"2 years ang tanda niya saakin. I was 11 when she ran away, I don't know kung ilang taon siyang lumapag dito sa Pilipinas."

Kung ie-estimate ay naglalaro sa 14 hanggang 16 ang edad ng ate ni Quin nang makarating ito ng Pilipinas.

"Paano siya nakarating dito?"

"Matalino ang ate ko, pero hindi noong mga taong iyon," iling iling na sabi ni Quin, "Hindi niya kayang umalis ng Russia ng walang kapit."

Napakurap ako nang may mapagtanto ako.

"Mga Augustus?"

Napatango si Quin sa sinabi ko, "Hindi ko alam kung nasaan si ate. Simula nang lumapag kami dito sa Pilipinas hanggang sa mamatay si mama ay kahit hibla ng buhok niya ay hindi namin nasilayan."

Nakita kong ngumiti si Quin ng kaunti, pero hindi iyon umabot hanggang sa kaniyang mga mata.

"Paano mo nasabi na ang ate mo ay si Jenny kung hindi pa kayo nagkikita ng ilang taon?"

Natahimik si Quin sa itinanong ko.

"Dito papasok si Adam."

Sa sinabi niya ay napaseryoso ako.

"My mother used to date Adam, never niya akong na meet dahil noong panahong sila pa ay nagdo-dorm ako at minsanan lang akong umuwi sa bahay. Naririnig ko lang siya sa mga kwento ni mama."

"At?"

"Nagpatulong si mama sakaniya na mahanap si ate," at sa pagkakataong iyon ay mas lalong namuo ang takot sa mga mata ni Quin, "And it turns out we almost share the same face."

"Kuya!"

Nabalik ako sa kasalukuyan nang malakas akong kinatok ni Nathalie .

Doon ko lang napansin na tumutunog ang telepono ko, agad agad ko itong kinuha at handa na sanang mang hingi ng tawad sa taong nasa kabilang linya.

"Hello? Mrs. Melanie, pasensya na po at ngayon ko lang nasagot."

Bumalik ang tingin ko kay Nathalie mula sa labas ng opisina, tinignan ko siya na tila nagpapasalamat. Binigyan niya lamang ako ng isang thumbs up.

"Agent Schwarz..."

"Mrs. Melanie?"

Ilang minuto muna siyang natahimik bago sabihin ang nais sabihin.

"Napaaway si Nelly."

Sa narinig ay agad kong hiningi ang ilang detalye kay Mrs. Melanie, ang sabi niya ay yoong naikwento niya saaking kaibigan ni Nelly ang nakaaway nito sa gitna ng klase noong isang araw. 

Ang sabi pa ng Ginang ay umabot pa sa puntong pinagbantaan ni Nelly ang kaibigan na papatayin niya ito.

Agad akong kumilos paalis na headquarters at nag maneho papuntang LPU. Base sa narinig kong impormasyon kay Mrs. Melanie ay taga C.A.S faculty ang kasalukuyang nagtu-turo kila Nelly nang mag-away silang magkaibigan.

Unang Deduksyon

Ang sabi saakin ni Mrs. Melanie ay kaya niya nalamang nakipag away si Nelly ay bukod sa ipinatawag siya sa guidance ay nakita niyang sira ang calculator ng anak.

Ang subject ay nangangailangan ng calculator.

Pangalawang Deduksyon

Base sa mga gurong kilala kong nagtuturo, iisa lang naman ang kilala kong may hawak ng subject sa CITHM na may kinalaman sa mga numero.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum