Tinignan ko naman ang sarili ko sa isang malaking salamin na nasa kanan ko. Wala akong maaninagan sa kabilang parte ng salamin. Tinitigan ko na lang ang sarili ko at hindi ko maiwasang mag taka ng makita ang ilang sugat at pasa sa mukha ko.

Shit! Ang perpekto kong mukha!

Mabilis na inayos ko ang sabog sabog na buhok ko pero nahinto ako ng mapansin ang malamig na metal na nasa pulsuhan ko.

Bakit meron ako nito?

Naagaw naman ang atensyon ko ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang matipunong lalaki. Deretso syang umupo sa katapat kong upuan at nilapag ang mga dala sa lamesa.

Bakas sa mukha nya ang matinding pagod maging ang itim na nasa ilalim ng mga mata nya ay kitang kita din na maaring dala ng matinding puyat.

"Bakit?"
Masungit na tanong nya ng makitang nakatitig lang ako sa kanya.

"Mukhang na miss mo na ko detective, hindi kan ata makatulog ng hindi ako katabi."
Nangaakit na sabi ko at hinaplos pa ng hintuturo ko ang kamay na nasa ibabaw ng mesa.

"Tigilan mo ko."
Seryosong sabi nya tyaka hinawi ang kamay ko.

Natawa lang ako at sumandal sa upuan ko tyaka sya tinignan. Salubong na salubong ang kilay nya habang binubuksan ang isang folder. May kung ano pa syang kinalikot tyaka nag salita.

"Anong pangalan mo?"
Seryoso pa ring tanong nya na ikinatawa ko.

"Wag mo sabihing kinalimutan mo na lahat ng pinag samahan natin?"
Tanong ko pero hindi man lang nag bago ang reaksyon nya.

"Nakakatampo ka naman detective... samantalang ako hinding hindi kita makakalimutan... kung pano mo ko hawakan, halikan, yakapin..."
Sabi ko pa na nangaakit na hinaplos ang leeg ko pababa sa dibdib ko at tyaka umastang yakap ko ang sarili ko.

"Hindi ako nakikipag laro. Sagutin mo ng maayos ang tanong ko."
Sabi nya na halatang nag titimpi lang.

"Fine. Ang boring mo talaga."
Sabi ko na inirapan pa sya. Sumandal ulit ako sa upuan ko at dumikuwatro. Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin at sinuklay suklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Anong pangalan mo?"

"Tsk. Diba alam mo na? Tinatanong mo pa?"
Sarkastiko kong sabi na hindi sya nililingon.

Napansin ko din ang mg dumi sa braso ko at maging sa mga hita ko.

"Ilang taon kana?"

Hindi ko sya sinagot at luminga linga na tila may hinahanap bago mabaling sa kanya ang tingin ko.

"Wala ka bang panyo? Gosh ang dumi ko pala."

Nakita ko pa ang pag kuyom ng kamao nya at halos mapatili ako ng malakas na sinuntok nya ang lamesa.

"Hindi ako nakikipag laro sayo. Sagutin mo ang mga tanong ko hanggat nagagawa ko pang mag timpi."

"B-bakit ba nagagalit ka?"
Umiiyak na sabi ko.

"Wala naman akong ginagawa eh!"
Iyak ko na parang bata. Sinubsob ko pa ang mukha ko sa mga kamay ko at doon umiyak ng umiyak.

TATsuLOkWhere stories live. Discover now