Season 1 Chapter 17: Hide And Seek

29 13 6
                                    

Moerani's Point Of View

“MOERANI?! Moerani?!” I sigh as a relief when I heard Mom's voice downstairs. I don't think she's unreal.

“M-mom?” halos pabulong na lamang ako kung magsalita.


“I WILL never leave you again, Moerani.” she hugged me really tight. Unti-unti nang tumulo ang mga luha ko na kanina pang nagbabadya nang makita ko si Mommy. “Don't cry, Rani. Mommy's here.” I hugged my knees, I'm still in shocked.

“Promise me, Mom.” ang sabi ko. Dahan-dahang pinunasan ni Mommy ang mga luha ko. Hindi pa rin kasi ito tumitigil kahit na anong gawin ko. I'm really scared.

“Those creatures. They're not just haunting me, Mom. They're hurting me.” ang sabi ko habang paunti-unting humihikbi. I don't like this. I don't like crying. Especially in front of Mom.

“I know, Moerani.”




“HEY, cockroach.” halos nakatago na ang mukha ko habang naglalakad sa may hallway. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya sa kanila, wala naman akong ginawang masama. Pero, sigurado akong ipinakalat na ni Braighd iyong nangyari noong sleep-over party. Akala ko ba nagsisisi na siya? I really don't get her.

Narinig ko ang tawanan ng grupo ng mga lalaking nadaanan ko. Kanina pa nila ako pinagtitinginan. I'm really sure na hindi lang iyong tungkol sa ipis iyong ipinamalita ni Braighd, dinagdagan niya iyon.

“Why am I hiding?” ang tanong ko sa sarili ko nang makapasok ako sa c.r. Inayos ayos ko iyong uniform ko dahil nalukot na sa kakatago ko sa kanila. I really don't get it, why am I hiding from them?, wala naman akong ginawang masama kay Braighd.

“Oh, Rani?” napatingin ako sa babaeng kakalabas lang ng isa sa mga cubicle.

“Zediah?” ang sabi ko at saka inayos ang buhok ko. Hindi ko malaman kung bakit ako naco-concious sa babaeng ito.

“Great timing. Braighd wants to tell you something, Rani. Magkita nalang daw kayo mamaya sa may soccer field. Bye!” ang sabi pagkatapos na maayos ang sarili sa may salamin.

Naiwan lang ako sa may c.r na nakatanga. Hindi ko kasi alam kung pupunta ba ako doon o tutuloy nalang akong umuwi.

Dumaan muna ako sa may cafeteria para sana ay bumili muna ng makakain. Nagutom nalang kasi ako bigla nang malamang tinatawag ako ni Braighd.

“Donut please, strawberry flavor po.” ang sabi ko at saka itinaas ang isa kong daliri.

“I know, she's a fool.” habang hinihintay ang pagkain ko ay naupo na muna ako doon sa may isang gilid, tanaw ang grupo ng mga lalaki na nagku-kwentuhan. Mga nasa anim sila, sayang saya pa nga.

Hindi ko maiwasang hindi makinig sa kanila lalo na't nabobosesan ko iyong isa.

“Pinagti-tripan ko lang iyon, bro. Ang bilis niyang mahulog.” ang sabi noong isa na matangkad at may sukbit sukbit na kulay gray na bag.

“I told you. Girls are fools, they're so pathetic.” narinig ko ang kaunting pagtawa noong lalaki na nasa tapat noong may kulay gray na bag. Hindi ko pa naririnig na magsalita iyong isa nilang kasama.

“'Yung babae ba talaga na iyon 'yung nagbigay noong box?” halata ang gulat doon sa isa.

“Sa tingin mo gagawin niya iyon? No way. I'm just making fun of BN.” BN? Who's BN?

Nang makarating na ang order ko ay kaagad kong tinignan ang relo sa kanang kamay ko. Ang aga palang ihatid ako ni Mom dito. As in, ang aga talaga.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now