:23

116 11 1
                                    

15 minutes ago

Denise: teh malapit na kami.

Elaiza: sigesige aabangan ko na kayo sa labas.

Habang nakatayo at naghihintay sa labas hindi ko maiwasan lumingon sa bahay ni taehyung. Nagbabaka sakali lang na lumabas o sumilip siya hehe.

10 minutes ago

Elaiza: potcha akala ko ba malapit na?

Denise: malapit na nga.

Elaiza: scam ka asan na kayo?

Denise: secret.

Denise: de joke eto na tanga dito ka kasi sa kabila tumingin.

Ah oo nga pala haha. Nagpark na sila yuan at alyanna sa tapat ng bahay at lumabas sila na bitbit ang kanilang mga regalo para kay mama. Ang babait aba akala mo talaga mga good influence.

"Hoy tangena niyo mga pa vip kayo ah! nanginginig kamay ko gusto mangbatok." bungad kong sabi sakanila at pinakita ko ang pag-acting na nanginginig ang kamay ko.

"Pano nginig HAHAHA Ano yan welcome home batok?" natatawang sabi ni alyanna.

"May batok ka elai try mo yung sayo." asar ni yuan. Bagay talaga kayo gigigil ako sa inyo hmph!

"Kung makareklamo ka kasi akala mo ikaw yung sinadya namin dito." pang-aasar ni denise na ikinatawa naman nila. Isa pa to bwiset!

"Kahit na pocha kayo, Tara na nga. Batiin niyo si mama ah magmano kayo mga demonyo." 

"Siyempre naman." sabat ni yuan.

"Luh weh ba yuan?" insultong tanong ni alyanna. Kunwari pa 'to gusto lang naman magpapansin wushu.

Pinaupo ko muna sila saglit sa isang vacant table at hinanap si mama para ipaalam na nakarating na mga kaibigan ko.

"Nandito na pala kayo." sabi ni mama.

"Hello po tita happy birthday po!" pagbati ni denise.

"Happy birthday rin po tita." bati rin ni alyanna na sinabayan naman ni yuan.

Lumapit sila kay mama para magmano, bumeso at sabay na ini-abot isa isa ang kanilang mga regalo.

"Nag abala pa kayo sa regalo, salamat ah." nakangiting sabi ni mama.

"Wala po yan tita salamat rin po."- alyanna. luh pahumble pa aba.

"Nako ma! mug lang laman niyan." tumingin naman sila sakin ng masama.

"Hindi po, wag po kayo maniwala sa anak niyo" -denise.

"Opo, ingit lang po yan si elaiza." sulsol ka talaga alyanna.

"Charot lang naman HAHA sige na ma ako na po bahala sakanila."

Umalis na si mama para asikasuhin naman ang mga kamag-anak naming bumisita rin.

"Hoy may ike-kwento ako sa inyo mamaya." excited kong banggit.

"Akala ko ba ikaw bahala samin?" paalala ni denise.

"Pinaghintay niyo ko ng pagkatagal-tagal tapos pagsisilbihan ko pa kayo? bilis kilos! mag kanya-kanyang sandok kayo mga tanga"

"Dami mong satsat, Kung sinabi mo nalang na 'tinatamad ako' edi tapos aga- ARAY POTA!" daing ni alyanna sa sakit. Sasabat pa kasi kaya binatukan ko nga. Tawang tawa naman kaming tatlo dahil sa reaksyon niya. "Bibig mo baka gusto mong palayasin ka dito." natatawa kong banggit. "Kung ikaw kaya batukan ko." gigil na sabi niya na nagpatawa ulit samin.

"Dali na! tapos punta tayo sa kwarto ko." gustong gusto kona dumaldal ang tagal din namin di nagkita-kita.

"Hoy baka nakakalimutan mo elaiza lalaki ako ah. Isa-isa lang pwede ba." parang gusto ko ulit mangbatok. Pero pustahan si alyanna kinikilig yan, may tinatago ding kulo yan hahaha.

"Luh ang kapal? Gago mandiri ka nga. Nasa birthday-han tayo mahiya ka naman." pagsuway ni alyanna sabay palo sa braso niya. Oh diba? ganyan ang senyas ng kinikilig may pagpalo ;>

Tumingin naman kami pareho ni denise kay alyanna na para bang nag sasabi na 'Luh truly ba?'.

Noong natapos na silang kumain napagdesisyonan na naming umakyat at pumunta sa kwarto. Ito ang eksena bago magsimula ang sakuna. CHAROT! HAHAHAHA wala nadapa lang naman si alyanna dahil sa aso naming chihuahua. Buti nalang walang tao dahil nasa backyard ang catering.

So siyempre bilang mabubuting kaibigan pinagtawanan muna namin siya bago tulungan. Eh pano ang tanga eh.

"Oh bilis kwento na." sabi ni denise noong bumalik na si yuan na may dalang cold compress para sa masakit na parteng tuhod ni alyanna. Di naman malala at di naman daw masyadong masakit pero si yuan mapilit para daw mas mabilis mawala yung sakit. Edi sana all.

"So ayun nga mga tanga lalo kana alyanna char HAHAHA may bago kasing lipat diyan na kapitbahay namin." panimula kong sabi. "Oh tapos?" nawala sa mood amp char nga lang eh.

"Eh bakla ang gwapo pramis!" kinikilig kong banggit.

"Luh ang landi ah. Crush mo?" -denise.

"Grabe halata ba? HAHAHAHA"

"See? wala ng intro-intro basta gwapo auto crush, ganon." sabi ni denise. "Sama ng ugale mo hayop ka HAHAHAHA sorry na crush lang naman bhie." sagot ko.

"Nakilala mo na ba?" tanong ni yuan.

"Syempre naman! ako pa? mautak ata to HAHAHA char tinanong ko lang si mama." tumawa naman silang tatlo.

"Kim taehyung pangalan, ayon sinearch ko sa fb."

"Chinat mo?"- denise.

"NAMAN HAHAHAHA."

"Grabe confidence gurl palimos nga HAHAHA pero ano ni replyan kaba?" tanong naman ni alyanna.

"Nung una ayaw ako replyan ni gago kahit nga seen wala!"

"Pabebe pala yan eh." -biro ni yuan.

"Luh parang siya hinde." -alyanna.

"Matipid lang ako magreply pero hindi pabebe." poker face na sabat ni yuan at nagmake face naman si alyanna.

"Nakita ko yon alyanna."

"Oh edi nakita mo, Gusto mo ulitin ko"

"Wag ang panget mo." then he laugh. "Pakyu sagad." sabay irap. May mga sapi talaga to parang kanina lang ang sweet niyo pa.

"Teka nga mamaya nayang LQ niyo patapusin niyo muna ko." awat ko sakanila.

"Ako nalang kwentuhan mo prend hayaan mo sila magmoment diyan." sabay lingon ni denise kay alyanna at yuan na may kasamang pang-aasar.

Bigla naman silang nataranta. "De sige elai tuloy mo na." sabi ni alyanna.

"So yun nga chinat ko siya tapos nung nakulitan nireplyan na niya ko. Tadtadin ka ba naman araw araw, nung una hindi daw siya interesado sakin. LIKE? swerte na nga niya sakin teh." umirap naman si alyanna at denise. 

"Patapyas nga ako sa mukha ang kapal eh." asar ni denise.

"Demoniyo charot lang! HAHAHAHA de yun nga syempre di ako pumayag, nagpapansin parin ako tas nagpanggap nalang ako na diko siya crush, na gusto ko lang makipagkaibigan ganon. Kasi alam mona, baka di niya ko kaibiganin eh."

"Jugol ka ang tanga mo." insulto ni alyanna. Coming from you talaga ah.

"No choice ako gusto ko siya makaclose tsaka diba sinabi ko din sa inyo na dipa ako gaano kaready pumasok sa relationship. Kaya ayon we're friends? I guess." paliwanag ko. At tumango naman sila sa sinabi ko.

"Teh sana aware ka sa sitwasyon ko no? alam mo naman diba." Paalala niya sakin. Nung una diko pa naintinidhan, tsaka ko lang naalala noong napatingin ako kay yuan na nagtataka sa sinabi ni alyanna.

;neighborWhere stories live. Discover now