"Alright. If that's what you want, so be it."

Nang matapos kaming kumain ng agahan ay agad na kaming tumulak papuntang opisina. Nasa iisang sasakyan lang kami. Si Zach ang nag d-drive as usual at nagsisiksikan ulit sila Leon at Diego sa passenger seat. Habang kami naman ni Nate ang nakaupo dito sa backseat.

Siyempre hindi naging tahimik ang biyahe namin dahil punong puno ng asaran muka kayla Diego at Leon kaya naman tawa lang kami ng tawa maging si Zach na karaniwan ay tahimik ay nakikitawa din. Si Nate lang ang tahimik sa tabi ko at pangiti ngiti lang sa naririnig. He's playing with my hands while looking at the outside.

"Ayos ka lang ba?"

"Hmm... Of course,"

Hindi man ako sang-ayon at kuntento sa naging sagot niya dahil pakiramdam ko ay may kung ano mang bumabagabag sa kanya ay tumango nalang ako.




Hindi naman nagtagal ay nakarating na din kami sa opisina. Naglalakad kami papuntang elevator at napapaligiran ako ng matatangkad at makikisig na lalaki kaya pinagtitinginan kami. Agaw atensyon naman kasi talaga ang kagwapuhan nila. Pinagkibit balikat ko nalang iyon at dire-diretso lang kaming nagtungo sa elevator. Napatigil lang ako sa isang tawag.

"Gel!!" rinig kong tawag ni Jea na kalaunan ay humina din marahil nang makita si Zach na nasa malapit sa akin.


"Je?" alinlangang bati ko sa kanya at binigyan siya ng isang maliit na ngiti.

Dahan dahan niya naman akong nilingon at ngumiti bago lumapit sa akin. Akala ko ay iiwas siya sa 'di ko malamang dahilan pero may namumuong konklusyon sa akin na may namagitan sa kanila ni Zach at iyon ang gusto kong malaman.

Nang makalapit siya sa akin ay agad siyang lumingkis sa braso ko at nagpatiuna na kaming pumasok sa elevator nang magbukas ito.

"Ayos ka lang ba, Je?" mahinang tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa loob. Nasa likod kami ng apat na di man lang kami nililingon. Laking pasasalamat ko nalang at hindi muna dumikit sa akin si Nate, siguro nakaramdam din s'ya kahit papa'no.


"Chika ko sa'yo later, Gel," aniya nang bumukas sa tamang palapag na bababaan ni Jea ang pinto ng elevator at lumabas na siya.

"Sabay tayong mag-lunch ha?" pahabol kong sabi sa kanya bago magsara ang elevator.


Nakangiting tumango siya sa akin at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsulyap niya kay Zach bago tuluyang sumara ang pinto.







Matapos makalabas ni Jea ay agad pinalitan ni Nate ang naiwang pwesto nito. He caught my hand and intertwined our hands together. I looked away shyly and I heard Leon faking his cough, kaya naman pabiro itong hinampas ni Diego sa likuran ng malakas kaya naman nag-asaran na naman ang dalawa at napuno ng tawanan ang loob ng elevator dahil sa kabaliwan ng dalawa.






Nang sumapit ang alas dose ng tanghali ay magkakasama kaming lumabas sa opisina ni Nate. Wala naman kaming ginawa nila Leon sa loob. Nagpalipas lang ng oras at nanuod ng kung ano ano. Samantalang si Nate ay busy sa pagbabasa at pagpirma ng kung ano anong papeles.


"Alfred, sumabay ka na sa aming mag-lunch," aya ni Leon sa lalaking nakaupo sa dati kong pwesto.



Tumayo siya para sumunod sa sinabi ni Leon. Inaantay nalang namin si Nate na lumabas sa loob ng opisina niya para tumuloy na kami pababa.


"Ay! Angel, hindi mo pa pala siya nakikilala," wika ni Leon sabay baling sa lalaking nagngangalang Alfred. "Siya pala 'yong bagong secretary ni Nate, 'yong pinalitan mo? Siya si Alfred," binigyan ako ng maliit na ngiti ni Alfred at naglahad ng kamay. Nginitian ko siya pabalik at tinanggap ang kamay niya. "Siya naman si Angel, Alfred. Girlfriend ni Nate slash, Ex secretary," tumango naman siya natigil lang ang pagpapakilala nang lumabas na si Nate kaya tumuloy na kami papuntang cafeteria.




The Devil's Angel (ON HOLD)Where stories live. Discover now