"Pasensya na kung hindi ka namin masyadong nakakausap, medyo abala rin kasi kami," pakurap kurap na sabi ni Nathalie.

Pinilit ko talagang hindi ngumisi habang nakikinig sa mga katagang binibitawan ni Nathalie, medyo nadi-distract lang ako sa pagkurap niya dahil alam ko kapag ginagawa niya iyon ay hindi niya alam kung ano ang pagka-kasunod sunod ng mga sasabihin niya.

O kaya naman ay nagsa-sala siya ng mga salitang hindi at dapat niyang sabihin.

"Tapos hindi rin namin alam kung paano ka ia-approach." 

Napakagat ako sa pizza na hawak ko sa isiniwalat ni Nathalie, straightforward pero pinanatili niyang tama ang tono kaya hindi nakakabahala at nakaka-offend ang dating. May pagsasala sa mga salita.

Siguro ay naramdaman din ni Nathalie na medyo ilang si Mark sa amin. Kung may nakakatawang sinabi si Jonathan ay ta-tawa siya pero kahit kailan ay hindi siya magbibigay ng komento, para siyang pako na kapag pinukpok lang ng martilyo ay saka lang gagalaw.

Kaya nga medyo nagitla ako nang kinomendahan niya ang paraan ko ng pakikipag-usap sa mga trainees kanina, iyon kasi ang unang beses na nag komento siya. Palagay ko'y sinusubukan ni Mark na makipag komunikasyon.

Mukhang alam ko na ang dahilan ng pagpa-padeliver ni Nathalie at Jonathan ng lunch.

"No, it's fine," bahagya pang natawa si Mark sabay kamot ng pisngi, "Ako ang bago kaya dapat naging attentive ako sa communication. I'm at fault too."

"But still, dapat pinakisamahan ka rin namin ng maayos," dagdag ko sa sinabi ni Nathalie sabay tingin ng makahulugan kay Jonathan, kumuha lang siya ng isang cup ng soft drinks na may straw na sabay sipsip noon.

Hindi siya nagsalita kaya naman agad akong umisip ng pandagdag.

"Oo nga pala, narinig ko mula kay Jonathan na hindi lumilipas ang isang linggo bago ka makapagsara ng kaso. Alam kong mas matanda ka saakin pero bilang nakagisnan nang Kuya ng team na ito, I want to commend you for your hard work."

Bahagyang umawang ang labi ni Mark sa sinabi ko at payukong tumango, mukhang epektibo ang positibong komento kong sinabi.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko," nakangiti pa ring sabi ni Mark habang natango, "Pero salamat."

Napatigil ako sa pag galaw ng panga ko nang ipagpatuloy ni Nathalie ang pagtusok ng straw sa  cup ng soft drinks sabay abot ng isa kay Mark.

"Again, welcome sa team. Ito na ang official na welcoming lunch namin para saiyo."

Mapanuya namang napasinghap si Jonathan, "Welcoming lunch, may ganoon ba?"

"Kung wala, ako ang nag imbento," iritadong sabat ni Nathalie na ikinailing ko na lamang.

"Masanay ka na lang sakanila Mark," suhestyon ko, "Sa mundo at trabahong ginagalawan natin, iyan na lang ang pantakas nila ng realidad. Ang mag-asaran."

Bahagya akong nagitla nang tumagilid ang labi ni Jonathan at sinabi kay Mark na, "Masyadong seryoso ang buhay ni Alex, boring na tao iyan huwag mong to-tropahin."

"Rinig kita."

"Nagbu-bukas lang ako ng tapika para mas makilala natin si Mark," palusot pa ni Jonathan at bahagyang humarap dito, "Ikaw Mark? Anong kwento ng buhay mo?"

Napakamot na lamang ako ng sentido sabay kagat sa pizza, alam kong ginagawa ito ni Jonathan dahil wala siyang gaanong tiwala kapag may mga bagong mukha na nakakasalamuha. Iba't ibang kriminal ang nakakaharap niya araw araw at may iba't ibang animo'y mabait ang personalidad na rin siyang ikinulong sa selda kaya hindi gaano madaling makuha ang tiwala niya.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now