3

326 4 0
                                    

Kabanata 3: Ang Hapunan
Galit na galit parin si Padre Damaso dahil sa mainit na talakayan na nangyari. Sinisipa niya lahat ng mga silyang nakaharang sa dadaanan niya.

Magkausap naman sina Don Tiburcio at Padre Sibyla habang papalapit sa hapagkainan. Dahil sa paggigitgitan, natapakan ng tinyente ang laylayan ng damit ni Donya Victorina dahilan kung bakit nagalit ito.

Umupo sa kabisera si Ibarra samantalang pinagtatalunan naman ng dalawang pari kung sino ang dapat maupo sa sentrong upuan.

Para kay Padre Sibyla, si Padre Damaso dapat ang maupo doon dahil siya ang matagal nang kaibigan ni Kapitan Tiago at siya din ang kumpesor ng pamilya nito.

Hindi sumangayon si Padre Damaso. Sa halip, iginiit niya na si Padre Sibyla ang nararapat na umupo doon dahil siya ang kura sa lugar an iyon.

Uupo na sana si Padre Sibyla nang napansin niya ang tinyente at inalok ang upuan. Tumanggi ang tinyente sa kadahilanang ayaw niyang pumagitna sa dalawang pari.

Wala man lang nakaalala sa may pahanda kundi si Ibarra. Ngunit tumanggi si Kapitan Tiago, katulad ng nagyayari sa karaniwang handaan.

Mas lalo namang tumindi ang galit ni Padre Damaso ng inihanda sa kaniya ang tinola na puro upo, leeg, at pakpak. Habang ang inihanda naman kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola dahil niluto naman talaga ito para sa kanya.

Habang nasa hapagkainan, patuloy ang pakikipag-usap ni Ibarra sa iba pang panauhin. Batay sa sagot ni Ibarra sa tanong ni Laruja, siya ay mahigit pitong taong nawala sa Pilipinas pero kahit kailan hindi niya ito nakalimutan.

Sa halip, ang Pilipinas pa ang nakalimot sa kanya dahil wala man lang nagbalita sa kanya ng kinahantungan ng kanyang ama na si Don Rafael. Tinanong ni Donya Victorina kung bakit hindi ito tumelegrama. Ito ay dahil nasa ibang bayan siya ng dalawang taon.

Talasalitaan:
Talakayan – usapan
Tinyente – sundalo
Kabisera – punong lungsod
Sentro – gitna
Kumpesor – taga -gawa
Kura – pari
Kinahantungan – kinalabasan
Telegrama – sulat

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now