IKALAWANG YUGTO

119 41 0
                                    

Chapter 2 : Hide & Seek

October 31, 2020 (Saturday) 6:00Am



Maaga akong nagising dahil ginising ako ni Alexa dahil niyayaya niya akong maglaro na pero dumiretso ako sa dining table at naabutan ko si Mom and Dad na kumakain ng almusal.


Nakabihis na si Dad samantalang si Mommy ay nakapang-tulog pa.


"Wala ba siyang pasok?" Bulong ni Alexa sa akin.


"Saturday ngayon, dayoff niya." Tugon ko sa kanya.


Napaharap ako kay Mommy and Daddy At bakas sa mukha nila ang pagtataka.


"Ah, Mom first honor po ako ngayon sa klase. Sayang po dahil hindi po kayo naka-punta sa classroom recognition kahapon para isabit ang medal ko, lahat nga po ng may honor sa klase ay may dalang magulang at may pakain. Ako lang po ang wala. Pero okay lang po yun para po sa inyo ito." sabi ko sabay lapit ko kay mommy at ibinigay ang medal at card ko.


"Bakit naka-school uniform ka pa? Hindi mo agad yan pinalaban kay Esther? Kaya nga may yaya tayo e! Kaya dugyot na dugyot ka e!! Magpalit ka dun sa taas!!!" sigaw ni mommy sa akin. "At tsaka may galos at pasa na naman si Sally. Inaaway mo na naman daw siya kagabi ha? Ikaw talagang bata ka sakit ka sa ulo pabigat ka!!!! WALA KANG KWENTA!!!" sigaw ni mommy habang hatak hatak ang buhok ko na tila matatanggal na ang anit ko.


Nakita ko namang nakangisi si Sally sa taas ng hagdanan habang hawak ang pusa ni daddy at masamang tingin ang ipinukol sa akin. Tila nasisiyahang panoodin kung paano ako sampal sampalin at Kawawain ni mommy.


Galit ding nakatingin si Alexa kay mommy pero hindi siya nangingi-alam dahil sinabi ko sa kanya noon pa na huwag na huwag niyang sasaktan ang pamilya ko.


"HINDI KO KAILANGAN NG MATALINO SA PAMAMAHAY NA ITO!!! ANG KAILANGAN KO AY MABAIT AT MASUNURIN KAGAYA NI SALLY!!" sigaw ni mommy habang hinahampas ng ilang beses ng medal ang ulo ko at tumatama ang bakal.


'Arayyyyy!!!! Ansakittt!!!! Di ko na kaya huhuhu'


'Tama na mommy :(('


"Hindi ka lalabas ng Kwarto mo!!! At hindi ka din kakain!!!" sigaw pa ni Mommy habang nilolock na ang pinto ng kwarto ko.


As usual ako nanaman ang pinag-bibintangan nila sa galos ng hayup na Sally na yun!!!


Nakita ko naman si Alexa na tumagos sa pinto at lumapit sa akin. "Huwag kana umiyak,hayaan mo nalang sila. "Tara laro tayo hide and seek ako na ang taya." niyakap ko siya at ngumiti.


Dahil kay Alexa gumagaan ang paki-ramdam ko. Siya lagi ang nag-cocomfort sa akin kapag pinapalo ako ni mommy at daddy. Siya yung nagsasabi sa akin na huwag daw akong mag-tatanim ng sama ng loob sa pamilya ko dahil kung wala sila wala ako.



*



3:00PM



Dahil sa kalalaro ng hide and seek na lagi akong natataya at sobrang pagod namin ni Alexa ay naka-tulog ako, at kakagising ko lang. Agad akong nag-palinga-linga pero hindi masilayan ng mga mata ko si Alexa. Tumayo ako para icheck ang pinto kung naka-lock pa ren pero ng itulak ko ito ay agad itong bumukas.


Nakaramdam ako ng gutom kaya dinala ako ng mga paa ko sa kusina para tignan kung may pagkain.


Habang papalapit ako ng papalapit sa kusina may naramdaman akong malagkit na likido sa inaapakan ko. Dahan dahan ko itong sinipat ng mga mata ko at nakakita ako ng dugo.


Bumabaha ng sariwang dugo!!!


Kalat kalat ang masaganang dugo na umaagos sa di kalayuan. Sa ilalim ng dining table may nakita akong kamay.


Unti-unti kong inangat ang tela na naka-cover sa dining table.


Isa...


Nanginginig ang mga paa ko.


Dalawa...


Eto na iaangat ko na.


Tatlo!!!


Damn!!!


Nakita kong dinidilaan ni Lili—tuta ni Sally ang sariwang dugo at bigla akong masuka ng makita ko si Mommy na wala ng buhay.



WALA NA SI MOMMY!!!



________________________________________________________________

Your Vote, Comment and Follow is highly recommended-este highly appreciated. Mwa mwa tsuptsup.

Thankyou!!

BOOK 1: Trece 13  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon