"So are you meeting with Claude?" she asked with a genuine smile on her face.

Umiling ako at ngumiti. "I haven't spoken to him since he left Baguio."

"Huh?!" Nanlaki mata niya. "That's so long na! Bakit hindi pa kayo nag-uusap?!"

Tumawa ako at nagkibit balikat. Natuwa rin ako nung nakita kong may ibang mga studyanteng nakatingin kay Alice at mukhang gustong lumapit pero pinipigilan lang sarili nila. Naalala kong artista nga pala yung kasama ko.

"Alam mo, I genuinely believe that you two are meant for each other," she said. "I can see it in the way you two look at each other, e. Ibang iba. I hope someone looks at me the same way someday."

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa sinasabi niya. I guess I didn't realize na I still looked at Claude that way.

"Anyway, you have to talk to him," she said. "I heard, he quit his job."

"Ha?" I said out of disbelief. "Bakit naman?"

Bago pa maka-sagot si Alice ay bigla nang tumunog yung phone niya.

"Sorry, wait lang," she said and took the call.

"Yeah, I'll be right there," sabi niya sa taong kausap niya.

She looked at me in an apologetic way and stood up.

"Sorry, Raf! I gotta go, may shoot pa kasi ako," she said. "But it was nice seeing you. I hope we could catch up again soon, ha!"

I waved goodbye as she left. Nung naka-alis na siya, parang hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Sa mga nalaman ko. Bakit ngayon ko lang nalaman na wala na sila?

Of course, Claude didn't have to tell me na nag-break na sila ni Alice. Wala naman ako doon! That didn't concern me. 

I shook my head and continued reading. Hanggang sa pag-balik ko ng condo ay gulong gulo pa rin ako. Sana naman hindi ko 'to isipin kapag nage-exam na ako!

I spent the next days reviewing in the condo and ordering some take-out. Parang natakot na akong lumabas dahil napagtantohan kong maliit lang pala talaga ang mundo. Hindi ko alam, pero natatakot na rin akong makita si Claude! Baka kung ano masabi ko!

"Hey, open the door," Katok ni Vale sa pintuan ko.

"Ano ba, ang aga aga!" sabi ko sa kanya pagkabukas ko ng pintuan.

His hair was still wet, siguro kaliligo niya lang. Naka-t-shirt lang siya at simpleng shorts. May dala dala rin siyang ibang mga libro at notes.

"Ang baho ng hininga mo," sabi niya sabay pasok sa loob ng condo.

Nanliit ang mata ko sa kanya. "Hindi kaya!"

"Mag-review na tayo!" sabi niya sa akin.

"Okay," sabi ko. "Dito lang ako sa condo. Ayokong lumabas."

Kumunot naman ang noo niya. "Bakit ayaw mong lumabas?"

"Baka makidnap ako. Manila's scary."

Binatukan niya ako habang nagt-toothbrush ako. Nag-akma akong sapakin siya pero agad siyang umiwas. I rolled my eyes and washed my mouth. Minsan, pinagsisisihan kong kaibigan ko 'to, e. Paano ko ba siya natiis ng anim na taon?

In the end, Vale finally forced me to go out and study. Pumunta kami sa isang malapit na cafe at nagreview na lang doon. Unlike Starbucks, this cafe actually had a lowkey home-y vibe.

Habang nagrereview kami ay hindi ko maiwasang magambala kay Vale na kanina pa nagce-cellphone.

Paano ba naman kasi! Magbabasa siya ng limang minuto, tapos magtetext nanaman!

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now