Chapter 22

295 19 2
                                    

CHAPTER 22

[ Escape ]

---

Alex's Point of View

Halos malusaw ko ang pintuan ng operating room sa sobrang paghi-hintay ko na magbukas iyon.

"Alex."

Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko, ni hindi ako lumingon kay Jonathan nang tawagin niya ako.

Nang makita ko si Jazzquin sa ganoong kundisyon ay tila nawala ang lahat ng pakiramdam ko sa katawan at layunin sa buhay. 

Nawalan ako ng pandinig, lakas, at ng kulay. Pakiramdam ko rin ay tumigil ang pag tibok ng puso at pagtakbo ng utak ko ng ilang segundo.

"Namanhid na lang ako."

"Alex."

Sa pagkakataong ito ay nakuha na ni Jonathan ang paningin ko, bigla na kasi siyang humarang sa paningin ko.

Doon ko lang naisipang kumurap, kapos hininga rin akong sumagot, "Ano iyon?"

Matagal muna akong tinitigan ni Jonathan sabay may inabot saakin, bumaba ang tingin ko doon at agad kong napagtanto kung kaninong cellphone ang inaabot niya.

"Sinubukan kong buksan kanina, pero may password," ani ni Jonathan habang pinipindot ko ang gitnang button ng cellphone ni Jazzquin.

Bigla namang nagliwanag ang cellphone, agad bumungad sa akin ang litrato ng isang batang babae at may katandaang lalaki na halatang kinunan lamang gamit ang kamera ng cellphone.

Medyo may kalumaan na ang litrato kaya agad kong na konkluda na si Jazzquin ang batang babae sa litrato, hindi niya gaanong kamukha ang kasama niya kaya nagda-dalawang isip pa ako kung ama niya ito.

"Sa tingin ko kailangan mong tawagan ang mga kaanak niya?" suhestyon ni Jonathan nang mapansing tinitigan ko lamang ang lockscreen.

Iniswipe ko ang lockscreen at agad bumungad sa akin ang mga numero, nanghihingi ng pass code. 

May isa lamang problema, hindi ko alam ang pass code.

Napaigting ako ng panga at sinubukang ilagay ang numero ng kaarawan ni Jazzquin. Nang hindi iyon gumana ay sinubukan ko ring ilagay ang petsa kung kailan naging kami, kaarawan ko, ang hula kong paborito niyang numero at hell, pati yoong araw na unang beses siyang pumunta ng headquarters.

Pero lahat ng iyon ay hindi gumana.

"Hindi ko alam," blankong sabi ko habang pinagmamasdan ang cellphone.

Bahagyang kumunot ang noo ni Jonathan sa akin pero hindi rin kalauna'y lumuwag iyon.

"Wala kang numero ng kahit sinong kamag-anak niya?"

Umiling ako.

"Kasama sa bahay?" pagtatanong muli ni Jonathan.

"Wala," iling iling kong sagot muli, "Ang ibig kong sabihin, wala siyang kasama sa bahay."

Bubuka pa sana ang labi ni Jonathan nang biglang bumukas ang pintuan ng operating room. Mas lalong namanhid ang buong katawan ko nang sabay kaming lumapit ni Jonathan sa doktor.

"Sinong kamag-anak ng pasyente?" tanong agad nito.

Matagal kaming natahimik ni Jonathan, wala pa gaano sa katinuan ang utak ko kaya agad akong nag panic na kapag sinabi kong nobyo lang ako ay hindi nito sabihin sa akin ang kundisyon ni Jazzquin.

Napalunok ako, "Asawa niya ako."

Napatango naman ang doktor, "Stable na ang kundisyon niya, mabuti na lamang ay walang natamaang vital organ at mukhang napigilan agad ang pag labas ng dugo kaya hindi na niya kailangan ng blood transfusion."

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon