telepono at bumuntong hininga talaga. Natatanga na ako.

Hindi ako bagay na bida sa isang storya. 'Yung mga bida kasi, palaging matalino. Hindi nakakalimutan 'yung mga bagay-bagay at palaging may solusyon. Ako? Anong solusyon ko? WALA? Galit pa sa akin si Magic at hindi ko sya macontact.

"Frank! Frank si Magic nasa--HOOOOOOOY!" Nagulat ako nang biglang magsisisigaw si Tiffany tapos bigla pang lumabas! 

"TIFF!" Sumunod naman ako agad dahil narinig kong binanggit nya ang pangalan ni Magic. Paglabas ko, parang gusto ko nang pumasok ulit kaso kumulo agad ang dugo ko nang makita ko ang mga babaeng nagkalat sa kalye namin at mukhang may planong kuyugin ang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay ni Magic. May mga camera pa 'yung iba. 

Di kaya sila rin 'yung itinawag ng guard kanina at gumawa lang sila ng scheme para makapasok? Ay nako naman! 

Lalabas na sana ako ng gate pero biglang hinigit ni Tiffany ang braso ko. "Baliw ka ba? Makikigulo ka pa?"

Eh kasi, BAKLA!Where stories live. Discover now