13

119 3 0
                                    

Kabanata 13: Ang Babala ng Sigwa

Sakay sa kanyang kalesa, nagtungo si Ibarra sa sementeryo kasama ang kanyang katiwala upang hanapin ang nitso ng amang si Don Rafael.

Ayon sa katiwala, matagal siyang hindi nakabalik sa puntod ni Don Rafael dahil siya ay nagkasakit. Si Kapitan Tiago na daw ang bahalang magpaayos ng nitso.

Nagtanim ang katiwala ng mga bulaklak at nagtayo ng isang krus upang maging palatandaan. Agad na nagtungo si Ibarra ng matanaw niya ang krus na tinutukoy ng katiwala.

Nang makarating sa likod ng krus ay bigong nakita ang libing. Napahiya ang utusan kay Ibarra at hindi makapaniwala. Pinuntahan nila ang sepulturero na malapit lang sa kinaroroonan nila.

Nagtanong ang katiwala sa sepulturero kung mayroon ba itong nakitang puntod na may krus at mga bulaklak. Ayon sa sepulturero, sinunog na niya ang krus na tinutukoy nito dahil ito ang utos ni Padre Garote.

Ang bangkay naman ni Don Rafael ay wala na sa nasabing libingan. Pinalipat ni Padre Damaso ang bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga Intsik ngunit dahil sa may kabigatan ang bangkay nito at dahil na rin malakas na ulan ay tinapon nalang nila ang bangkay sa lawa.

Awa ang naramdaman ng katiwala habang galit naman ang naramdaman ni Ibarra sa kanyang narinig. Tulalang lumabas si Ibarra ng sementeryo. Napabilis ang lakad nito ng matanaw niya Si Padre Salvi.

Huminto si Ibarra sa harap ni Padre Salvi habang nanlilisik ang mga mata sa galit. Sinugod ni Ibarra ang pari at diniinan ang hawak sa balikat nito.

Pinagbintangan ni Ibarra si Padre Salvi ngunit agad namang itinanggi ng pari ang paratang. Sa huli ay nalaman rin ni Ibarra na si Padre Damaso ang Padre Garoteng tinutukoy ng sepulturero.

Talasalitaan:

Nitso – libingan

Puntod – katawan ng namatay

Sepulturero – nagtatrabaho sa sementeryo

Matanaw – makita

Nanlilisik – nagagalit

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now