"Gusto mo ng siopao?"

Hindi na ako nagkaroon pa ng pagka-kataon na tumanggi sa inalok niya dahil agaran na niya akong hinawakan sa braso at hinila palabas ng opisina.

Kabisado ko pa rin ang LPU kaya alam ko na ang direksyong tinatahak namin ay papuntang cafeteria, saglit akong napatingin sakaniya na parang hindi makapaniwala sabay tingin sa paligid.

"Dalawang siopao at dalawang mirinda," sabi niya sa tindera na bahagya pang tumingin saakin.

"Hu—"

"Huwag ka na mahiya! Libre ko naman," sabi ni Jackquin sabay labas ng kaniyang pitaka.

Pinanood ko siya hanggang sa maglabas nga siya ng pang bayad, kasabay rin noon ay ang pag-abot sakaniya ng dalawang siopao at dalawang plastic ng mirinda.

Humarap si Jackquin saakin at inabot ang mga pagkain, ilang akong tinanggap iyon.

"Keep the change," agad na harang ni Jackquin sa tindera nang a-akmang ia-abot na sakaniya nito ang sukli, nginitian siya ng tindera bago siya pasalamatan.

"Ang bait mo naman para magkaroon ng maraming kaaway," sarkasamo kong sabi pagka labas namin ng cafeteria.

Imbis na punahin ang sarkasamo sa tono ko ay natawa na lang siya, "The nature is balanced, we need to balance ourselves too."

Habang naglalakad ay pinanood ko siyang paliguan ng sauce ang kaniyang siopao, ayoko sanang kumagat sa inilibre niya saakin pero nalipasan na ako ng gutom at hindi naman ako nakapag pananghalian. Kape lang rin ang ininom ko kaninang umaga kaya sa huli ay kumagat rin ako.

Hindi ko alam, nakakadisturbong isipin na parang wala lang akong nagla-lakad sa eskwelahan kasama ang babaeng may pakana ng lahat ng papeles sa folder ko.

"Naniniwala ka ba na ang laman ng siopao ay mga pusa?"

Muling nanumbalik sa memorya ko ang sinabi ni Jazz na pumatay ang ate niya ng isang pusa, lihim kong minura ang sarili ko dahil nawalan tuloy ako ng gana.

Nang mapansin niyang hindi ko na muli ginalaw ang siopao mula sa unang kagat ay agad siyang naalarma.

"Holy shit, I'm sorry!" sobrang sincere ng pagkakasabi niya, "I forgot na dapat hindi ako nagbu-bukas ng ganiyon kapag may pagkain."

Nanginig ang isa kong mata habang nakatingin sakaniya, "It's fine. Pumatay ka nga ng isa, hindi ba?"

Mabilis pa sa alas kwatrong umangat ang paningin niya saakin, nakita kong may gitla sa mga mata niya pero hindi ako nagpauto.

"Ang kapal pala ng wallet mo," puna ko muli sa pitaka niya na punong puno ng pera, "I wonder kung saan iyon nanggagaling."

Hindi na ako nagulat nang unti unting sumilay ang ngiti muli ni Jackquin sa kaniyang mga labi.

Sa pagkakataong ito ay alam kong malapit ko na siyang mapikon.

"Marami ka pang trabaho, Agent Schwarz. Ihatid na kita sa parking lot?"

"Huwag na," agad kong tanggi.

"I insist," pangungulit pa niya, "Gamitin mo na rin yoong paglalakad natin para maubos ang libre ko saiyo, hindi ka naman makakapag motor ng kumakain, hindi ba?"

Hindi na ako nakipag talo pa dahil mukhang siya iyong tipo ng tao na hindi pumapayag na tanggihan, hindi ko rin alam kung saan ko nabawi yoong gana ko sa pagkain at bago pa kami makaapak ng parking lot ay nasimot ko na ang mirinda.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now