:19

119 12 6
                                    

Natapos ko nang paghandaan ng pagkain si taehyung nagpaalam nako kay mama na ihahatid kona ang pagkain.

"Mama ibibigay kona kay taehyung to ah" sabi ko. "Sige ibigay mona" sagot sakin ni mama.

Paalis na sana ako pero may nakalimutan akong sabihin "Mama paguwi ko may apo kana PANGAKO!" pabiro kong sigaw kay mama. "puro ka kalokohan elaiza ibagay mona yan doon" natatawang habilin sakin ni mama.

Habang ako'y naglalakad patungo sa bahay ni taehyung hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa kilig. Eto kasi yung una naming pagkikita in personal. Hindi na yung patingin tingin lang ako sakanya sa tuwing lalabas siya at sa tuwing aalis siya ng bahay niya. Iniimagine ko pa nga lang na makikita ko siya ng malapitan kinikilig na ako paano pa kaya kapag kinausap na niya ako. Like shet I cannot!

Pero ayoko naman maging awkward yung una naming pagkikita kaya may naisip akong kalokohan. Wag lang sana siya sobrang magalit sakin haha. Nasa tapat na ako ng bahay niya kaya nag-doorbell na ako.

Ding dong!

"HOY TAEHYUNG LUMABAS KA! PANAGUTAN MO AKO HUHU" sigaw ko sa tapat ng bahay niya with mathcing paiyak-iyak pa. Ganda ba ng naisip kong trip? hahaha.

Ding dong! Ding dong!

dalawang beses na akong nag-doorbell pero wala paring lumalabas. Nahihiya siguro sakin toh. Charot asa.

"KIM TAEHYUNG BUNTIS AKO IKAW ANG AMA!!" sigaw ko pa ulit. Sige mga chismosang kapitbahay magsilabas kayo!

"Oo na, eto na bwiset! ano bang pinagsasabi mo? ganyan ba dapat bumati sa kapitbahay?" inis niyang sabi at nagmamadaling buksan ang gate.

"Baka pag-usapan nila tayo dito tsk!" edi mas maganda! ibroadcast pa nila sa buong mundo ayos lang.

Pagkabukas ng gate bumungad agad ang nakabusangot na si taehyung. Pero kahit na ganoon ang gwapo parin niya. At grabe mga teh alam kong masama magnasa sa ibang tao pero shet ang hirap! like ang manly niya sa paningin ko kahit simpleng white shirt at black shorts lang ang suot niya ngayon.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko basta ang alam ko bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagawa ko narin sa wakas na lapitan siya ngayon.

"Hey elaiza!" tawag niya sa akin at pumitik. Hindi ko namalayan nakatulala na pala ko.

"A-ah eto na! S-sorry antagal mo kasi lumabas eh" nauutal kong sabi. Kalma elaiza, act normal.

"May ginagawa pa kasi ako tsk! di makapag-intay" ano bayan ang hot naman nito mainis.

"Sorry na, eto naman galit agad haha"
sabi ko. "Sinong hindi magagalit sa mga sinabi mong hindi naman totoo." pagrereklamo niya sa ginawa kong kalokohan.

"Edi gawin nating totoo." mahina pero nakangiti kong sabi.

"hmm, ano?" nakakunot niyang sabi.

"W-wala wala! haha nervermind" I said awkwardly. Ano ba elaiza wag ka muna lumande!

"Sa susunod nga ayusin mo yung pagbati sakin hindi yung gagawa ka ng chismis. " pangaral niya sa akin.

"Oo na sorry na, dika naman mabiro. Tsaka wag ka mag-alala wala namang mga chismosa dito." pabiro kong sabi at nag peace-sign.

"Kahit na." inis niyang sabi.

"Sorry na nga eh."

"Oo na sige na tss" aba attitude ka ah, bawiin ko yang spaghetti eh.

"Sige na una nako, sabi ni mudra thank you daw sa pagbati, bye." pamamaalam ko pero ayoko pa talagang umalis huhu. Papasukin mo naman ako sa bahay mo taehyung baka naman. Baka lang naman. Ehem.

"Wait elaiza!" hindi pa ako nakakalayo tinawag na niya ako. Kinikilig nanaman pantog ko hehe. "Baket?"

"Thank you for the food and sorry for refusing your invitation but I appreciate this, thanks again and tell your mom that I'm also thankful." pasasalamat niya sa akin. Ano daw? tangena konti nalang dumugo ilong ko ah.

"Ano kaba wala yon! gusto mo bigyan pa kita ulet." pag-aalok ko ulit. Pumayag ka! para may dahilan pa ko bumalik.

"ang bait ah pero nope, this is enough thank you." sayang, char.

"Tanga joke lang yon dina talaga kita bibigyan swerte mo naman, ano ka chicks? hahaha charot" pabiro kong sabi sakanya. "Sige na babush! walang anuman pakabusog ka taetae!" sabi ko sa kanya habang kumakaway paalis.

;neighborWhere stories live. Discover now