chapter 2: First meet

35K 1K 9
                                    

Primus

SAM POV

Nagbibihis ako ngayon ng simple dress lang naman, nagpaganda nt kaunti at tada! done na!

Bumaba na ako at nakita ko sila mama't papa pati si ate na bihis na.Pagbaba ko sabay agad silang tumingin sakin at tinignan ako at sabay ngiti.

"Ang ganda talaga ng baby ko"papuri ni mama sakin at ngumiti lang ako

"Syempre mana sa papa hahaha"

"Anong sayo? sakin kasi ako ang ina!"

"Sakin kasi ako ang ama!"

"Heeeeppp! sakin! sakin nagmana kasi ako ang ate"tumawa nalang kami at sabay na kaming umalis , habang nasa byahe kami kinakabahan ako.Npansin naman ako ni ate na balisa

"Okay ka lang? parang kinakabahan ka?"ngumiti lang ako ng pilit at tumango

"Ate, bakit 'di nalang ikaw 'yung ipakasala nila papa sa lalaking iyon?"Tumawa naman siya

"HAHAHA Parang ate na ako nun sis"napangiwi naman ako"magka-edad lang ata kayo nun"tumango lang ako

"Gwapo ba?"ngumisi naman siya

"Oo naman! gwapong gwapo"sabay tawa niya, maya-maya huminto na ang kotse namin at bumaba na kami.

"Sabi ni kumare nandun na daw sila sa loob"sabi ni mama , lalo naman akong kinabahan sa sinabi ni mama

"Ganun ba? nakakahiya naman sakanila at naghintay pa sila"sabi naman ni papa at naglakad na kami papunta sa loob.

"Hi ma'am sir welcome to wendam restaurant"ngumiti lang ako at sila mama bumati naman pabalik pati si ate.

"ahmm reservation to mrs. and mr. montefalco please"sabi ni papa at ngumiti naman ang waiter

"This way ma'am sir"sumunod kami sa waiter at sa malayo na kita ko na ang ka edad ni mama na babaeng ngumiti , at kaedad lang din ni papa na lalaki. Gwapo at maganda parin kahit may edad na ah. Pero nasan 'yung mapapangasawa ko?

"San diyan ang mapapangasawa ko ate?"

"Wala pa ata"hayst salamat, sana wag kana lang pumunta

"Wag nalang sana siyang pumunta"

"Haha sira!"

Nakalapit na kami sa kanila at nakipag beso naman si ate at mama tapos si papa nakipag kamayan lang .

"How are you kumare?"tanong ni mrs. montefalco

"I'm good kumare"ngumiti naman siya at bumaling kay ate

"Ang ganda mo iha"

"Salamat po tita"

"My pleasure darling"tumingin naman siya sakin at ngumiti, nailang naman ako kaya ngumiti ako ng pilit.

"Ang ganda mo din iha"nakatitig lang siya sakin kaya lalo akong nailang.

"Salamat po"nahihiya kung sagot. Niyakap niya naman ako ng mahigpit , di ako makahinga.

"I'm sorry heheh"kumalas naman siya pagyakap sakin at tumingin kila mama.

"Upo na kayo kumare, kumpadre"tumango lang sila mama at umupo, naguusap pa sila ng kung ano ano. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nila kasi iniisip ko yung lalaking pakakasalan ko

"sis"lumingon naman ako kay ate

"Hmm?"

"Okay ka lang?"

"Oo"tumango lang siya at nakipag usap agad sakanila.

"Im sorry, im late!"napatingin naman ako sa lalaking kakadating lang at gusto kong kumurap sa nakita ko. TOTOO BA TO?!

"oh iho upo ka"umupo naman siya sa harapan ko at tinignan ako, ngumiti ako pero Deadma lang!

"Ah som, this is your tita darlin mo at tito carlos mo"nakipag kamay naman siya kila mama't papa

"Hi po"

"Ang gwapo mo iho"puri ni mama

"Manang mana sa ama't ina"puri naman ni papa

"thank you po"

"At ito namam si jayn at samantha son"nakipag kamay si ate at bumaling naman ang tingin niya sakin at pekeng ngumiti

"Hi"

"Hello" totoo ba to? kayden montefalco? ang lalaking pinangarap kung maging asawa?

Naguusapa pa rin sila at si kayden naman panay sulyap sakin kaya naiilang ako. Napagpasyahan kung pumunta mo na sa cr kaya tumayo ako

"Excuse me po"

"Saan ka pupunta anak?"tanong ni mama sakin

"Cr lang po"tumango lang siya at nagpatuloy na sila sa paguusap

•CR•

"Totoo ba to? 'di ba ako nanaginip?"tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin, buti at walang tao dito

"Totoo yun gaga!"

"Di ako makapaniwala"

"Edi wag kang maniwala"

Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko, nagmuni-muni muna ako at nagpasyahan ng lumabas ng cr.

Paglabas ko ng cr nakita ko si kayden sa labas kaya nagulat ako. Nakatitig lang siya sakin

"A-ano ginagawa mo dito?"

"Bakit pumayag ka?"nagsalubong namn ang kilay niya

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Yung sa kasal, bakit pumayag ka?"galit ba to? tsk

"Eh ano pake mo?!"ngumisi naman siya at hinawakan ang kamay ko saka ako binagga sa pader at hinarang niya namn ang kamay niya sa magkabilang gilid

"May pake ako, alam mo ba naghiwalay kami ng girlfriend ko dahil sa pesteng kasal na yan?!"diko naman alam yun eh! bakit nagagalit ka sakin

"Diko naman ala--"diko natapos magsalita ng magsalita ulit siya

"Pera lang ba habol mo sakin?"nagulat naman ako kaya nasampal ko siya

"How dare you?! di ako mukhang pera!"napangisinaman siya sakin pero salubong pa rin ang kilay niya

"Talaga?! pwes umurong ka sa kasal! O ayaw mo lang kasi...."pambibitin niya sa sinasabi niya

"Ano?!"

"Gusto moko?"nagulat pa aio at di makapag salita "Tama ako diba?"nainis namn ako sa paraan ng pagsasalita niya kaya tinulak ko siya pero di mn lang siya gumalaw

"Huy! kahit gwapi ka di ako magkakagusto sayo! gwapo nga pangit naman ng ugali!"sigaw ko sa pagmumukha niya

"Oh? so talagang pera lang ang habol mo sakin, GOLD DIGGER!"nasampal ko na nasmn ulit siya, anong karapatan niyang pagsabihan ako ng ganun?!

"Kung gusto mong iurong ang kasal? ikaw ang magsalita! pero tandaan mo? di ako kailan mn gagamit sa pera m0!"

"Tch! ito tandaan mo rin! I will make your life miserable like hell! "iniwan niya naman akong nakangaga, napatulo naman ng luha ko . Bakit ganun ka sakin? bakit ang sama ng ugali mo?

Marrying the billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon