Season 1 Epilogue (Pt.1)

Start from the beginning
                                    

“O-Opo.”

“Sana ay huwag kang mag-alinlangan na malalaman mo ang nakaraan. Wala kang kasalanan doon at tanging ikaw lamang ang sakripisyo.” inilahad niya ang dalawa niyang palad sa harapan namin. “Hawakan ninyo ang mga kamay ko. Ipapakita ko sa inyo kung papaano at saan nagsimula.” ang sabi niya.

Dahan-dahan naming hinawakan ni Dovi ang kamay niya. Tumaas naman ang balahibo ko nang makaramdam ng kuryente na unti-unting pumapasok sa kalamnan ko. Ano bang klase ng nilalang siya?

Muntik ko nang mabitawan ang kamay niya pero napakahigpit ng hawak niya dito. Napapikit nalang ako nang biglang magliwanag ang mga mata niya't naging ginto ito. Mas lalo ring lumakas ang daloy ng kuryente sa katawan ko.

Ilang minuto pa, dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng mga mata ko para pagmasdan ang paligid. Ikinagulat ko nang nag-iba ang paligid at pati na rin ang panahon. Nagkalat ang mga babae at lalaking nakasuot ng mga mamahaling damit na sa tingin ko ay kapanahunan pa ng mga ninuno ko.

Wala ni isa sa kanila ang may damit na pang-alila bagkus ay puro mga court dress, mga coat at iba pa ang mga suot nila. Inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Dovi ngunit ang nakita ko lang ay ang matanda na kanina ay kausap lang namin.

Mabilis akong sumunod sa kaniya nang ayain niya ako papunta sa kung saan. Kakaiba ang lugar na ito.

“Venefica, nasaan po tayo?” ang sabi ko nang maabutan ko siya sa paglalakad. Kakaiba rin ang suot niya, court dress din 'yun katulad ng iba. “Look at your dress. You're really beautiful, Moerani.” napatingin ako sa suot ko at naka-court dress din ako.

“Ipakikita ko sa iyo kung saan nagsimula.” ang dugtong niya at saka hinawi ang mga dahon, bumungad sa amin ang mga nangangalit na mga tao. Lahat sila ay may mga dala-dalang sibat, mga naglalagablab na sulo, kitang kita ang galit sa mga mukha nila.

“Sino sila, Venefica?” napayakap tuloy ako sa sarili ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

“Ang mga Anberge.” kaagad akong napahawak sa bibig ko nang magsimulang magtapon ng mga sibat ang mga sambayanan sa tapat ng isang napaka-garbong mansion.

Unti-unti din nilang pinagtatapon sa harapan noon ang mga sulo nilang may mga apoy. Sanhi para mapalabas nila sa malaking mansion ang lupon ng mga kalalakihan na pawang mga nakasuot ng mamahaling mga kasuotan.

“Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo?” kalmado ang lalaki na nasa may unahan. Napahawak nalang ako sa bibig ko nang bigla siyang hagisan ng isa sa sambayanan ng umaapoy na sulo. Kaagad na nasunog ang buong katawan niya at tila hindi siya nasasaktan.

“Totoo ang mga sabi-sabi! Mga mangkukulam nga sila!” napalunok nalang ako nang mahawakan ng lalaking iyon ang apoy at parang sisiw lang sa kaniyang kontrolin iyon.

“Hindi ninyo ba alam na ang kalakasan namin ay apoy?!” kaagad itong humalakhak na parang demonyo at mas lumakas pa ang apoy na nasa katawan niya sanhi para mas lalong tumaas ang balahibo ko.

Bahagyang napaurong ang sambayanan nang isa isang nagpalabas ng apoy ang mga kalalakihan na nanggaling sa mansion sa kanilang mga kamay.

“Hindi ninyo alam kung sino ang mga kinakalaban ninyo!” sigaw nito at saka naman na dumilim ang paligid. Nagsimula ding umihip ang napakalakas na hangin sanhi para mapahawak ako sa court dress na suot suot ko. Sandali kong inilibot ang paningin ko nang maramdamang parang naninikip ang lugar.

Unti-unti na palang gumagalaw ang mga puno sa paligid at palapit ito sa mga tao. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nila sanhi para ganoon din ang maramdaman ko.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now