Chapter 7: Asawa lang kita sa papel

23.2K 757 5
                                    

Primus

SAM POV:

Nanonood lang ako ng tv dahil kakatapos ko lang maglinis ng bahay. Pinagsisihan kong magpakasal talaga promise.Nakita ko naman si Kayden na pababa ng hagdan at bihis na bihis

"San ka pupunta?"Tumingin naman ito sakin

"May lakad ako"

"Saan?"

"Bakit?"

"Nagtatanong lang kasi asawa mo naman ako kaya may karapa--"diko natapos magsalita ng nagsalita na siya

"Sa papel lang tayo magasawa , kaya wag kang umastang totoong aaawa na kita"natahimik naman ako at napayuko. Naramdaman ko nalang na bumukas at sumirado ang pintuan

"Tch! oo na sa papel lang tayo magasawa!"naisigaw ko nalang at inis na nanood muli ng tv

'Bwesit pinamukha pa talaga sakin tch!'

12:00 na ng gabi nh di pa siya dunating kaya di mona ako natulog pero dinalaw na talaga ako ng antok.

"Hintayin mo lanh siya sam, dadating din yun"bulong ko sa sarili at tama nga ako. Narinig ko na ang sasakyan niya sa labas .Pumasok naman siya na LASING?!

"Kayden"nilapitan ko naman siya pero tinulak niya ako at masamang tumingin sakin.

"U-malis ka! I-ikaw *hik* ang may kasalan ni--*hik* to! dahil sayo nag *hik* walay kami ni Zina! dahil sayo!"sigaw niya sakin,pero binaliwala ko lang iyon at inakay parim siya

"Lumayo ka nga sakin!"tinulak niya naman ako ng malakas at kaya natumba ako"Umalis kana sa buhay ko!"napayuko nalang ako sa sinabi niya

'Kung pwede lang sana kayden'

Nakatingin lang ako sakanya na pa giwang-giwang na naglakad sa hagdan, kaya tumayo ako at inakay siya.pero tinulak niya lang ulit ako

"SABI NG LUMAYO KA EH!"

"Wag na matigas ang ulo kayden"

"PAKIALAM MO BA?! SINO KABA? ASAWA LANG KITA SA PAPEL!"sigaw niya ulit at naitulak ng malakas kaya nabangga ako sa mesa at naramdaman ko nalang na sumasakit yung noo ko kaya hinawakan ko ito at may DUGO?!

"Tch! "nagpatuloy lang siya sa paglakad at pumasok sa kwarto.

"Okay lang to,sugat lang naman to na maliit.Lasing lang siya sam"tanging naibulong ko nalang sa sarili ko

Marrying the billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon