"May sinabi ba akong ikaw yun?" Tamad na sagot ko na mas nagpasalubong ng kilay niya. "At isa pa, hindi na ako nag-aaral dito. Kaya wala akong pakealam kung higher year ka."

"At sino ka ba sa inaakala mo? At bakit ka sunod ng sunod kina Aziel? Wag mong sabihin na ikaw ang pinalit niya sa'kin?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.

Nakikita ko sa gilid ng mata ko na tawang tawa na ang dalawa kong kuya. Mga baliw talaga! Dinamay pa nila ako sa kalokohan niya.

Pasalamat sila dahil may kasalanan tong Wendy na to sa'kin. At may gana akong makipag-usap sa hipon ngayon.

"Hindi ko alam na nabingi ka na pala? Masakit ba yung sapak ko nung nakaraan at may epekto na ito sa pandinig mo?...Kakatawag ko lang sa kanya na Kuya diba?. Tch!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"How dare you!" Sasampalin na sana niya ako pero agad ko itong nasalo.

"Oh no! But ou can't, Wendy. Baka nakakalimutan mo ang ginawa ko sa inyo ng syota mo dati?" Bulong ko malapit sa mukha niya bago ako ngumisi ng nakakaloko.

Narinig ko na ang mga bulungan ng mga nakikiusyoso sa'min. At lahat sila mukhang hindi makapaniwala na nakita nila ulit ako.

Binitawan ko na ang kamay ni Wendy bago ko siya nilampasan. Narinig ko namang humabol sina kuya sa'kin na tawang tawa parin.

"Ang galing talaga ng kapatid ko. Buti na lang at nandito ka" natatawa paring sabi ni Kuya Xander at inakbayan ako.

"I can't believe you, Kuya! Pumatol ka sa babaeng yun, kahit alam mo ang nangyari dati?" Iritang sabi ko.

"Siya ang habol ng habol sa'kin, Adi. Syempre, kawawa naman pag hindi ko pinansin. Hindi ko naman akalain na patay na patay pala siya sa'kin  kahit isang araw lang na naging kami"

"What the fuck! Kuya! Isang araw?" Gulat na napalingon ako sa kanya.

"Ganyan ka gwapo ang kuya mo, Adi" mayabang na sabi niya.

"Ka gago kamo!" Pag-uulit ko sa sinabi niya.

Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Kuya Kurt na nasa tabi ni Kuya Xander.

"Kung ako sa'yo, bunso, hindi mo na tinulungan tong isa. Para hanggang ngayon ay may nakakapit parin sa braso niya" natatawang sabi ni kuya Kurt kaya pati ako ay natawa narin.

"Taga Arete kayo, di ba?" May sumalubong sa'ming isang Staff dito.

Tumango naman si Kuya Xander bilang sagot.

"Dito ang pwesto niyo" tinuro niya ang mga upuan sa dulo ng Gymnasium.

"Salamat" pasalamat ni Kuya Kurt bago kami lumapit at naupo na do'n.

Nag-umpisa na ang Opening program, pero wala parin si Zach. Dadating kaya siya? Tatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam. Pagkatapos ng mga sinabi niya sa'kin nung gabing yun, ngayon magtatago na siya? Huh! Siraulo talaga!

"Kuya, bibili lang ako ng tubig. Nauuhaw na kasi ako" paalam ko kay kuya Xander bago ako tumayo.

"Samahan na kita"

"Hindi na, kuya. Kabisado ko naman tong lugar. Hindi rin naman ako magtatagal" tumayo na ako at lumabas na ng gymnasium.

Pinagtitinginan parin ako ng mga estudyante. Nagtataka siguro kung bakit ako nandito at kasali sa mga varsity.

"Oh? Adrianne? Ikaw na ba yan?" Gulat na tanong ni Aling Ester ng makita ako. Siya ang nangangasiwa dito sa Cafeteria, At kilalang kilala niya ako dahil ako ang suki niya sa friedchicken. Minsan nga, kahit wala sa menu nila para sa isang araw ang pritong manok, ay nilulutuan parin niya ako.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now