ANG WAKAS📌

99 22 8
                                    

Epilogue



Jiro's Point of View


"Grabe naman pala ang nangyari kay Alexis kaya ba siya nandito dahil nabaliw siya sa mga nangyari? Anong sakit niya?"  tanong ko kay Danica.


"Hindi siya nabaliw dahil sa nangyari dahil kathang-isip niya lang ang ikinwento niya." sabi nito.


'Ha?'


"Si Alexis ay may Schizophrenia o sakit sa utak. Ang karaniwang sintomas nito ay halusinasyon o nakakakita ng mga bagay na hindi nag-eexist sa mundo." paliwanag nito at nabigla ako. "Iba ang istorya ng buhay niya sa istorya na ikinwento niya sa atin." seryosong kwento niya pa.


'Ha?! Paano?! Ang gulo.'


"Ano ba ang totoong buhay niya?" takang tanong ko.



"Ayon sa totoong salaysay ni Aling Estrella ay mayaman sila Alexa. Totoo na mommy niya si Liza, Daddy niya si Alexander at may nakababatang kapatid siyang nag-ngangalang Sally. Masiyahin daw yan dati si Alexis laging nag-lalaro kasama si Sally at namamasyal kasama ang mga magulang niya. Pero oneday na-assign ang Mommy niya sa nightshift na trabaho, dahil doon ay naging iba na ang ugali ni Alexis. Inaaway niya na palagi si Sally at sinasaktan nito ang kanyang sarili at laging sinisisi si Sally. Sa paglipas ng mga araw, buwan, at taon ay palaging naiiwang mag-isa si Alexis sa bahay nila, wala itong mga naging kaibigan kaya na-depress ito at Nag-kulong sa kwarto niya. Nang lumabas ito sa kwarto niya ay pinatay niya ang tuta at pusa nila. Hinanap hanap niya ang pag-patay kaya pinatay niya lahat maski ang pamilya, mga yaya at driver nila pero nakaligtas at nakatakas ang mayordoma nila at nag-sumbong sa pulisya." kwento niya.


≥﹏≤


"Lahat ng na-kwento niyang pag-patay sa pamilya at kasama niya sa bahay ay totoo pero hindi si Aling Estrella ang pumatay kundi si Alexis mismo." dagdag pa nito.


"Eh paano siya napunta dito? Dapat ikinulong siya?" pagtatakang tanong ko.


"Dinakip siya ng mga pulis at napag-alaman na may sakit ito sa utak kaya dinala dito. Ayon kay Alexis ay may bumubulong daw sa kanya na gawin ang pag-patay, minsan naman ang kwento niya ang pinaglalaban niya, na si Aling Esther daw ang killer."


"Pero bakit hindi niyo sa pinagamot?"


"Pinagamot na namin siya, pero ang sabi ng psychiatrist na huli na ang lahat at hindi na maaagapan ang sakit niya. Kaya minsan tinatali nalang namin siya sa kama niya kapag sinusumpong siya ng sakit niya dahil nagwawala ito. Lagi siyang may kaaway na nurse at pasyente dito sa ward tapos bigla nalang umiiyak at sinasaktan niya ang sarili niya. Immune na siya sa sakit physically and emotionally kaya ganyan na siya." kwento ni Danica.


'Ganun pala yun!'


Napatingin ako sa orasan ko at pasado alas diyes(10) na ng gabi.

BOOK 1: Trece 13  (Completed)Where stories live. Discover now