EKB 2.10 - Hair Extension!! -

1K 24 0
                                    


EKB 2.10 - Hair Extension? Let Me Flip It! -

==

Umaga palang ay nangreraid na ako ng bahay. Hm. Hindi naman totally raid dahil pinapunta nya ako dito. Ang aga-aga e. Girls naman, hindi dahil malapit lang ang bahay ng boyfriend nyo ay palagi nyo na silang oobligahin na puntahan kayo. At Boys, kung pianpapunta kayo, puntahan nyo! Malay nyo ipinagluto pala kayo ng nilagang baka na amoy palang, ulam na!

Umayos ako agad ng upo nang humarap sya sa akin at inilapag sa harapan ko ang isang mangkok ng sabaw at isa pang mangkok na may baka. Unang beses nya atang paghandaan ako ng pagkain dahil madalas ay ako ang gumagawa nun para sa kanya.

"Kain na dali! Ilang oras kong nilaga yan para lang sa'yo." Malambing ang boses ngayon ni Magic at halatang masaya sya sa ginagawa nya. Para ngang mababanat na 'yung makipot nyang labi sa sobrang ngiti nya sa akin ngayon.

Lumunok ako ng kaunting laway para magprepare. Nagugutom na rin naman kasi ako pero baka masyado syang matuwa kapag nilantakan ko kaagad kaya kailangan kong magcontrol. Frank. Control! Dyan ka magaling diba?!

Inabot ko ang mangkok ng sabaw at inilapit ko 'yun sa bibig ko. Naaamoy ko palang pero parang nalalasahan ko na. Amoy masarap kasi! At sabi nila, what smells good, tastes good. Hm.. Does that mean that I taste good? Char lang. Shit. Anogn Char?

Idinikit ko sa mapang-akit kong labi ang dulo ng mangkok at nagsimulang humigop. Dahil gutom rin ako, napalagok ako ng marami at SHETE ANG INIT!! Mabilis kong ibinaba ang mangkok at napahiyaw. "HAAAH!"

Ang sarap kaso ang init talaga! Nagtatalo ang isip ko kung aabutin ko ba ulit 'yung mangkok o palilipasin muna ang pagkapaso ng dila't lalamunan ko. Pero ang sarap talaga! Gusto ko pa!

"Hipan mo kasi muna." Tinawanan nya ako bago sya umupo sa tabi ko. Pinanuod nya lang akong maglagay ng sabaw sa kanin at mag-handa ng isusubo ko. Bago ako kumain ng kanin ay humigop pa ulit ako ng sabaw at parang gusto ko nang sa kaserola mismo humigop kasi ang sarap talaga kaso baka sampalin ako ni Magic kapag ginawa ko 'yun.

"Hindi mo ba ako sasabayan?" Tanong ko sa kanya.

Umiling sya. "Mamaya na ako kakain. Konti lang 'yan kaya bilisan mo! Baka malate ka pa."

Napangiti ako dahil sa tono ng boses nya. Nanlalambing talaga sya ngayon. Kinikilig naman ako! Hahaha. Kumain ako at pinapanuod nya ako. Hindi naman na ako naiilang dahil ginagawa nya ng madalas 'yun. "Anong gusto mong gawin ko para sa'yo?"

"Hmm..." Tinignan ko sya tapos sinubuan ko sya ng luto nyang masarap. Hindi naman sya nagreklamo. Malamang! Magrereklamo pa ba sya? 

"Dali. Anong gusto mo? Baka magbago ang isip ko." Sabi ko bago sumubo. Minamarathon ko talaga 'yung pagkain kasi ang sarap! Magpatayo kaya kami ng karinderya? Ay 'wag. Baka may mainlove pa sa kanya dahil sa luto nya.

"Everything I want in life is right here...~" At nagawa nya pang kumanta? KINILIG NAMAN AKO! Isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko. 

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon