Chapter 25

17.2K 562 0
                                    

"Pano niya nagawa sakin yun?"panay lang ang iyak ko, nandito ako sa bahay ni coolen 
"Sam, tama na. Namugto na mga mata mo oh"nag-alalang sabi ni coolen at hinawakan ang likod ko.

"Bakit gnun col? kung kailan okay na ang halat mangyayari pato."hinawakan niya naman ang mukha ko at pinatingin sakanya.

"Shhh... tama na."pinahid niya naman ang mga luha ko, sa lahat ny oras na kailangan ko siya nandito siya lagi.

"Pero ang sakit eh."

"Tama ka, masakit nga ang magmahal. Pero sa pagmamahal kailangan din nating masaktan, kasi di lahat masaya. May mga bagay din na kailangan nating maging tanga o maging bulag mahalin lang tayo ng taong gusto natin."

"Pero bakit kami pinasok ni tadhana sa ganito.?"

"Maybe, dahil ito ang paraan ni tadhana na maging handa pa kayo at patatagin ang sarili niyo sa mga bagay na masasakit na darating sa buhay niyo. May dalawa lang yan sam, kung kayo talagang dalawa, kayo talaga. Kung di naman kayong dalawa? hahanap at hahanap si tadhana para gibain ang relasyon niyong dalawa. Sa tingin mo sam, nasan kayo sa dalawa? maaring nasaktan ka at naging tanga pero di sa ganun na dahil sa narinig at nakita mo yun na ang totoo. Minsan, kailangan niyong pakinggan ang panig ninyong dalawa."Napaisip naman ako, nasan nga ba kami sa dalawa?
"Pero bakit ganito kasakit?"
"Sam, dahil minahal mo siya. Kailangan mo munang hanapin ang sarili mo sam. Wag puro sila o sino, isipin mo ang sarili mo. Mahalin mo muna sarili mo. bago iba."
"Salamat col"niyakap ko naman siya
"Ano plano mo?"napatingin naman ako sakanya.
"Sa ngayon gusto ko munang magpakalayo-layo sam"
"Sana wag kainin ng galit mo ang naramdaman mo sakanya sam."napatingin naman ako sakanya
"Bakit col?"

"Dahil sa lahat ng nasaktan naghihiganti, wag ka sana maging ganun."napayuko naman ako"saan ka ngayon?"

"Pupunta muna akong state's"

Marrying the billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon