Kabanata 17: Ngayon ay Alam Niyo Na

4 0 0
                                    

Matapos ang mahabang Paskong bakasyon ng mga mag-aaral ay sinalubong nila muli ang isang bagong taon. Maraming umaasa na ang taong ito ay magiging masaya at punong-puno ng mga tagumpay at ligaya. Nagsibalikan na ang mga mag-aaral sa paaralan, tatlong buwan nalang maghihiwalay na rin sila. Kay lungkot naman.

Halos isang buwan walang pasok ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Makati. Ngayon, Enero na at nagsibalikan na sila. Kailangan na nilang sulitin ang huling tatlong buwan nila.

Usong-uso sa mga guro ng asignaturang Wikang Ingles at Wikang Filipino ang magpagawa ng sanaysay ukol sa mga naging karanasan ng mga mag-aaral habang bakasyon.

Hindi naman sa pagsalakay sa lihim na buhay ng mga mag-aaral, pero sabi nila ay kasama ito sa marka nila. Mukhang wala silang magagawa kundi sumulat nga ng sanaysay.

Ang ibang mga mag-aaral ay naghahanda na ng kanilang mga sanaysay habang bakasyon pa. Ito ay para wala na silang proproblemahin pa at para hindi rin nila makalimutan ang mga nangyari noong baksyon.

Isa si Wia sa mga mag-aaral na ito. Ilang taon na niyang naranasan na magsulat ng sanaysay ukol sa Paskong bakasyon niya, walang duda na uulitin niya ito ngayong bago ang na muli ang taon.

Ang kakaibang ginawa lang niya sa sanaysay ay may sinulat niya sa pinakahuling linya nito. Tutol kasi si Wia sa pagsusulat ng mga sanaysay ukol sa mga ginawa ng bata noong bakasyon. Isa nga itong pagsalakay sa lihim na buhay ng mga mag-aaral.

Kung mas maalam lang sana si Wia sa batas ay sana nakasuhan pa niya ang kaniyang mga guro batay sa Batas Republika 10173. "Para ito sa mga marka ng bata." Kung idedepensa ng mga guro, ang maaring sabihin ng mga abogado ay "Wala kang karapatan na pakialaman o makialam sa mga lihim na buhay nino man."

Dahil bata pa si Wia, ay hinayaan nalang niya ito. Sa bagay, puwede ka naman magsinungaling sa sanaysay at hindi sabihin ang tunay na nangyari sa iyo noong bakasyon. Pero hindi ito ang ginawa ni Wia. Naging matapat siya sa kaniyang sanaysay. Kahit sa pinakamaliit na detalye ay sinulat niya, katulad ng pagsusulat niya sa kuwaderno. Ginagawa naman niya ito sa marka, baka makakuha pa siya ng mataas na marka kung gagalingan niya talaga ito. Para magkaroon, kahit ang pinakamaliit, na konsensiya ang mga guro, ay sinulat niya sa dulo ng kaniyang sanaysay, "Ngayon ay alam niyo na."

Hindi naman galit si Wia sa kaniyang mga guro, pero naiinis lang naman. Wala dapat silang ikabahala kay Wia, isa pa lang naman siyang bata. Kabahan nalang sila kapag lumaking isang abogado si Wia at magsampa ng mga kaso sa mga naging guro niya.

"Bagong taon, bagong taon. Hm, ano kaya ang dapat kong gawin ngayong taon." Tinatanong ni Wia ang kaniyang sarili.

"Subukan mo naman kaya mag-aral ng bagong kasanayan." Sabi ni Biel.

"Hm, katulad ng ano?"

"Pagluluto." Isang salita lang ang lumabas sa bibig ni Istefa, pero nagsimula na ito ng malaking diskurso.

"Ha?! Anong pagluluto?! Marunong na ako noon eh!" Sabi ni Wia.

"Nagluluto ka pala?! Katulad ng ano?!" Nagulat ang dalawa sa sinabi ni Wia.

"Uh, katulad ng, katulad ng karbonara! Oo, karbonara! Marunong ako magluto noon." Buong kapurihang sinabi ni Wia sa kanila.

"Eh, paano naman kung kald~" Sabi ni Biel.

"Anong kaldereta?! Sino ba kasing kumakain ng kaldereta?! Ay! Halos wala ka na ngang makain doon dahil puro buto lang ng kalabaw ang pinaglalalagay nila doon eh! Tapos hinahaluan rin nila ng kaunting atay ang mga ito." Sigaw ni Wia.

"Kung hindi menudo, paano ang menud~" Sabi ulit ni Biel.

"Anong menudo?! Hindi mo ba alam na ang pangit ng lasa ng mga atay sa menudo?! Para kang kumakain ng matigas na putek na hilauan ng sawsawan ng mga kamatis! Hindi lang ang atay kundi pati na rin ang mga pasas! Hindi masarap sa dila ang pinaghalong tamis at lansa ng mga ito!" Sigaw ni Wia.

Si Wia at ang KitKatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon