IKAPITONG YUGTO

97 32 1
                                    

Chapter 7 : School bus no more?


November 03, 2020 (Tuesday) 8:00Am



At School


"Goodmorning Ms. Mallari!" Bati namin sa teacher namin sa religion.


"Okay, maupo na kayo." makapangyarihang utos niya.


Umupo na kami lahat at nagsimula na siyang mag-turo.


[In the bible, it proves that witch, ghost, vampires, creatures and etc is not true. Ginagamit ito ng mga demonyo para manlinlang at makapanakit. Chuchuchu~~...]



Nag-lecture nanaman siya ng pampatulog na turo niya!!! Nakakaboringg...



Hindi na ako nakinig at nag-palinga linga ako para hanapin si Alexa. Nakita ko din siya agad sa labas at nakatingin sa bintana na nakatanaw sa akin na parang may gustong sabihin o tinging gusto ng umuwi at maghapon nalang kaming mag-laro.



Hindi pa rin ako makapaniwala kaninang madaling araw bago pumasok si Dad sa trabaho niya ay pumunta siya sa kwarto at galit na galit na dinala ako sa garahe.


[Flashback]



Nang makarating na kami sa garahe ay nakita kong nandon ang lahat ng tao sa bahay, guard, driver, mga yaya pero wala si Ate Jessica nasaan kaya siya. Nakita ko din si Sally na bitbit ang tuta niya habang nakangising nakatingin sa akin. May mga galos at pasa nanaman ang katawan niya.


"Sino ang baliw na papatay sa pusa ko?!!" malakas na sigaw ni Dad habang tinitignan kami isa isa.


Tumingin ako kung nasaan ang pusa na sinasabi niya. Nakita kong buto nalang ito at tuyong tuyo na ang balat. Walang kaliwang mata at bali-bali ang buto na sa tingin ko ay pinag-hahampas ng matigas na bagay.


"Alexis!!!!" sigaw ni Dad at nagtinginan ang lahat sa akin.


"Dad, hindi ko po alam."  nakatungong sabi ko.


"Manang Esther?! Sino ang may gawa nito?" Sigaw uli ni Daddy habang nakatingin kay Aling Esther na nanginginig na. Lahat kami ay napatingin sa kanya.



"Ah Ser, h-hindi k-o po a-alam.." utal utal na sagot nito. "Pero ser nakita ko po na hawak yan ni Sally noong isang araw." nabuhayang tugon nito.



Lahat kami ay tumingin kay Sally na seryoso lang na nakatingin kay Dad.



"Papalampasin ko ito pero kapag nalaman ko kung sino ang may gawa nito patawarin ako ng Diyos sa magagawa ko." Galit na sabi nito. "Manang Linisin niyo na ito at di ko muna gagamitin. Magcocomute na muna ako." dagdag ni Dad.

BOOK 1: Trece 13  (Completed)Where stories live. Discover now