Movie Clip 22

2.5K 147 3
                                    

Lucifer Pov

Nakikita ko lahat ng mga galaw ng aking anak, at pati narin nag pagbabago na nangyayari sa kanya, pero hindi yun dahilan para kalimutan nya ang kanyang misyon na sirain ang mundo ng mga tao

Kaya dapat gumawa na ako ng aksyon, kahit kaya kong sirain ang mundo ng mga tao sa isang iglap lang ay hindi ko iyon ginawa kasi gusto ko na mga anak ko ang katakutan ng mga tao, pero ganito naman ang nangyayari kay Devon

Kailangan ko ng umaksyon
Kaya malakas kong binagsak ang aking kamay sa lamesa na dahilan para magkaroon ng malakas na sound wave para masira ang mga gamit sa bulwagan

"ano pong nagyayari mahal ma hari?"
Tanong ng isang demon maid

"ipatawag mo si Agartha, para pumunta sya ngayon dito, may ipapagawa ako sa kanya"
Utos ko sa kanya at agad itong nag-bow at naglaho sa aking harapan

At tyaka ako tumingin sa malaking salamin na kung saan nakikita ko ang mga nangyayari sa mundo ng mga tao

Maya-maya lang ay may naramdaman akong malakas na presenya kaya napangisi ako at tumingin sa aking likuran

"ano ang maipaglilingkod ko mahal na hari?"
Tanong nya na may ngiti sa mukha

"simple lang Agartha, pumunta ka sa lupa at sundan mo si Devon, at simulan mo ang misyong dapat na sinimulan pa nya noon"
Sabi ko

Nagbow sya at sinabing "masusunod mahal na hari"

Aalis na sana sya ng pinigilan ko pa ito

"kung pwede ay patayin mo narin ang mga taong kanyang kasa-kasama sa lupa"
Nakangisi kong tanong

"walang problema mahal ma hari"
Nag-bow ito tyaka naglaho na parang bola

Tignan natin ang tapang mo Aking Anak

My Cute Demon Kid (BXB) COMPLETEDWhere stories live. Discover now