"Aera, bakit ba tayo nagtatago?" tanong ko habang kinakain ang cheese curls na binili ko.

"Ssshhh!" Tinakpan niya ang bibig ko at sumilip siya sa isang gilid.

Sino ba kasi 'yung tinitingnan niya? Dahil na-curious ako, sumilip din ako rito at nakita ko si Nash at Quias na nag-uusap. 

Akala ko naman kung ano ang dahilan kung bakit kami nagtatago! Makiki-chismis lang yata si Aera sa dalawa eh. Ang sarap niyang batukan!

"Erp, sure ka bang kaya mo pa? Pwede naman kitang pautangin muna," sambit ni Quias.

Pinamulsa ni Nash ang kaniyang kamay at sumadal sa pader. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot sa kaibigan. "Salamat na lang erp. Kinakaya pa naman ng katawan ko."

"Basta huwag kang mahihiyang magsabi sa akin ha---" Hakdog.

Naputol ang sasabihin ni Quias nang biglang tinulak ako ni Aera at napukaw ko ang atensyon ng dalawa. Ipapahamak niya 'ata ako!

Sa sobrang lakas ng pagkakatulak ng pinsan ko sa akin, napasubsob ako sa katawan ni Nash. Sapul talaga roon eh. Hindi ko alam kung sinasadya ba 'to ni Aera o ano.

Agad naman akong napaayos ng tayo nang biglang umubo sa gilid ko si Quias. Ngumiti siya ng nakakaloko sa amin. Nadumihan ko pa ang damit ni Nash dahil sa pagkakatulak ni Aera.

"Pasensya na sa istorbo. Si Xei kasi." Sinamaan ko ng tingin si Aera. Wala naman akong ginagawa sa kaniya, makapanisi 'to!

Dapat talaga hinila ko na 'tong pinsan ko at hindi na nakinig sa usapan nila. Malalagot pa ako ng dahil sa kaniya. Minsan talaga ang sarap ibaon ni Aera sa lupa.

Baka akalain ni Nash na chismosa ako. Ilang beses na kasi akong nakikinig sa usapan na kasama siya na hindi ko naman intensyon.

Una, 'yung nakikipag-chess siya sa tricycle driver at buti na lang hindi niya ako nakita noon. Pangalawa, noong pinagalitan siya ng Mama niya. Pangatlo naman ito, ang pag-uusap nila ni Quias.

"It's okay," tugon ni Nash habang pilit tinatanggal ang cheese powder na dumikit sa kaniyang damit.

"Anong ginagawa n'yo pala rito? Tumatakas kayo sa seminar? Lagot kayo," pabirong sambit ng pinsan ko. Makasabi siyang tumatakas eh kami ngang dalawa 'yun.

"Nagbanyo lang kami Ae Ae! Kayo 'ata ang tumatakas oh! May pagkain pa kayong dala,"  tugon naman ni Quias

"Hindi rin kami tumatakas for your information! Nagutom lang kami. Tsaka nakakabagot sa auditorium."

Napailing na lamang ako nang bigla na lamang nagbangayan sina Aera at Quias. Ibang klase talaga sila. 'Yung pinsan ko naman kasi ang hilig makipag-asaran kahit kanino.

"Let's just go back there. Baka mahuli pa tayo ng student patrol," suway sa kanila ni Nash.

Sumang-ayon naman kami at naglakad na papuntang auditorium. Nauuna sina Aera at Quias sa amin ni Nash. Patuloy pa rin sila sa pagbabangayan.

Mabuti na lang at hindi na nila kami inusisa kung mayroon ba kaming narinig sa kanilang pag-uusap.

"Are you alright Xeidrine?" tanong ni Nash na nagpakunot naman sa aking noo.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon