Short Story: teen pregnancy

18 4 0
                                    

I was just 13 yrs. old when I already had a boyfriend. Kahit alam kong sobrang bata ko pa pumasok pa din ako sa isang relasyon dahil sa mga kaibigan ko, gusto ko lang din naman maranasan ang ganyang bagay eh dahil sabi nga nila parte daw yun ng high school life pero di ko inakala na ganon pala ang mangyayari sa akin.
.
.
.
Nakilala ko si Luke noong intrams namin 3rd year highschool sya non. Nakilala ko lang sya sa isang horror booth dahil sya ang isa sa mga nangtatakot doon, tinulak kasi ako ng mga kaibigan kong baliw at ako lang ang pinapasok nila sa loob, pinagtripan ako ng mga gaga. Kaya ayun pagkapasok ko na estatwa ako kasi napakadilim at napaka creepy ng music.

Habang na eestatwa ako may naramdaman akong kamay sa likod ko kaya napasigaw ako pero tinakpan naman kaagad nung tao sa likod ko ang baba ko para siguro Di marinig ng kapwa aswang niya.

"Wag kang maingay, mga baliw pa namn yang mga kaibigan ko." Sabi niya at parang kinilig ako dahil sa boses niya pero bumalik ang takot ko nung nagsisimula na kaming maglakad.

Tinanggal ko ang kamay nya sa baba ko at nilingon sya, Hindi ko makita ang mukha nya.

"Sino ka ba ha?" Bulong na pagkasabi ko kasi baka marinig kami nang mga multo dito.

"Tara na. Sige ka di ka makakalabas dito." Sabi niya at nagpahila naman ako.

Nang May naramdaman ako ng kamay sa paa ko ay napayakap ako sa kanya. Wala na akong pake-alam. Hindi ko alam na binuhat niya pala ako hanggang sa makarating kami sa pinto palabas, agad akong napalayo sa kanya pagkababa nya sa akin at dali-daling lumabas.

Nilingon ko sya pero nakasarado na ang pinto at sumigaw nalang ako "salamat!" At umalis na ako doon sa horror booth na yon.

"Paano ka nakalabas doon Leah hahaha" Sabi nang isa sa mga kaibigan ko nang makita na niya ako, pero Di ko sila pinansin, habang inaayos ko ang sarili ko kasi haggard na ako dahil kanina sa horror booth na yon, I felt something inside the pocket of my skirt, dali-dali kong kinuha yon at pagkakita ko kung anong bagay yon Ay kinilig ako dahil ID yata yon ng lalaki kanina.

Ilang araw na ang nakalipas naging magkaibigan na kami ni Luke kasi hinanap ko sya nung araw na yon para isauli ang ID nya.

Pinupuntahan na nya ako sa room namin at sabay na din kaming nagrerecess at naglalunch. Parang mabaliw na ako kapag Di ko sya makita kasi nasanay na ako sa araw-araw na ginagawa niya.

Isang araw habang naglalunch kami may sinabi sya sa akin na ikinagugulat ko.
"Uhmm Leah?"

"Oh baket?"

"May sasabihin ako sayo, sana di mawala ang closure naten" pagkasabi nya sa mga salitang yon ay parang kinilig at kinabahan ako pero Di naman sa assumera. Pero parang ganun na nga hehe.

"Ahh ano ba yon?"

"Ano kasi"

"Crush moko?" Pagkasabi ko non Ay na ubo sya

"Ha.ha.ha" tumawa sya pero halatang pinilit.

"Wag kanang mahiya, ano ka ba crush din naman kita eh" pagkasabi ko non potah na ubo na naman sya, ang assumera ko na yata

"Ahh salamat dahil nagustuhan mo ang lalaking tulad ko..... Pero....... May gusto sana akong ligawan..... Pwede patulong?" sht. Iba ang gusto nya. Lord pwede mo na akong kuniiiin. NAKAKAHIYAAAAA yan kasi assumera.

"Ahhhhhh hehehe........ sige ba......at saka wag kang mag assume na crush kita ha.....kasi biniro lang kita kanina hehehe"

"Ay.. talaga ba pero sige hehe"

Sht Ang awkward ng paguusap namin.
Nang tumunog na ang Bell Ay nagpaalam na ako sa kanya at dali-daling tumakbo papunta sa classroom namin.

Hanggang sa uwian na tulala pa din ako hindi ko nga naiintindihan ang mga chika na sinasabi ng mga kaibigan ko eh.

Wrong GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon